Chapter 141 - 06.05

377 25 8
                                    

As soon as Mingyu left, Junhui looked at Minghao, and Minghao could see all the vastitude of emotions in his eyes.

Napayuko si Minghao, at inere si Chess, pilit na iniiwasan ang mga mata ni Junhui na punong-puno ng pag-aalala at takot.

Saka napansin ni Minghao na nanginginig pa rin pala ang buo niyang katawan dahil sa hindi niya na halos makontrol ang paggalaw ng mga bisig niya habang pinapatahan ang anak.

"Akin na muna ang bata, Ming," sabi ni Junhui.

Tumango si Minghao, at binigay nga ang bata kay Junhui. Kinarga ito ni Junhui sa kanyang mga bisig, at hinalikan ito sa noo.

Umiiyak pa rin ito, pero humina na ang mga hagulgol nito nang hinawakan siya ni Junhui. Palagi namang may malakas na epekto si Junhui, e, maging kay Minghao man o sa anak nila.

"It's okay, baby. Nandito na si Daddy," bulong ni Junhui sa kanyang anak. "Daddy will keep you safe, baby, okay? Tahan na, anak."

Minghao sighed, and patted Junhui's back. "Ihatid na muna natin si Chess sa kwarto."

Junhui nodded. They headed to their room, and when they went in, they could see the fragments of the window's glass that Taewon broke just to get in.

Junhui sighed, and spoke. "Umupo ka muna, mahal. Ako na magpapatulog kay Chess."

Sumunod naman si Minghao, at umupo nga sa dulo ng kama nila ni Junhui. Umupo siya't pilit na pinapakalma ang dibdib niya dahil hanggang ngayon ay nandoon pa rin ang malalakas na mga kabog ng puso niya.

Tinitigan lang ni Junhui si Minghao na nakayuko't humihinga nang malalim. Gusto niya man itong lapitan, pero huwag muna, kailangan niya munang patulugin ang anak nila.

He rocked Chess gently to sleep, hanggang sa tumatahan na nga ang bata. His eyes were slowly closing, and his mouth opened to a wide yawn that made Junhui's heart leap and Junhui's lips curve.

At ilang minuto pa, saka na nakatulog si Chess sa bisig ng kanyang ama. Dahan-dahan itong binababa ni Junhui sa kanyang cradle, saka na nilapitan si Minghao.

Lumuhod si Junhui sa harap nito, at hinawakan ang nanlalamig nitong mga kamay. Tinitigan siya ni Minghao, kaya siya ngumiti rito.

But the stare only lasted for a few seconds before Minghao fell on the floor too, and hugged Junhui, crying on his shoulder as he still shivers.

Junhui sighed, and hugged him back. "Shhhh, love, it's okay. It's okay, Hao," he whispered, rubbing Minghao's back delicately.

Minghao sobbed, and hugged Junhui tighter. He didn't utter any word, but Junhui could feel how scared he for what happened earlier.

Mahinang niyang tinulak si Minghao palayo, saka hinaplos ang basa nitong mga pisngi. Pinunasan niya ang mga luha ni Minghao, at ngumiti.

"It's alright, baby. Nandito na ako. Huwag ka nang umiyak. Walang nangyari, 'di ba? At hinding-hindi niya masasaktan ang anak natin," pagpapatahan ni Junhui sa kasintahan, at humalik sa noo nito.

At gaya ng reaksyon ni Chess sa mga hawak at sa halik ni Junhui, humina rin ang iyak ni Minghao. "H-Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyayaring masama sa anak natin, Jun. . ." bulong niya habang tumutulo pa rin ang mga luha niya sa kanyang pisngi.

Ngumiti si Junhui. "At hinding-hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko kapag hindi ko kayo mapoprotektahan, Hao. But right now, stop crying. Katatapos ko lang magpatahan kay baby Chess, o, tapos ikaw na naman 'tong kailangan kong patahanin."

Mahinang tumawa si Minghao, at sinandal ang noo sa balikat ni Junhui. "Daddy, thank you."

"I just did what I have to, Hao. No need to thank me. Any father would do that if they were in my shoes," Junhui replied, and combed Minghao's hair with his fingers.

Dear Minghao ∞ JUNHAOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon