Last day ko na ngayon dito sa Univ.Makakahinga na ako ng maluwag.
Nga pala,nadefend ng IT Students yung pagkakareport sakin ni Sir Manyak nung isang araw.Kaya masaya ako dahil hindi nadamay ang school namin.Ayun,pinaalis na yung prof kahapon.
Yung samin namin ni Al? Wala na yun.Okay na ako ulit.Last day ko na dito kaya dapat Good Mood ako pag-alis ko.
-- PRESIDENT'S OFFICE
3:00 pm na,maaga akong natapos sa Tourism Department kaya ito na yung last na pupuntahan ko.Sa president.
"Good Job Kid :) Sana,manalo ang school natin!" salubong nya agad sakin at saka pinirmahan yung last na paper para sa kanya.
"Oo nga po eh." wala na kasi akong mahanap na sagot eh,kaya yan nalang.
"Edi pasa ka na.Hahaha.Next grading nyo,wag ka nang aabsent ha.Naikwento ka kasi sakin ni Ma'am Min."
"Ay ganun po ba? Haha.Si Ma'am talaga."
"Basta magpagaling ka ha."
"Pati po yun sinabi sa inyo po? o.o!"
"Oo.HAHAHA.Basta magpagaling ka.Bata ka pa.Ang ganda mo pa."
"Nako.Alam ko na po yan hehe."
"Haha.Oh,pano ba yan? Uuwi ka na ba?"
"Opo.Tapos na po ang 1week ko dito eh.Hayaan nyo po pag nagkaroon ulit ng contest at magpartner ulit ang school natin,ako na magvovolunteer na pumunta dito.Hahaha."
"Aba dapat lang Haha.Sige na,madami pa pala akong gagawin.Ingat ka sa pag-uwi ha?"
"Opo Mrs.President :) Thankyou po."
Nakipagbeso-besohan pa ako sa kanya at saka lumabas.
Nakangiti pa akong lumabas.
"Kaz!" napalingon naman ako sa tumawag sakin.Si Ate Aly pala.
"Oh,Ate Aly.Bakit po?"
"Nakita ko yung eksena nyo nung isang araw.Hindi lang kita nakausap kahapon kasi may duty kami."
So,nakita pala ni Ate :/
"Sorry Ate kung nasampal ko sya o nasunto--"
"Thankyou Kaz.Natuto ulit magmahal kapatid ko.After kasi ng break up nila nung gf nya na 2yrs sila,nagloko na yan eh.Ngayon lang ulit sya naging ganto."
Hindi ko na natuloy yung pagpapaliwanag ko kasi niyakap ako ni Ate Aly.
"Uhm.Kala ko magagalit ka sakin Ate." bulong ko kaya sya natawa.
Humiwalay na sya sa pagkakayakap.
"Hindi noh.Dapat lang yun dun.Ayun nga eh,hindi nakapasok.Nagkasakit sya sa suntok at sampal mo.Hindi ko alam na sadista ka pala Kaz.Hahaha."
"May sakit po sya?"
"Oo."
"Ate,may nagbabantay ba sa kanya dun?"
"Wala nga eh.Si Mama kasi nasa bahay ng Ate ko,tumutulong sa pagtitinda.Wala din si Kuya.Sya lang mag-isa dun.Ewan ko lang kung pinapunta nya mga tropa nya."
"Pwede bang hatid mo ko sa bahay nyo Ate? Para naman atleast may magbantay sa kanya."
"Sure ka ba? Kasi yung eksena nung isang araw ---"
"Ate,hindi naman masamang makipagkaibigan sa nakasakit sayo diba? Wala na syang babalikan pero hindi ko sinabing back to strangers ulit kami."
Napangiti si Ate Aly sa sinabi ko.
"Sge.30 minutes lang naman ang byahe papunta sa bahay eh.Lunch break naman,tara."
--
"Oh pano? Aalis na ako.Magsisimula na yung next na klase ko eh."
"Sge Ate Aly,thankyou po."
"Pag may kailangan ka itanong mo nalang dyan sa unggoy na yan."
"Hahaha.Sge po."
Lumabas na si Ate Aly ng kwarto ni Al.
Umupo naman ako sa may kama kung saan nakabalot ng kumot si Al.Mahimbing ang tulog.
"Ang tanga ko na kung tutuusin Al.Kasi galit na galit ako sayo nung mga nagdaang araw pero eto ako,binabantayan ka.Hahaha." bulong ko sa natutulog na Al.
Kahit kailan talaga hindi ako maiintindihan ng mga tao.Yun bang,galit na galit ako sa kanya nung isang araw lang tapos ngayon? Tsk tsk.Hindi nyo ko masisisi,mahal ko eh.
Wala lang syang babalikan ang sinabi ko pero hindi kasali dun na hindi na ako pwedeng makipagkaibigan.
"Al,pagaling ka.Pag hindi ka nagpagaling dadagdagan ko yang mga bangas mo."
Para akong tangang kumakausap ng tulog -_- Malay mo naman gising.
"Hmmm."
ungol nya sabay hawak sa kamay ko.Gising nga kaya 'to?
"Mahal na mahal kita Mae."
sabi nya habang nakapikit.
Tumulo luha ko nun,akala ko KAZ.Mae pala.Yung ex nya na 2yrs. sila.Akala ko pa naman nakamoved on na sya dun? Hindi pa pala.Kahit pala si Ate Aly,napapaniwala nya.
"M-mahal na mahal d-din kita Al.Sobra." sagot ko kahit hindi ako si Mae.
Tumayo ako para kumuha ng towel at maligamgam na tubig.Ang init nya kasi sobra eh.
Habang nagpipiga ako ng towel,may biglang yumakap sa likod ko.
"Akala ko hindi mo na ako mahal,Kaz.Mahal na mahal din kita.Sobra."
My memo entry this day:
Nakakainis sya.Gising pala sya nun eh! Tapos pinagtripan na naman ako.May paMae Mae pa syang nalalaman,ako din pala.G@go talaga.
PS.
"The feeling that you love each other but you can't be together." Again.
[AUTHOR'S NOTE]
Wiiii ~ Nakailang update ako ngayon? HAHAHA.Sana magustuhan nyo po :)
Vote,Comment.Godbless! <3
-Kitkathmoo