"Ilang araw na syang ganito?"
"Nung isang linggo pa Doc."
"Lagi ba syang sinisikipan ng dibdib?"
"Minsan hindi daw po sya makahinga."
"Base ngayon sa nangyari sa kanya,over fatigue sya.Anemic sya noh?"
"Opo."
"Kailangan kasi yung Nanay nya ang makausap ko eh.But anyway,kung ano man ang binigay ng doctor nya na gamot ipainom nyo sa kanya.Hindi ata sya nakainom ngayon eh."
"Hindi nga po.Kasi bibili palang sya ng gamot sa pharmacy bigla na daw po syang nahimatay doc eh."
"May ibibigay ako sa inyong paper.Icheck nyo sya kung nangyayari yun sa kanya.Pag yung symptoms na yun ay umabot sa 3months,qwertyuiopasdghlj."
"Okay p-po Doc."
Kakagising ko lang ito agad ang maririnig ko -_- So,nasa ospital na naman pala ako?
Narinig kong bumagsak na yung pinto kaya minulat ko na mata ko.
"Ano yung sinabi sa inyo ni Doc na 3months chuchu?" bungad kong tanong sa kanila.
"Sa gamot lang yun." sagot ni Ate Em.
"Ganun? Eh bat ang pula ng mata mo Ate?" tanong ko.
"Napuwing kasi ako habang kausap si Doc.Hahahaha." pilit -_-
Papalagpasin ko lang 'to,ayaw ko naman kasing mamroblema kung ano man ang sinabi ni Doc sa kanila.
Tumingin ulit ako sa mga tao na nandito.Si Ate Em,Ate Aly,Mama nila&Ej.Nasan si,
"Hindi na namin pinasama dito si Al.Lasing na lasing kasi tapos nagkalagnat pa dahil sa ulan."
Lagi nalang akong nababasa ni Ate Aly.Hahaha.
"Ah.Ganun po ba? Hmm,nako nandito po pala kayo Mama nila Ate Aly.Sorry po dahil naistorbo pa po kayo.Hindi na po tuloy kayo nakatulog highs.Lagi ko nalang nasisira ang araw nyo.Sorry po talaga." paghingi ko ng paumanhin.Nginitian lang ako ng Mama nila Ate Aly at saka lumapit sakin.
"Nako iha,okay lang yun.Basta,magpagaling ka lang ha."
"Opo.Magpapagaling po talaga ako."
Kahit hindi ko alam kung anong sakit ko -_-
"Ate Em,alam na ba 'to nila Nanay?"
tanong ko.
"Oo.Otw na sila."
Highs.Grabe lang talaga,love na love ng katawan ko ang hospital -_-
Ilang minutes pa,dumating na sila Nanay&Tatay.Nagthankyou sila sa Mama nila Ate Aly tapos umuwi na din sila dahil nga 2:30am na kailangan pa nila ng tulog.Sana din tapos na yung ginagawa ni Ej&nila Ate Em na project.Kagagahan ko kasi eh,nadamay pa sila.
Teka,
"Kaz,can you be my girlfriend? Again?"
Kanino nga galing 'to?
"Kaz,can you be my girlfriend? Again?"
Kay Al!!! Kailangan ko syang makausap.
My memo entry this day:
Shit! Hindi ko nasagot yung tanong nya.Ang tanga tanga lang,bwiset.
PS.
"Pwede ko bang bawiin yung sinabi ko dati sa kanya na 'wala ka nang babalikan Al' ?"