Chapter 7

8 3 0
                                    


Christof's P.O.V

Pagdating ko sa loob nakita ko si jameson na parang nakakitang multo kaya pinuntahan ko ito.Pero hindi niya siguro alam na papunta ako sa kaniya dahil hindi man lang ito tumingin sa akin. Kaya tinapik ko ang balikat niya.

"Bro ang lalim ng iniisip natin ha"

"wala ito Bro, may iniisip lang" sabi niya.

"Are you sure bro?, parang hindi eh"

"I'm okay"

Kaya hindi ko nalang ito pinilit dahil baka mapahamak pa ako kaya punta nalang ako sa aking upuan.

"Ano kaya ang nangyari do'n" sabi ko sa isip ko.

Maya-maya may bumato sa akin ng papel kaya tiningnan ko ito. At ang hayop na si paul lang pala.

"What's your problem dude" sabi ko sa kaniya.

"Wala, kanina pa kasi kita tinatawag hindi mo manlang narinig" sabi niya na nakasimangot.

Tinuro ko si jameson sa kaniya. At nagtataka ito kung bakit ko tinuturo.

"oh bakit anong problema mo kay jameson?" tanong niya.

"Gag* wala akong problema kay bro tinuro ko siya dahil siya ang iniisip ko" sabi ko sa kaniya.

"why?, are you falling inlove with him" sabi niya na nakangiti.

"What? Ginagago mo ba ako paul?" tanong ko sa kaniya.

"hahaha ito naman hindi na mabiro" sabi niya na tumatawa.

Kaya ito ako ngayon umalis ako sa kwarto dahil nag iinit ang ulo ko sa hayop na paul na yu'n makapunta na nga lang sa canteen.

Paul's P.O.V

Tawa ako ng tawa pagtingin ko sa gilid ko wala na si christof. Grabe naman yun hindi na mabiro. Makaupo na nga lang. Dumating si maam Sara pero wala parin si christof. Natapos ang klase wala parin siya kaya pumunta na lang ako kay jameson.

"Bro hindi pumasok si christof" sabi ko da kaniya.

"eh ano naman hayaan mo yu'n matanda na yu'n" sabi niya. Ito talagang kaibigan namin basta wala sa mood wala ng paki alam sa amin.

"grabe ka naman bro bakit hindi mo ba kami mahal?" tanong ko sa kaniya. kaya ayon nakakuha ako ng masamang tingin kaya tumahimik na lang ako.

"Bro si kyky diba yun?" tanong ko sa kaniya.

"Oo tara puntahan natin"

Tingnan mo yon basta si kyky ang pag uusapan parang kiti kiti.

"kyky!" tawag namin sa kaniya. Tumingin naman si kyky sa amin na nakangiti.

"Ky bakit pumapayat ka?" tanong ni jameson kaya tiningnan ko. Napansin ko na pumapayat nga siya.

Naglakad na siya palayo kaya nagtinginan kami ni jameson kaya ayun tinawag ko.

"ky saan punta natin?" tawag ko sa kaniya. Pero ayun dumiretso lang di ko alam kung ano nanaman ang pumapasok sa isip niya. Napaisip ako bigla ano kaya problema nun. Di bale pupuntahan ko mamaya yun.

Kyky's P.O.V

Umalis ako doon sa kinauupuan nina jameson at paul di ko alam parang ayaw ko na may makausap muna. I want to be alone. Gusto ko maka pag isip muna. Pumanta ako sa cafeteria nakita ko yung bestfriend ko na si bubby.

"Bubby!" sigaw ko sa kaniya kaya ayon napatingin siya sa akin at tumayo papunta sa'kin.

"hi bubbyyy! tara doon tayo" sabi niya.

"tara" at pumunta na kami sa kinauupuan niya kanina.

"parang may problema ka yata bub" tanong niya sa'kin. Pero tiningnan ko lang siyang nakangiti at sinabihan na "wala to may iniisip lang".

Nakita namin si paul na paparating kaya tinawag ko ito.

"Paul nandito" kaway ko kay crisstof sa labas ng cafeteria kaya ayon nakita niya kaagad kami. Tiningnan ko si bubby at ayon parang white lady na ang puti puti hahahaha tawa ako ng tawa kasi ang itsura niya parang timang. Nang makalapit na si crisstof sa amin umupo siya sa tabi ni bubby at ako ito kinikilig na parang timang.

"nandito ka lang pala ky kanina pa kita hinahanap may gusto lang sana akong tanungin sa'yo" saad niya.

"sure, ano ba yun?" tanong ko sa kaniya.

"what's your problem?" tanong niya sa'kin. At para matapos na nga sinagit ko na.

"Di ko alam kung anong problema ko hahaha gusto ko lang kasing mapag isa at yun lang" sabi ko sa kaniya na tawang tawa at yun tiningnan lang ako ng dalawa at umalis.

"Hays iniwan talaga nila ako pasalamat nga sila nandito ako" saad ko at umalis na pagkatapos. Naglalakad ako ngayon pero di ko alam kung  saan ako pupunta. Napa isip ako na tawagan si jameson.

"Hello son where are you?, can I talk to you?" tanong ko sa kaniya.

"oh sure I'm here in school? bakit nasan kaba?" tanong niya. Sinabi ko naman kung nasaan ako at maya maya may nakaparadang sasakyan sa harapan ko pero di ko alam kung sino.

Binaba niya yung salamin ng frontseat niya at sumigaw "ky, what are you waiting for!" "Get in"

kaya ayon nagulat ako kaya pumasok nalang ako sa sasakyan niya. Nang umupo na ako sa frontseat sinapak ko na makasigaw kasi parang sino.

"Aray naman ky hahahaha sorry na" sabi niya.

"Di ko naman alam na ikaw yung nagpark sa harapan ko tapos makasigaw kaw parang kang tanga" sabi ko sabay irap.

"saan tayo" sabi niya na may ngiti sa mga labi.

"saan lang, walang tayo" sabi ko sa kaniya na tumatawa. Natapos kami sa tawanan at bumaba sa isang streetfood.

"kain muna tayo ky" saad niya.

"sige ba gutom na din kasi ako" sabi ko naman. Pagkatapos namin kumain umalis nalang kami at pumunta sa park doon na kami nag usap.

Kaya yun nag usap kami ng nag usap at pagkatapos umuwi na kami.

"bye ky see you tomorrow" sabi niya.

"see you din mag ingat sa pag drive ha" sabi ko. Aakmang aalis na siya ng nagsalita ulit ako "bestfriend thank you" sabi ko sa kaniya pagkatapos umalis.

Pagdating ko sa kwarto naligo na ako at pagkatapos natulog.















Must Be LoveWhere stories live. Discover now