Chapter 1

5.5K 48 1
                                    

Nag-unat unat si Archer John nang humarap sa life sized mirror. Ramdam niya ang matinding pagod sa ilang oras na halos hindi siya gumagalaw sa posisyong hinihingi ng mga artist. Hindi pa siya nakabihis. Nakabaladra pa ang kanyang hubo't hubad niyang katawan, kahit marami pa ang natitirang sketch artist sa loob ng nasabing silid. Nahihiya na ang hiya na kumapit sa kanyang pagkatao. Hindi sa sanay siya pero sadyang nagbago lang ang kanyang pananaw. Nudity is an art. Obra sa kanyang totoong pagkatao.

Marahil pagrerebelde rin ang nag-udyok para pasukin niya ang maging isang nude model. Ayaw lang niyang tanggapin sa sarili na malaki ang factor sa nagawang desisyon, out of rebellious.

Self expression is an art and most intense mode of individualism that world has known. Kaso, sa ginawa niya ngayon na nagmistula siyang porn star kahit walang body touch involves ang kanyang ginagawa. Simpleng pag-pose lang ng ilang oras, pera na katapat. Walang inuurangan. Kahit makita ang kanyang maselang bahagi ng katawan. Alam niya, repleksyon lang kanyang katawan at pagmumukha ang makikita sa larawang iguguhit. Kung minsan interpretasyon lang ng artist ang maging outcomes sa painting.

"John, heto pala ang bayad sa 3 hours session natin ngayon," sambit ni Darwin, sabay sa limang pirasong nakalumbaba na si Ninoy.

Pangiting hinarap ni Archer John si Darwin, ang madalas nag-organize ng nude painting. Bakas na sa mukha na nasa midst thirty. Simple lang pananamit nito. Tila sanay na si Darwin na makita ang katawan ni Archer John, hindi nababakas sa pagmumukha ang pagkaasiwa. Nudity for the sakes of an art lang talaga, at walang halong kalaswaan.

"Thank you, sir Darwin," wika ni Archer John. Tila nakaplaster na sa pisngi ang ngiti dahil hindi mawala-wala kahit ramdam ang matinding pagod.

"Sa susunod ulit."

"It's my pleasure sir, maging part sa painting session niyo.

" Tatawag na lang ako kung kailan ulit." Tumapik pa sa balikat ni Archer John si Darwin bago bumalik sa kanyang ginuhit.

" Sige po."

Dinampot ni Archer John ang underwear, short at shirt niya nakalapag sa sofa habang pasimpleng tinitingnan ang messenger ng kanyang cellphone. Napansin niyang maraming messages.

"Kuzz, masagwa po ang nilagay niyo sa Myday niyo."
"What the heck!?"
"Porn star ka na ba?"

Galing kay Erica Samonte ang message. Napangiti na lang si Archer John habang tinitingnan pa ang reactions at private messages ng mga Facebook friends niya dahil sa pinost niyang totally naked pero secure naman ang kanyang junjun, sa kanyang Myday.

Kuzztantin Bonifacio pala siya sa dummy world ng facebook. Hiram na pangalan. At hiram na facebook account.

Sino ba si Erica Samonte sa buhay ni Kuzztantin Bonifacio? Ano ang maging kahihinatnan sa pagpanggap ni Archer John bilang Kuzztantin?


Ugly Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon