131 - 02.17

343 25 6
                                    

February 17

Gising na nga pala si Minghao. At dumating na rin ang pinakahihintay ko, ang makilala niya na si Chess.

Kitang-kita ko 'yong saya niya no'ng unang beses pa lang na nakita niya ang anak namin. Ang ganda-ganda ng kislap ng mga mata niya, at ang ngiti niya. . . kulang na lang magtago na ang araw dahil sa sobrang hiya kasi mas maliwanag pa ang ngiting 'yon kaysa sa ilaw niya.

Ang sarap talaga sa pakiramdam na makitang masaya siya, at isa pa, ang ganda tingnan ng mga mata niyang punong-puno ng galak.

Sana mananatili siyang ganito kasaya hanggang sa lumaki na ang buong pamilya namin.

Ps. Matutuloy ang kasal.

wjh.

Dear Minghao ∞ JUNHAOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon