"Kukumpiskahin ko na talaga yang cellphone mo pag dating mo galing school.Nako ka Kaz,di mo alam kung anong pinaggagawa mo sa sarili mo!" pinapagalitan na naman ako ni Nanay.Kakauwi lang kasi ulit namin galing ospital,di na naman ako nakahinga.Iniinom ko na naman gamot ko at last check up namin tumaas na yung potassium ko,pero ngayon bumaba na naman.Hayszxc.
Tumango nalang ako at saka umakyat sa taas.
{Text message to All}
(Highs.Got home frm ONC again :3
Ano ba tong nangyayari sakin?
Buset.Text nalang? -gm)
Yung hinihintay kong magreply,hindi nagreply :( Wala na talaga syang pakealam pero ako umaasa pa din.
Aba! Sinong hindi aasa? Pinafall fall nya ako tapos babalewalain lang yung feelings ko? Kagaguhan.
Okay.No more drama.Tama na muna ang pagiging bitter.*inhale exhale* EH SINO BA KASING HINDI MAGIGING BITTER?! MINAHAL KO NA SYA TAPOS NILOKO LANG PALA AKO?! KABWISET DIBA!? SAKA NGAYON LANG AKO MAGIGING BITTER! PAG AKO NAKAMOVED ON WHO YOU YAN SAKIN!
"Kaz! Ano ba yang mga hinahagis mo dyan?! Nababaliw ka na talagang bata ka.Kung anu-ano ginagawa mo sa buhay mo eh!" Ay.Sorry naman.Nanggigil lang talaga ako eh.
"Nahulog lang yung mga stuffed toy dito." sagot ko sabay kagat labi.
"Nako ka talaga!"
{Text message from Ate Em}
(Oh,nanggaling ka na naman pala sa ONC? Alam mo Kaz di yan maganda.Ayusin mo nga buhay mo.Sinabi sakin ni Nanay na ang baba ng bp mo.Alam mo sa side ni Tito,pang3rd Generation ka na magkakaLeukemia sa pamilya natin.Sinasabi ko na sayo para umayos ka.Napag-aralan din namin na ang sakit ng mga kabataan ngayon tulad mo ay Leukemia.Bata ka pa.Ayusin mo buhay mo." Nobela ang text ni Ate Em.Pero natats ako dahil concern sya,syempre pinsan eh.Nakakatakot pala pag di ako umayos.Leukemia? Nako.Nurse kasi
sya eh.
(Sge po Ate Em.Thankyou po.) yan nalang nareply ko,pinag-isipan ko din kasi yung sinabi nya eh.
{Text message from Azi}
(Wag mong idamay kalusugan mo sa lovelife Kaz.Lalaki lang yan.Magmamahal ka na nga lang kasi sa MANLOLOKO pa.Hahaha :p)
(Wow.Nahiya ako sayo Azi ha? Eh halos lima nga pinagsasabay mong babae eh!) reply ko.
(Atleast ako hindi naloloko.Sa love,hindi lahat sineseryoso.Kaya next time kung alam mong niloloko ka sabayan mo nalang para sa huli hindi ka talo. :p)
(Oo na oo na!)
I love my pinsans talaga. :)
--TUESDAY
Ngayon lang ako nakapasok kasi nagpacheck up ako kahapon.
"Hi Kaz !!! Ayos ka na?" salubong sakin ni Fei.
"Oo.Okay na :)"
"Eh sa kanya?"
"Nako ka Fei talaga! Wala na nga akong pake dun eh hahahaha."
"Buti naman. :D"
Buti hindi pa nila ako masyadong kilala,kasi kung Oo mahahalata nilang di pa ako OKAY SA KANYA.
"Kaz,ano okay ka na ba?" tanong sakin ng adviser ko.
"Opo Ma'am.May iniinom na po akong gamot ngayon for one month :)"
"Buti naman kung ganun.Yung mga bawal wag mo nang gawin para tuloy tuloy ang galing mo ha."
Tumango lang ako sabay smile.
Nagsimula na yung lesson namin sa Filipino,huling huli na talaga ako.huhu.
-- MAPEH
"Okay class,may activity tayo ngayon.Kailangan lahat sumali dahil grade ito."
sabi ng MAPEH Teacher namin.
"Ma'am bawal po ako.May Heartache ako eh." bulong ko kay Lyka.Natawa naman sya :D Pero di talaga ako pinasali kasi nga madali akong hingalin.
Natapos naman ang tuesday ko na masaya.Although,di ko maiwasang matulala at nag-iisip ng kung anu-ano.
My memo entry this day:
I admit,di pa ako totally nakakamove on sa kanya.Bitter pa din ako eh.Kahit 2weeks lang yun,kung minahal mo talaga yung tao mahihirapan ka talagang magmove on.
PS.
"Usong-uso na talaga ngayon ang ILANG LINGGONG PAG-IBIG :3"