Chapter 5

2K 16 0
                                    

"Thank you, for your unwavering love. Sa parating pag-unawa sa mood swings ko," pangiting sabi ni Celine, habang kinukurot at unti-unti nilalagay sa bibig, ang chocolate flavor na fudgee bar.

"Mahal kita, kahit napadalas pa ang mood swing mo. Akala ko ba once a month lang magka-period ang babae?" Hindi maitago sa mukha ang labis na kaligayahan ni Archer John. Kinikilig pa rin kahit sa pag-iinarte ni Celine.

"Oo na, ako na yata ang araw-araw nireregla dahil halos araw-araw din ang mood swing ko," pangiting tugon ni Celine. Sinadya pang nilapit ang mukha nito sa mukha ni Archer John.

"Tandaan mo, kung ano man ang pinagdaanan mo, andito lang ako. Hindi magsasawang makikinig sa kadramahan mo."

"Kadramahan talaga?Pero thank you, for all your supports. Na-appreciate ko lahat-lahat. Your time and efforts." Lalo pang lumapad ang nilikhang ngiti sa mukha ni Celine, "It's not a big mistakes to give my heart to you. I love you so much," marahang dagdag nito sabay haplos sa kamay ng binata.

"Ikaw ang rason kung bakit hindi ako natatakot mangarap." Napahawak nang husto si Archer John sa kamay ni Celine. Hindi nakaramdam ng pagod ang panga nito sa kakangiti. Nagsisigaw ang kanyang puso sa labis na kaligayahan. Kung pwede lang pigilan ang pagtakbo ng kamay na orasan, huwag lang matapos ang ganitong sandali.

Natahimik si Celine. Ngumiti pa rin ito habang pinagmamasdan ang bawat anggulo sa mukha ni Archer John.

"I'm so blessed to have you. Full package na. Adorable face. You're so kind-heart pa. Saan ka na?"

'Pinagpala pa' umalingawngaw sa utak ni Archer John. Abot-tainga ang kapilyuhang tumatakbo sa isipan. Alam niya, mayroon siya ay maituring na yaman at dahilan ng insecurities sa katropa niya. Tipong mapabili ka talaga ng cream enhancer.

" At bakit ganyan ang reaksyon mo?" usisa ni Celine. She has a basic instinct pagdating sa gumagalaw na kapilyuhan ni Archer John.

"Aamm! Wala. Natutuwa lang ako sa pinagsasabi mo. Feeling ko tuloy, hindi ko na maaabutan ang araw na sasagutin mo ako," paliwanag ni Archer John.

"Makukuha at makukuha ang gusto mo. Hindi naman ako paasa, eh! " Sa tono ng pananalita ni Celine talagang secure na ang hinihintay na 'oo' ni Archer John.

Hindi mapigilan ni Archer John ang sarili. Napahalakhak nang husto. Walang pakialam sa mga naroroon at ipinako sa kanila ang kanilang mga matang mapanghusga.

" Hindi naman ako nagmamadali. Masaya ako sa bawat araw na makasama kita."

"Me too, binubuo mo ang araw ko," malambing ang tono ng pananalita ni Celine.

"I love you so bad. So so so badly," mahina pero punong-puno ng emosyon ng pakawalan ni Archer John ang katagang iyon.

Tila tinangay ng hanging yumayakap sa katawan ni Archer John, ang masasayang alaala nila ni Celine. Pinaparalisa ang buo niyang katawan sa sumariwang alaala. Hindi mapigilang mapaluha. Sobrang sakit. Bakit masyadong mapagbiro ang tadhana? Ang inakalang hanggang dulo ngunit naganso.

Naglalakad sa hindi malamang direksyon si Archer John. Ang daming taong pero pakiramdam niya ang nag-mamay-ari sa daan na kanyang tinatahak.

Sobrang gulong-gulo ang isip hindi niya alam kung saan pupulutin ang sagot.

Mali ba ang desisyon niyang pinagtapat kay Celine?
Mali bang hinayaan niya ang sarili sa hinahangad na kalayaan, dahilan para hirap siyang kumilatis ng limitasyon?
Sana pinagmukha na lang niyang tanga si Celine, hindi lang matuklasan ang kanyang naging trabaho.

Kasabay ang umalingawngaw na katanungan sa kanyang isipan, ang ingay ng busina ng sasakyan na naiipit sa matinding trapik. At mga yapak ng mga paang nagmamadali sa paglalakad. A

Ugly Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon