Sofia's P.O.V
Madami ng Tao kaya naglakad na ako papunta ng Canteen dahil sobrang nagugutom na ako malayo palang ay natatakam na ako gusto ko nang malasahan ang favorite Choocolate with toppings sa ibabaw.
"Ano ba yan ang daming nakapila."
Pagrereklamo ko kaya ang ginawa ko sumingit na ako kasi kumakalam na talaga ang tiyan ko.
Isa nalang sana wala na makauna sa akin non kung hindi I wanna die chocolate is life.
"Miss Pabili nga nung chocolate gutom na ako eh!"
Sabi ko with puppy eyes kaya ngitian ako nung magtitinda.
"Papacute pa pangit naman."
Naririnig kung bulong ng mga nakapila eh! ano namang paki alam nila buhay ba nila pinakikialaman ko.
"Manang nasan na po yung chocolate ko?"
Napakamot siya sa batok at mabilis na tinuro yung lalaking nakahood habang palayo sa sobrang inis ko kinuha ko yung kabiak na sapatos ko at ibinato sa kanya tumigil naman siya kaya mabilis akong lumapit.
"Hoyy!! hindi mo ba alam sa akin yan?"
Hindi siya umimik pepe ba sya sayang mukhan gwapo pa naman.
"Yung chocolate ko!"
Naiiyak kung sabi pero nalaglag ang panga ko ng makita kung balat nalang yun.
Iniwan na niya akong nakatunganga gutom na talaga ako kaya bumalik nalang ako sa canteen pero sa kasamaang pala ubos na ang pagkain.
Nanlalambot akong naglalakad pabalik ng room ko dahil sa gutom medyo na nahihilo na ako hanggang sa dumilim na ang paningin ko.
"Heyy!! are you ok?"
Papungas pungas akong namulat sa malambot na kama at pagtingin ko nasa clinic ako at nakita ko yung isang nurs nag aayos.
"Paano po akong nakarating dito?"
Tiningnan niya ako ng seryuso at iniwan nito ang kanyang ginagawa at mabilis na lumapit sa kinatatayuan ko.
"Really hindi mo matandaan kong sino ang nagdala sayo dito?"
"Hindi po eh!"
"Sige! wag munang alamin pumasok kana baka malate kapa."
Bumaba na ako at lumabas iniisip ko kung sino ang tumulong sa akin kasi naman alam ko walang sino man ang may pakialam sa akin dito kahit pa mamatay ako hindi nila ako lalapitan.
Nakarating na ako sa room pero lutang parin ang utak ko sino kayang anghel ang tumulong sa akin sana makilala ko sya para makapag pasalamat...
"Good Afternoon class magkakaroon tayo ng Nutrition month!"
"Sir!"
Tumayo ang isa naming kaklase at tiningnan ako ng masama.
"Yes! why? may tanong ka?"
"Sir! diba may costume ang bawat gulay na kailangan?"
"Yeah! and thanks for reminding that! please sit down."
"Sir!! alam kuna kung sino magsusuot."
Napakunot ang noo ni sir na tumingin sa kanya.
"Si Sofia!"
Nagbulungan na naman ang mga kaklase ko tapos kanya kanyang tingin sa akin.
"Sir! sigurado hindi makikita ang kapangitan niyan kapag natakpan ng costume."
"I agree!"
Wtf!! sumang ayon pa si sir anong gagawin ko ibilad sa kahihiyan ang sarili ko lord please eat me now...
"Goodbye class at ikaw Sofia punta ka ng office may pag uusapan tayo!"
Pagkalabas ni sir nagsitawanan ang mga kaklase ko kaya mabilis
kunang kinuha ang bag at saka nagmamadaling lumas.
"Sofia Daniella Nejreh Delos Reyes you can do it!! pagsubok lang yan."
Nakapikit kung sabi sa sabay upo sa bench sa di kalayuan.
Nakatingin lang ako sa field at iniisip ang mga mang yayari.
"Kung hindi sana ako iniwan ni Mama sana hindi mangyayari ito sa akin."
Naalala ko na naman si Mama kaya hindi ko maiwasan tumulo ang mga luha ko.
PLEASE VOTE/COMMENT
BINABASA MO ANG
The Campus Crush[COMPLETED]
FanfictionIsang babae ang makakapasok sa buhay ng mga Campus Crush kung saan sila yung Tinitingala,Inaasam, Pinapantasya lalo ng madla. Ano kaya ang magiging buhay niya sa buhay nila magiging masaya kaya o magiging magulo?. May mabubuo kayang Pagmamahal o may...
![The Campus Crush[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/179962301-64-k226185.jpg)