Jameson's P.O.V
"anak gumising kana, may klase ka pa kasi" sabi ni mama.
"opo ma!" sigaw na sagot ko kay mama.
"sige basta pagkatapos mo bumaba kana agad dahil bawal paghintayin ang pagkain" mahinahon na sabi ni mama.
"okay po" sabi ko sa kaniya.
Si mama talaga ginising pa ako. Nakakatamad kaya mag aral kung ang inspiration ko ay may gustong iba.
Ayaw ko na talaga pumasok dahil makikita ko lang siya palagi. Sana dumating naman ang araw na magkakatuluyan kami. Pero alam ko naman na walang ng pag asa eh.
"oh,anak bakit ang lungkot ng mukha mo?" tanong ni mama sa akin.
"ah wala po ma, wala lang po akong ganang pumasok sa paaralan" sabi ko kay mama at saka umupo.
"ha bakit naman may masakit ba sa'yo anak?" tanong ni mama at lumapit sa akin at hinawakan ang noo at leeg ko tiningnan niya kung meron ba akong lagnat.
"wala ka namang lagnat anak, ano ba ang masakit sa'yo" tanong niya ulit.
"may sakit po ako pero sa puso lang"
"hay anak ganyan talaga yan....ano gusto mo ipakuha natin" natatawa niyang sabi.
"mama naman hindi ka nakakatulong sa puso kong wasak" sagot ko sa kaniya at lumapit sa kaniya sabay halik sa pisngi at pati narin kay papa..
"Pa, bakit ang tahimik natin" tanong ko kay papa.
"stress sa trabaho anak" sagot ni papa.
"ano ang maitutulong ko sa'yo pa?" tanong ko kay papa.
"wala anak kaya ko to, ako pa ba" sabi niya.
"sige pa payt lang ng payt kaya natin yan" sabi ko sa kaniya sabay yakap..
"oo nga anak basta nandiyan kayo ng mama mo hindi ako mahihirapan sa trabaho" sabi niya na nakangiti.
"naks naman, yan ang gusto ko sa'yo pa eh lumalaban kahit nahihirapan"
"sige anak umalis kana baka malate ka lang.. Nandiyan na sa labas si kuya dan dan mo hinihintay ka na" sabi ni papa.
"Sige pa alis na po ako bye" sabi ko saka tumakbo papunta sa labas.
Paglabas ko nakita ko si kuya dan dan na nakatayo sa tabi ng sasakyan kaya tinawag ko ito.
"kuya dan nag almusal na ba kayo?" tanong ko sa kaniya.
"oo naman anak, nauna na ako sa'yo dahil ang bagal mo kasi" sabi niya na tumatawa.
"hahaha sige po kuya alis na tayo baka malate ako sa unang klase ko eh" sabi ko.
Nagtataka ba kayo kung anak ang tawag ni kuya dan sakin ito kasi yun umpisa pa lang na ipinanganak ako siya na ang nag alaga sa akin pati narin si ate isabela. Magkasintahan silang dalawa pero nang tumanda na sila si ate isabela ay nagkaroon na sakit na cancer pero hindi niya ito sinabi sa amin kaya ng lumala na doon lan namin nalaman na may sakit siyang dinadala. Hindi na namin siya pinagamot dahil alam namin na hindi niya na kaya. Napag isipan ni kuya dan na magpahinga nalang si ate isabela para hindi na ito mahihirapan.
~flashback~
"Jameson umpisa ngayon tatawagin kana namin ni kuya mo dan na anak, okay lang ba sa'yo" tanong ni ate.
YOU ARE READING
Must Be Love
Kısa HikayeDalawang magkaibigan na naging magka-ibigan. Pero nawala ang kaniyang pinakamamahal na kaibigan. Naging sandalan ang isang kaibigan. . . Magiging sila kaya o hindi?? . . . Ano kaya ang mangyayari?