Chapter 13

1.1K 11 1
                                    

"Sumugal ako... kahit alam ko, na walang kasigurahan ang lahat," marahang sabi ni Archer John habang minamaneho ang sasakyan. Kasalukuyan nilang tinatahak ang daan patungo lugar na madalas nilang pinupuntahan noon.

Napahugot ng hininga si Celine nang marinig ang boses ni Archer John. Gumagaral ang boses ng binata at bakas na puno ng pag-alinlangan. Ilang buwan din niyang kinamuhian ang binata. Kahit boses, ayaw niyang marinig.

Sumisikip ang dibdib ni Celine. Pare-pareho ang salita na pinakawalan ni Archer John noong pinagtapat nito ang kanyang naramdaman sa kanya. Nagbabasakali. Sumugal kahit walang kasiguraduhan. Hindi pa siya makawala nang basta-basta kay Skye. Fully paid ang one contract niya bilang girlfriend for hire. Kailangan siya ni Skye para sa nalalapit na election. Nagmistulang air freshener ang kanilang intimate na relasyon. Pantakip sa umalingasaw na kabaklaan ni Skye at panghatak ng botante sa pagtakbo ng kanyang ama.

"Gusto ko lang alalahanin natin, ang masasayang alaala na ating binubo..." huminga muna ng malalim bago muling nagsakita, "Sana maalala mo ang lahat kahit tinakpan ng galit ang puso mo. At bago mo 'ko tuluyang layuan. Alam kong hindi mo ako mapapatawad. Pero sana kayang burahin 'yang galit mo, ang mga lugar na kinulayan natin ng masasayang alaala," dumadalisdis ang luha sa pisngi ni Archer John.

Napapikit si Celine. Pinipigilan ang sarili na hindi mapaluha. Umalingawngaw sa kanyang utak ang kapatawaran pero kumakapit na parang sebo ang galit sa kanyang puso. Sobrang sakit ang naranasang pinagsamantahan habang pinagpipyestahan ng mga nanonood. Hindi basta nabubura ang nakakalokong siyaw habang pinagjajakolan.

Kung hindi lang sa pakiusap ng kanyang Tiya Merly at ang bestie niyang si Aya Belle, hindi siya sa sasama ngayon kay Archer John. Hindi niya kinakausap, kahit halos doon na ito tumira dahil araw-araw pabalik-pabalik sa San Vicente.

Pero walang kwenta kay Celine ang dalawang oras at mahigit na biyahe ni Archer John. Ni hindi niya nakikita ang paghihirap ng binata. Hindi siya bulag sa katotohanang, na pareho lang silang biktima sa maitim na balak ni Rosemarie. Pero, mahirap pagtakpan ang naaninag na katotohanan sa hindi basta-basta makakalimutang karahasan.

Unang destinasyon nila, ang night market sa karatig bayan. Kung saan maraming binibentang street foods. Ito ang naging kanlungan nila noon. Alam nilang ligtas sila doon at walang gaanong nakakilala sa kanila. Walang nakakaalam na kasalukuyang in relationship pa si Celine sa kanyang fake boyfriend.

Katahimikan.

Walang nagsalita pero sa mga ilaw ng nadadaanan bahay, gusali, establisyemento at poste, nakatuon ang kanilang atensyon. Mga ilaw nagsisilbing tanglaw sa mga alaalang binalot ng kadiliman, dahil sa kasakiman-nagdulot ng karahasan.

Dahan-dahang dumampi ang mainit na palad ni Archer John sa kamay ni Celine.

Lalo pang nanikip ang dibdib ni Celine. Hindi niya magawang iwasan ang kamay ni Archer John. Ang totoo, hindi lang ang puso niya ang nangungulila, pati kamay niya. Nangungulilang hawakan ng taong labis siyang minahal at pinahalagahan.

Hindi man maibalik ang kamay ng orasan.
Tuluyan mang nilibing sa sementeryo ng karahasaan, ang masasayang alaala nilang nasimulan.
Pero, may pagkakataon pang balikan ang tagpuan. Ngunit ba si Celine na pakawalan ang sarili sa karahasan?

Tatlumpong minuto rin, ang naging biyahe nila Archer John at Celine bago nariting ang night market. Tatlong minutong nakipagbunuan sa halo-halong emosyon.

Nilalayan ni Archer John si Celine sa pagbaba ng sasakyan. Hindi man nagsasalita si Celine pero sapat na ang paghawak nito sa braso ni Archer John - para labanan ang poot sa dibdib na hirap mapakawalan.

Sumariwa ang alaala sa patago nilang pagkikita noon. Mula sa kumukutitap na signage at hanggang sa amoy ng nilulutong Street foods.

"Kahit ito lang ang kaya kong ma-afford noon at hindi ang mamahaling restaurant. Pero pinaramdam ko sa'yo kung gaano kita kamahal," sabi ni Archer John habang nilalakad nila ang kahabaan ng daan na ginagawang night market. Patungo sila sa kanilang paboritong food stall. Ang food stall ni Aling Nelsi.

Ugly Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon