"Kaz,punta daw dito sila Aly kasama nya mga kapatid nya."
"Talaga Ate? Punta dito sila Ate Aly?"
"Oo.Kakasabi nga lang diba? -_-"
"Sorry naman! Naexcite lang :D"
Anyway,burol kasi ngayon ng Tito ko.Tatay ng pinsan ko na si Ate Em -- yung kausap ko.Pupunta ngayon yung bestfriend nya -- Si Ate Aly,pati daw mga kapatid nito.Nakwento pa naman sakin dati ni Ate Aly na gwapo mga kapatid nya at irereto daw ako haha! Wiii ~ Em so eggzoited ^^ :p
"Nandyan na daw sila sa gate,tara sunduin nga natin dami daw tao eh."
--
"Kaz,si Al nga pala tapos ito si Ej."
pakilala ni Ate Aly sa mga kapatid nya.Omo *u* ang gwapo nung Ej,mukhang korean mahilig pa naman ako sa mga korean.Kaso 18 years old eh 14 lang me -_- AGE DOESN'T MATTER naman! :D Si Ej talaga ang una kong napansin.Kamukha nya kasi si Kim Min Jun,yung si Cookie Monster sa Diary Ng Panget? Syang-sya talaga promise!
Saglit ko lang na tiningnan yung dalawa.Well,gwapo din naman yung Al,pero si Ej talaga napansin ko eh.
"MagHi naman kayo! :D" sabi ni Ate Aly sa mga kapatid nya.
"Hi *kaway kaway*" Ang cuteeee ng pagkakaHI ni Ej ^^
Nginitian ko lang sya,kaso yung Al tango lang yung ginawa.Mukhang suplado.
Ilang oras pa,pinakain ni Ate Em sila.Tapos pinaglaruan din yung cellphone ko,4 pics 1 word.Grabe 100+ lang level yun kanina naging 330 na sa kanila agad -_- Mahusay !
Nakakatuwa din silang panoorin,close na close silang magkakapatid grabe.
Ako? OP na syempre.Di ko sila mareach eh! (Connect?)
--
"Ayain mo sila Aly,sa labas tayo.Baraha." utos sakin ni Ate Em.
"Ate Aly! Baraha daw tayo sa labas!" sigaw ko.
"Sigesge Kaz,sunod nalang kami."
Dumiretso na ko sa may garahe,umupo dun sa pwesto nila Ate Em.
*tok tok tikitiki tak tok tok* - tunog yan ng cup.Nagcucup song si Mae eh,pinsan ko din.
"Turuan mo ko! Daliiiii! Cup song tayis." sabi ko sa kanya.Tinuruan nya naman ako,madali lang naman eh.Pati si Ate Em nakisali na,hanggang sa lumabas na sila Ate Aly at naglaro ng baraha.Kami nalang ni Mae yung nagcucup song.
"Grabe,kapagod.Bingo nalang tayo Mae.Tayo lang dalawa! :D"
"Osige,anong laro?"
"Bingo nga -_-"
"HAHAHAHAHA" tumawa naman yung mga nasa likod ko.Sila Ate Aly at mga kapatid nya.Kami lang nag-uusap ni Mae,biglang ganun? Ah,baka nagkakatuwaan lang sila dun assuming lang ako. XD
"Hmm.Punuan nalang para matagal."
"Anong parusa?" -Mae.
Daming tanong.
"Sampalan ang matalo! :D" - Ako
"HAHAHA.Tibay nyo ah,sampalan.Push nyo yan!" sigaw na naman ng nasa likod ko.Grabe? Nakikisali ng usapan. :D
"Sali ka,Kuya Pau?" aya ko kay Kuya Pau.
"Aba.HAHAHAHA.Ako pa talaga ang inaya nyo sa sampalan?" tawang-tawa nyang sabi.
"HAHAHAHA.Patay kayo dyan kay Pau! Di nyo ba nakikita katawan nyan?" tukso ni Ate Em.Matabang-mataba kasi si Kuya Pau eh,bat ko nga ba inaya?
"Osya,tayo na nga lang Mae.Ikaw nalang magbola Kuya Pau :P"