June 05
Ilang araw na lang ay darating na nga ang pinakahinihintay na araw ng magkasintahan. Tatlong na araw na lang at matutulog na talaga ang dalawa sa kasalan matapos ang lahat ng pagsubok na kanilang pinagdaanan at pinagdusahan.
Kaya ngayon, puspusan pa rin ang preparasyon habang papalapit nang papalapit ang araw na nakatakda para sa kasal.
Nandito ngayon sa reception venue si Minghao, kasama ang mag-asawang Kim at Younghee na fiancee ng kanilang bunso.
Tinatapos na nila ang mga bagay na dapat nang tapusin upang wala na ngang posibleng atrasan pa ng kasal. Inihanda na nila ang papeles, lahat-lahat.
"Younghee, may marriage license na, hindi ba?" Tanong ni Wonwoo sa dalaga.
Kaagad na tumango si Younghee, at nginitian si Wonwoo. "Opo. Matagal nang nakuha ang marriage license, Kuya. Dahil may nasimulang preparasyon no'ng nakaraan, kakaunti na lang ang mga kakailanganing asikasuhin ngayon."
Tumango rin naman si Wonwoo. Sunod nitong nilapitan ay si Minghao na nakaupo lamang sa isang silya na nakapwesto sa isang tabi ng venue.
Nilalambing niya ang anak niyang may malawak na ngiting suot-suot habang mahinang kinakagat ni Minghao ang maliliit na mga daliri ni Chess.
Napangiti si Wonwoo sa kanyang nakikita, saka umupo sa katabing silya. "Kamusta naman ang pagiging ina, Hao?"
Napatingin si Minghao kay Wonwoo, at ngumiti. "Mahirap. Pero kinakaya, nakakaya. Anak ko 'to, e. Kailangang kayanin lahat."
Mahinang tumawa si Wonwoo. "Exactly," tugon nito. "Nga pala, hindi ka pa ba uuwi? Kanina ka pang umaga rito. Baka kailangan na ni Chess ng pahinga."
"Okay lang ba, hyung? Ubos na lahat ng diapers ni Chess na nadala ko, e."
"Sure, Hao. I'll ask Mingyu to drive you home," sabi ni Wonwoo.
"Ah, hyung, huwag na. Magt-taxiㅡ"
Natahimik si Minghao nang tumayo na si Wonwoo at nilapitan si Mingyu.
"Mahal," pagtawag ni Wonwoo sa asawa upang makuha ang atensyon nito.
Napatingin si Mingyu sa kanya, at malawak na ngumiti. "Yes, baby?"
"Gusto na raw umuwi ni Minghao. Ihatid mo na muna, kami na bahala ni Younghee rito," sabi ni Wonwoo, at ngumiti rin. "And please fetch Minwoo too. I miss him."
Mahinang tumawa si Mingyu, at tumango. "Hindi mo talaga kayang malayo sa anak natin, ano?" Tugon nito. "Pero sige. Ihahatid ko si Minghao, saka ko iuuwi sa 'yo si Minmin."
"Thanks," sabi ni Wonwoo na sinagot lang ni Mingyu sa pamamagitan ng paghalik sa ulo nito.
Sunod ay nilapitan nito si Minghao. "'Lika na, ugok. Ihahatid na kita."
Kaagad na sinipa ni Minghao sa binti si Mingyu, kaya ito natawa. Kinuha ni Mingyu ang isang tote bag na nasa gilid ni Minghao kung saan niya isinilid lahat ng mga gamit ni Chess.
Tumayo naman si Minghao saka sila sabay na tumungo sa kotse ni Mingyu. Pinili ni Minghao na umupo sa backseat, kaya tuloy nagrereklamo si Mingyu dahil nagmumukha siyang taxi driver.
Tumawa naman si Minghao. "Kawawa ka kasi kapag tatabi ako sa 'yo. Lalong mananaig 'tong kagwapuhan ko," biro nito kaya halos masamid naman si Mingyu.
"Pangit mo pa rin," sagot nito.
Napailing na lang si Minghao sa inaasta ni Mingyu. "Isip-bata ka talaga."
"Whatevah," sabi ni Mingyu kaya ngumiti si Minghao at napailing. "Nga pala, marunong ka namang mag-drive, hindi ba?"
BINABASA MO ANG
Dear Minghao ∞ JUNHAO
FanfictionThey say love is a battlefield. In a war, what weapon and armors would you bring with you? DEAR SERIES #04 SEVENTEEN FANFICTION JUNHAO | TRYXEA_