Chapter 12

1K 11 2
                                    

Sinalubong ng malapad na ngiti ni Dra. Beatrice Batungbakal si Juanito Mercampo, nang pumasok ito sa loob ng kanyang opisina. Kilala bilang magaling na psychiatrist at counselor, ang widow na doktora.

Sa harap ng doktora, ang evaluation paper nakalatag sa kanyang mesa.

Malapit ng magkwarenta ang doktora pero ang lakas pa rin kung maka-millennials looks- makapal na pink blush on at malalaking bangle earing. Tipong pwede ng paglaruan ng parrot o 'di kaya'y gawing hawakan sa MRT.

Hindi nagtagal pumasok na rin si Angelique Mercampo. Galing sa kabilang silid kung saan naroon si Archer John.

Hinintay muna ni Beatrice si Angelique bago ito nagsalita.

"Batay sa ginawa naming evaluation test, lumabas na may schizophrenia si Archer John. Hindi naman gaanong malala ang kondisyon niya. Iyon lang, kaya niya pa rin gumawa ng imaginary friend o imagery girlfriend parang coping up mechanism."

Natulala si Juanito sa kanyang nalaman. Nakatitig lang ito sa doktora. Hindi malaman kung sa sinabi ni Beatrice ito natulala o sa millennials looks nito.

" Paano ba siya nagkaroon ng ganyang sakit? "Alalang sabi ni Angelique. Hindi maitago sa makinis pa pagmumukha ng ale. Kahit papaano may idea na rin siya sa ganyang sakit dahil sa kapapanoon niya ng teleserye 'The Good Son' kung saan ang character ni Nash Aguas ay may imaginary girlfriend, si Alexa Ilacad. Alam niyang hindi ito basta-basta na mental illness, kailangan pagtuunan talaga ng pansin.

"Pwedeng hereditary dahil sa genetic over lap at maari ring dahil sa traumatic na experience ni Archer John," malumay na sabi ni Beatrice

Bumagsak ang balikat ni Juanito. Napailing at sinabayan ng malalim na paghinga.

Napansin ni Angelique ang pag-alalang reaksyon ng asawa. Tila nakukunsensya sa ginagawa sa anak. Hindi maganda ang naging relasyon nila Juanito at Archer John simula ng musmos pa lamang.

"Aside sa gagawin nating therapy para gumaling ang anak niyo. Siguro, mas maganda ring mag-usa-usap kayo kung ano man ang hidwaan niyo. Na maaring posibleng naging sanhi behavioral withdrawal from reality ni Archer John."

Lalong hindi kumibo si Juanito. Tumango na lang ito bilang pagsang-ayon. Natameme na lang din si Angelique. Maraming naglalaro sa utak pero pinipilit niyang maging kalmado- sa pananalita at body gesture.

SA MAY mini garden ng clinic ni doktora Beatrice, matigayang naghintay si Archer John. Nakaupo sa outdoor chair. Nakalatag ang kanyang cellphone sa outdoor table. Sa kung titingnan wala naman pinagkaiba sa normal, parang relyenong bangus -buo ang panglabas na anyo pero durog-durog na ang laman.

Gustuhin man niyang hindi makita ang kanyang daddy, pero kailangan niyang makinig sa payo ng mommy niya. Kailangan niyang gumaling. Hindi lang para sa kanyang sarili, pati sa magiging anak niya at buuhing pamilya. Umaasa siyang magkaayos din sila ni Celine lalo pa't siya ang tinuturong ama sa pinagbubuntis nito.

"Archie, sorry," maluha-luhang sambit ni Juanito. Iba sa nakasanayan na mabalasik ang boses. Kahit ang pananalita nito hindi na kagaya ng dati na tunog mapanghusga ang binitawang salita.

Sa unang pagkakataon naramdaman ni Archer John ang yakap ng ama. Ni halos hindi niya matatandaang niyakap siya ng ama sa buong buhay niya. Mas maalala pa niya kung paano siya saktan nito.

"Alam mo, dad! Hindi lang masakit sa akin, ang paulit-ulit mo akong saktan sa bawat kaunting pagkakamali ko. Pinaghahampas ng sinturon. Igapos at isilid sa sako. Sobrang sakit, dahil hindi ka proud sa akin. Mas madalas mo pa akong kinukumpara kay Kuzztantin," tumayo at kumalas sa pagyakap ng ama. Naninibago siya sa yakap ng ama. Hindi siya sanay na madampian ang kanyang balat sa mga brasong nagpahirap sa kanya noon.

Ugly Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon