"Urgh! Napakalandi nya talaga kalalaking tao!! Bwiset."
Kanina pa ako naiinis dito habang nakatingin sa fone.Inistalk ko kasi fb nya eh,at ayun ang daming babae! Iba na password nya kaya sinearch ko nalang yung name nya sa fb at nagstalk na.So,sila na naman pala ng Zae na yan? Ano bang meron sa Zae na yan? Bukod sa malaki nyang ilong HINDI sya MAGANDA! Mataba pa! Anong nagustuhan ni Al don? Dahil sa magaling din magDota? Dahil nakakapagbonding silang dalawa sa paglalaro ng dota? Yun ba? OO NA.SYA NA PANALO! WALA SYANG GANDA pero alam kong talo ako sa kanya pag dating kay Al.Nagkakasama sila araw-araw,nagkikita at naglalaro pareho.Eh kasalanan ko bang masyado kaming malayo sa isa't isa? Oo nasa iisang lugar lang kami dito sa Laguna pero malayo pa din kasi sya eh.Magkalayo na kami ng bahay,magkalayo pa kami ng age at magkalayo pa kami ng school.Sa tingin nyo ba matutumbasan ko yung Zae na yun? Sa ganda,Oo.Pero sa puso ni Al? Imposible.Sige SILA NA! MAGSAMA SILANG DALAWA! PAGBUHULIN KO PA SILA EH! KAKAJUJOT! Magbebreak din sila,tiwala lang.
"Kaz!! Yung cartolina ko! Gusot na!" nagulat ako sa sigaw ng kapatid ko.
"Nay oh! Nilukot ni Kaz yung Cartolina ko!" Ayan na.Nagsumbong na -_-
"Ano ba yan Kaz? Kita mong may ginagawa kapatid mo tinatapakan mo yung cartolina!"
"Sorry naman.Di ko napansin eh.Dun na nga ako sa taas!"
Mabilis akong umakyat at humiga sa kama.
"Highs.Kasalanan mo tong Al'nyeta ka eh! Kung di mo sana ako pinafall ng todo di ako masasaktan ng todo." bulong ko pero may diin dahil gigil talaga ako.
{Chat}
(Hi :))
Ang lakas lang talaga ng topak neto para magHI sakin eh noh? Akala mo walang nasaktan eh.Kawalanghiyaan.
Sineen ko lang sya.Feeling nya naman rereplyan ko sya.Hmp! Di ko talaga matiis eh,sorry hehe.
(Hello.) reply ko.
(Kamusta? haha.)
(Kamusta na naman?) Dapat talaga di ko na sya nireplyan eh! Pang-asar lang ang hayuuuup.
(Ayaw mo ba? :()
(Alam mo,tigilan mo na ko sa kadramahan mo.Nananahimik na ako oh? Nagmomove on na ako,pwede ba Al?! Di na ko nakikipaglokohan!) - ichachat ko sana kaso di natuloy.Sineen ko nalang.Ayaw ko na talaga.Magmomove on muna ako bago ko sya kausapin na parang walang nangyari.
--
"Kaz,may gf na daw si Kyte eh." sabi sakin ni Ranz.Boyfriend ni Sen.Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon pauwi.
"Ano ba yan! Nakakainis naman -_-"
"Ikaw kasi pahuli-huli eh.Kung kailan may gf na saka mo hiningi number."
Oo yes.Tama kayo ng basa.Hiningi ko number ng tropa ni Ranz.Matagal na daw kasi ako nitong nakita at crush daw ako.Eh kaso bf ko that time si G@go kaya di ko pinansin.Ngayong wala na kong bf,saka ko lang pinansin eh yun pala sya naman may gf -_- Kainis.
Alam kong masamang gumamit ng tao para makapagmove on,it's just that nahihirapan akong magmove on mag-isa eh.Ang shunga ko noh? Ang sama ko pa.Alam kong yung 2weeks masyadong mababaw para maging ganto ako.Eh hindi ko na kasalanan yun.Kahit minuto,oras,araw o linggo lang kayo kung nafall ka agad di mo talaga maiiwasan maging ganto -_- Di nyo ko masisisi kasi nagmahal lang naman ako.
"Okay.Maghahanap nalang ako ng iba." sagot ko.
"Kahit kailan talaga tanga ka! *batok* diba timer ka dati? Yung kay Al,karma mo yun! Tapos ngayon naghahanap ka na naman ng panibago mong karma? Umayos ka nga Kaz." manenermon na nga lang may kasama pang batok.Kahit kailan talaga to si Sen. :3
"Oo na.Magmomove on na ako MAG-ISA.Happy?" sarcastic kong sabi.
"Ikaw lang ang nasaktan,wag ka nang mandamay pa ng iba.Magmove on ka mag-isa talaga :p "
My memo entry this day:
Yeah.Tama si Sen,ako lang ang nasaktan kaya magmove on ako mag-isa.Bat nga ba ako gagamit ng iba kung kaya ko naman mag-isa?
PS.
"Hindi mo kailangan gumamit ng ibang tao para makapagmove on ka.Sapat na yung temporary bitterness mo para makamove on."