2nd day here sa Univ na 'to -_-
Nakakaboring.Nandito ako sa 7/11,tinatamad pa akong pumasok sa loob eh.Idedescribe ko muna suot ko ngayon since wala namang ginagawa :D
Nakasuot ako ngayon ng,white jeans+pink plain sleeveless+pink doll shoes+white back pack+pink head band = PRETTY KAZ :)
Mukha ngang hindi ako 14 years old eh.Nakalip gloss din ako.Simple lang ako manamit.
So,anyway kailangan ko nang pumasok sa loob dahil 12:30pm na.
--
"Goodafternoon Kuya Guard! :)" buti good mood ako ngayon.
"Goodafternoon din iha. :)"
Tumambay muna ako sa guard house para naman may makausap si Kuya Guard.Lunch break pa kasi ng mga students ngayon,ayokong mahaggard agad dahil sa dami ng tao at baka makita ko din si Ugly Duckling sayang ang outfit ko ngayon plus yung pagiging good mood ko.
"Kuya,kilala nyo po ba yang limang yan?" turo ko sa grupo nila Al.As usual lalabas na naman siguro para magdota.
"Ah.Oo,laging lumalabas yan pag Lunch break.Nagdodota daw sila."
"Oh?Dapat di nyo pinapalabas yang mga yan." natatawa kong sabi.
"Kilala mo na ba sila iha?"
"Actually,yung isa po dyan ex ko."
"Sino dyan?" tanong ni Kuya Guard.
"Hi Manong Rudy!" bati ni Al kay Kuya Guard.Tinignan ko si Kuya Guard,tumingin din sya sakin at saka ako nagsmile.
"Alis na po ako Kuya! Sya po yun! :)"
Tumatawa lang si Kuya Guard dahil tumakbo ako agad nung sinabi ko yun.Kahit naman galit ako kay Al,di ko padin matatanggi na mahal ko pa din sya.
--Engineering Department section B room 201
*knock knock* katok ko sa pinto.
"Hi iha :) Ikaw na pala yung pinadala dito noh? Ang ganda mo naman." bati agad sakin ng matandang babae na prof.Ang babait ng prof dito,sana sa school ko din :3
"Haha.Thankyou po :)"
Pumasok na ako sa room ng engineering.Nagulat naman ako dahil may nakalagay pang WELCOME sa white board nila.So,ito pala yung paghahandang sinabi nung Dane sakin kahapon? Tsk tsk.
"Mga istudyante ko gumawa nyan.Ang ganda noh? Engineer talaga hahaha.Sabi kasi ni Dane,paghandaan ka daw namin eh."
Urgh.Grabe talaga yung Dane na yun! Papapirmahan ko lang naman tong mga paper sa prof nila,kailangan may ganto pang eklavu? Pero sge,natats naman ako :3
"Ah.Ganun po ba? Hehe.Salamat po."
"Maganda ba Kaz? :)" For sure sinabi na ni Ej yung name ko dito kay Dane -_-
"Oo.Ang ganda :)" pinilit ko lang ngiti ko.
"Anyway,ito na po yung pipirmahan nyo po." binigay ko na sa prof yung papers.Ngiting-ngiti naman si Dane sakin -_- Urgh.Nakakairita alam nyo yun?
--
5:35 na ako natapos magpapirma sa 1-4thyr Engineering Department.
"Kasi naman yung Dane na yun eh -_- Pabigat pa tuloy tong ginawa nya."
Di ako magkanda ugaga sa pagbuhat nitong WELCOME thingy ni Dane.Nakakainis lang talaga.Hindi tuloy ako makakagala sa SM,kaya nga ako nagsuot ng ganto para pagkatapos makagala ako eh,tapos ganto pa ang nangyari? Nakakainis lang.