Chapter 5

399 17 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at idadaos na ang buwan ng nutrition month kaya kinakabahan na ako halong excitement ano kayang mangyayari after nito.

"Wahh! mas naging gwapo ka Terence sa sout mo."

"Syempre ako yata ang pinakagwapo  dito..."

Sabi ni Terence.

"George! sana ikaw ang manalo pati gf mo."

"Sigurado si Edward ang mananalo."

"Si George kaya kasi bukod sa gwapo na may talent pa."

"Jefrey!! ngayon mo ipakita na hindi ka basta basta kahit tahimik ka mas gwapo ka sa mga yan!"

Natatawa ako sa mga kommento nila pero yung campus crush naman walang pakialam silang apat ang naging Escort ng bawat section bukod tanging ako lang yung naiiba kasi sa ibang section nakuha ang escort ko.

Bakit ganun magkakaibigan sila pero magkakaiba sila ng section siguro iba iba sila ng hilig.

"Hoy! pangit ipanalo mo ang section natin kahit nakakainggit ka kasi escort mo si Myloves Edward."

"Hoyy! Babae anong kaparapatan mong sabihan siya ng pangit ha! ikaw ba maganda?"

Dinuro ni Edward yung babae na sinabihan ako ng pangit.

"Pangit tara na!"

wtf! ayaw nila akong tawaging pangit pero grabi makapangit.

"Ako lang ang may karapatang tumawag sayo ng pangit ok!"

Hindi ko sya maintindihan hayt! naalala ko nga palang heartbreaker,playboy ang isang ito.

Natapos idaos ang Nutrition Month syempre sino ba naman nanalo walang iba kundi ang Campus Crush.

Siguro isang linggo narin ang lumipas mula ng mangyari ang lahat na hindi ko inexpect na mangyari sa buhay ko ngayon back to reality na parang nanggaling lang ako sa panaginip.

Umupo ako sa bench at binuksan ang bag pero may nakapa ako dun at ng makita ko isang chocolate na naman.

"You're my special someone."

Sino ba kasi ang nagbibigay nito sa akin hindi naman si Terence kasi may Girlfriend yun hayt!! sino ba talaga siya?.

"Hoyy!! Babae!"

Napatayo ako ng makita ko yung may gusto sa Campus crush masama ang tingin nila sa akin.

"Ang kapal mo din bakit mo nilalandi ang Campus Crush ha! alam mo bang ikaw lang yung babaing nakakalapit sa kanila maliban nalang kung gf ka nila."

"Hindi totoo yan ok! Sige aalis na ako."

Kinuha kona ang aking bag at iniwan na sila pero narinig kopa yung sinabi nila pero hindi kunalang iyon pinansin.

"Hindi pa tayo tapos."Sigaw ng isang babae.

The Campus Crush[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon