Chapter 14

297 14 0
                                        


At dahil sa nangyari hindi makapasok si Edward ako naman hindi din pumasok dahil nagrequest siya na ako muna ang magbantay.

"Edward kumusta na ang pakiramdam mo?"

Tanong ni George habang kapapasok palang may dala itong prutas hanggang sa mapatingin siya sa akin ilang segundo siguro kaming nagtitigan at..

"Pangit kumain kana sa labas alam ko nagugutom kana."

"Mabuti panga sige ako na muna dito."

Nakangiting sabi ni George pero hindi parin ako makalabas kasi...

"Pangit labas na."

"S-sige."

Nagmamadali akong lumabas at pumunta sa kainan iniisip ko bakit may kakaiba akong nararamdaman para kay Edward pero sinasabi ng utak ko si George ang gusto ko.

Pagkatapos kong kumain bumalik na ako at saktong wala na si George si Edward naman natutulog na kaya pumasok na ako sa loob.

Pinagmasdan kung mabuti ang mukha nk Edward pinakiramdaman ko kung totoo nga ito o dahil masyado kaming malapit kaya ganun nalang.

Umupo ako sa gilid ng kama pero nabigla ako ng yakapin ako ni Edward pahiga pero nakapikit parin siya.

Dug..Dug...Dug..

Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"I LOVE YOU PANGIT."

Nanaginip ba sya hindi nalang ako umalis kasi medyo inaantok na ako ganun parin ang aming posisyon.

*********

Lumipas ang ilang araw medyo magaling na si Edward kaya naisipan kong bumalik sa dati naming bahay.

"Talaga dito kayo dati nakatira?"

Sabi ni Edward bumaba na kami sa tapat ng gate ilang taon narin siguro ang nakaraan nung huli akong makaapak dito si Edward kasi ang kulit sabi ng wag ng sumama pero mapilit.

Pumasok ako sa loob at nagpaiwan sa labas si Edward may titingnan lang daw hindi ko na sya pinilit sumama sa loob dahil medyo may kalumaan na ang bahay at wala pang nakatira.

Edward's P.O.V

Nagpaiwan nalang ako kay Pangit kasi sabi ko may gagawin ako pero ang totoo pupunta ako sa dati naming bahay na katapat lang.
Wala namang sinasabi si Pangit about her family pero iintayin ko na lang na sya ang magkwento.

Lumapit ako sa mataas na gate at sakto namang lumabas ang isang matandang babae sa sobrang saya ko nayakap ko siya.

"Wag po!"

Sigaw niya pero hinarap ko sya sa akin at nagulat siya ng makita ako.

"Manang hindi mo ba ako naalala?"

"Hindi..."

"Manang ako ito si Luis ang gwapo mong inalagaan."

Sa gulat ni Manang niyakap niya ako habang masayang masaya.

"Ang laki muna ah! 10 years old kapa nung umalis dito."

"Yes! Manang at isa pa sobrang namis ko kayo."

"Pasok ka sa loob."

"Wag na manang aalis narin ako at isa pa next time babalik ako."

Bago ako umalis niyakap ko muna si Manang at bumalik na sa bahay nina Pangit at sakto namang nasa labas na sya at iniintay ako.

"Hey! are you ok?"

Niyakap ako ni pangit at napansin ko naman na umiiyak siya.

"Nasaan na ang parents mo?"

Binasag ko ang katahimikan sa tanong ko hindi man siya sumagot dahil sa labas sya nakatingin.

"Ok hindi na kita pipilitin na sumagot o sabihin pero sasabihin ko sayo nandito lang ako para makinig kahit ano payan."

"Salamat."

Mahinang sabi niya at ibinalik na ulit niya ang tingin sa labas.

The Campus Crush[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon