Chapter 11

1.1K 9 0
                                    

*** for flashback story

"Welcome back, Jamela Sta. Maria! It's been a long time, bago kita natagpuan," pangiting pagbati ni Hero. Nakaupo sa white couch na sumalungat naman sa kulay ng wall na kulay itim-na halos matakpan ang concrete wall sa black and white poster-size picture ni Archer John. From totoy days to his recently photos.

Nagulat ang kapapasok lang babae- wearing long white gown with matching black british headdress. Gumagalaw pa ang balahibok ng manok sa tuwing ginagalaw ng babae ang kanyang ulo.

"Papaano ka nakapasok dito?"

"Hangang-hanga ako sa husay at talino mo. How could you come up this kind of outrageous and well-organized plan?" Nakabarikwatrong nakaupo sa couch si Hero Madrigal habang nakasandal. Parang nag-mamayari lang kung umasta.

"Dapat ba akong matuwa sa affirmation mo? O matakot dahil natuklasan mo ibang katauhan ko."

"Tama nga ako. Matagal-tagal din ang panahong ginugol ko para tuklasin, si Jamela Sta. Maria at Rosemarie Faz ay iisa."

"Papaano mo nalaman? at papaano ka nakapasok dito?" Mistulang ginusot na papel ang pagmumukha ni Rosemarie sa labis na pagkabigla.

"Sabihin na nating isa ako sa mga avid fan mo slash stalker slash theories analyst."

Lalo pang gumulo ang mukha ni Rosemarie dahil sa paligoy-ligoy na sagot ni Hero.

"At sorry pala, tinganggal ko kase ang dinikit mong pangalang 'Rosemarie Faz' sa wall. Napansin ko kasing may ibang pangalang tinakpan. At tama nga ako, tinakpan mo ang Jamela Sta. Maria." Tinuro ni Hero ang pangalan dinikit sa wall kung saan, Jamela Sta. Maria na lang naiwang nakadikit.

" Ano ba ang pakay mo? At bakit mo ito ginawa!? "

" Kakampi mo naman ako, don't worry. Since humingi ka ng tulong sa akin. Actualy, matagal ko ng hinintay na lalapit ka sa akin, para magtanong tungkol sa sakit ni Aj. Wala naman akong ibang intentions."

"Hindi na dapat babalik ang pagkatao ni Jamela." Tila may pinaghuhugutan galit si Rosemarie dahil nagbago ang gumuhit sa mukha nito.

"Hindi mo matanggap na minahal nang husto ni Aj ang Jamela mong katauhan kaysa totoong ikaw. Ang saklap, besh! Hindi mo matanggap, matapos mong makipag-chat using Jamela Sta. Maria account. Minahal niya ito. Pinagsigawan niya sa lahat ang intimate relationship nila . At lalong hindi mo matanggap ang dummy identity mo at ikaw, pinagkukumpara pa niya."

" Shut up, Hero. Ayokong marinig 'yan. Dapat ako lang ang first love niya! Ako lang! Si Rosemarie Faz at hindi bilang si Jamela Sta. Maria." hindi napigilan ni Rosemarie ang magsisigaw.

" At doon mo natuklasan na may schizophrenia siya. Nabubuhay si Jamela sa kanyang imahinasyon. Nagkaroon sila ng mga romantic bonding at malay natin kung nagkantutan pa sila."

*** Dalawang tatlong oras ng naghihintay si Rosemarie sa reply ni Aj pero seen pa rin sa facebook account. Kaya sinubukan niya nitong tawagan. Dapat nasa 1st section class sana sila pero pinili niyang lumipat sa 2nd section kung saan naroon si Aj. Habang hinihintay niyang sumagot si Aj, nag-isip siya ng posibleng dahilan. Hindi dapat matuklasan ni Aj ang labis niyang pagkagusto.

"Magkasama kami ngayon ni Jamela. Bakit napatawag ka?"

"Jamela?" Hindi nasagot ni Rosemarie ang tanong ni Aj, nagulat ito sa nalamang magkasama sila ni Jamela. Papaano?

"Jamela Sta. Maria, Girlfriend ko. Bakit ka nga tumawag?"

"Ahhh!Magtanong lang sana ako tungkol sa setwork natin."

"Punta ka dito at ipakilala kita."

Walang inaksayang oras si Rosemarie at pinuntahan ang foodcourt sa isang mall kung saan naroon sina Archer John at Jamela. Iba kung ang mag-udyok ay matinding selos. Hindi makahahadlang ang matinding traffic.

Ugly Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon