February 18
Kaarawan nina Seokmin at Hansol ngayon. At dahil hindi pa pinayagang lumabas si Minghao ng ospital ay naisipan nilang doon na lang magtitipon.
Sabi nila kung hindi raw pupunta si Minghao sa pagtitipon, ang pagtitipon ang mismong papupuntahin nila kay Minghao.
Nasa maliit na garden ng ospital kaming lahat dahil nga ayaw nilang magtagal sa loob ang mga bata, kaya naisipan nilang sa labas na lang ang maliit na selebrasyon.
At ayon, may mga regalo at sorpresang inihanda sina Seungkwan at Jisoo. Pareho nilang hinarana ang dalawa, at syempre, mawawala ba ang harutan? Hindi.
Pero habang patuloy ang selebrasyon at labas-pasok naman si Minghao sa ospital. Talagang hindi siya mapapakali, e, hangga't wala sa paningin niya si Chess.
Sabi ng mga doktor na mas mainam kung saka na siya lalabas ng ospital kapag medyo gumagaling na ang sugat niya sa tiyan.
Okay lang naman kay Minghao ang manatili ro'n kasi raw gusto niyang maging malapit palagi sa bata, pero ang iniisip niya ay ang gastuhin sa ospital, kaya't kung pwede raw ay lalabas na siya bukas o makalawa.
Pinayagan naman siya ng doktor dahil mukhang bumabalik na rin naman daw ang lakas ni Haohao.
Buti na lang talaga at ang lalakas ng mga mahal ko.
wjh.
BINABASA MO ANG
Dear Minghao ∞ JUNHAO
FanfictionThey say love is a battlefield. In a war, what weapon and armors would you bring with you? DEAR SERIES #04 SEVENTEEN FANFICTION JUNHAO | TRYXEA_