Chapter 12

309 14 0
                                    


Sofia's P.O.V

Ang dami talagang nagbago mula ng makasama kuna lagi ang campus crush ngayon dadaan palang ako pinagbubulungan na agad marami ng nagagalit sa akin.

"Pangit."

Hinanap ko si Edward kung saan lupalop siya nandun isa lang naman ang tumatawag sa akin na pangit eh kung hindi siya lang.

"Oyy!! pangit kana nga bulag kapa."

Sinamaan ko ng tingin si Edward itinulak ko sya kasi baka makita na naman kami at sugudin ako ng mga fans nya.

"Bakit ba?"

"Sumama ka sa akin."

"Ano?Saan?"

"Edi saan pa diyan sa puso mo."

"Tskk! mga banat mo."

Wala na akong nagawa kundi sumunod ng higitin niya ako kung saan napatakip ako ng mata ng makita ko si Terence na may kahalikan.

"Hoy!! itigil nyo nga yan nakakadiri kayo eh!"

"Sus! ganyan kadin naman."

Sabi ko kaya nagbago ang expression ng mukha ni Edward.

"Kasi ba naman sa dami ng naging babae niyan wala pang hinalikan sa lips."

Natatawang sabi ni Jefrey na sinalubong kami.

"Anong ginagawa mo dito?"

Natatawang tanong niya hanggang sa mapatingin siya sa kamay namin ni Edward na magkahawak.

"Ok! i undedstand sige alis na ako may klase pa ako eh!"

Binigyan ako ng isang ngiti ni Jefrey bago siya umalis.

"Kami din aalis na."

Paalam din nina Terence at nung babae.

"Anong gagawin natin dito?"

"Gusto mo matutong mag gitara?"

"Sige! pangarap ko din yan eh!"

Pumasok kami sa isang kwarto at may nakita akong dalawang gitara na nakasabit kinuha yun ni Edward at ibinigay sa akin.

"Nasan si George?"

"Bakit mo tinatanong?"

"Wala lang napansin ko kasing wala siya kanina pa."

"Crush mo yun noh?kung ako sayo ako nalang masasaktan kalang sa kanya."

"Haha ikaw magugustuhan ko?"

Napapatawa ako ng sabihin niya iyon.

"Seryuso kasi ako."

"Edward naman wag kang magbiro...."

Napatigil ako ng itapat niya ang mukha ko sa mukha niya.

"Sige tawa pa..."

Hindi napigilan ang hindi tumawa kasi ang reaction ng mukha niya kaso napatigil ako ng halikan niya ako tapos biglang tumayo.

"Aalis na ako."

Sabi ko at mabilis na kinuha ang bag pagkatapos lumabas na ako hindi ko kasi inaasahan na gagawin niya yun sa akin.

The Campus Crush[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon