MEMO 10

26 0 0
                                    

"Once na galawin mo ulit 'tong girlfriend ko,ako na makakaharap mo."

"Once na galawin mo ulit 'tong girlfriend ko,ako na makakaharap mo."

"Once na galawin mo ulit 'tong girlfriend ko,ako na makakaharap mo."

Paulit-ulit nalang na umeecho yan sa tenga ko.Edi sila na! May magagawa pa ba ako? Pero hindi ko alam kung bat ako umiiyak ngayon T.T Alam nyo yung feeling na,yung taong nagsabi na mahal ka nya kahapon,may girlfriend na ngayon? Ang sakit lang.

"Hoy Kaz,tama na yan.Ilang tissue na naubos mo oh?" saway sakin ni Ej.Yes,nung lumabas kasi ako kanina ng Univ nila nasalubong ko si Ej.Hindi ko na nga sya pinansin,sinundan pa ako hanggang dito sa SM.Hindi ko kasi talaga alam kung saan ako pupunta kanina eh :/ Hindi ko na din nakasabay si Ate Em.

"Nakakainis kasi yang kapatid mo eh.Lagi nalang akong pinapaiyak! T.T Ang sakit sakit na kaya.Hindi nya ba alam yun?"

"Umiiyak din yun kahapon pag-uwi nya.Ano bang problema nyong dalawa? Naguguluhan na kami ni Ate Aly hindi nyo alam -_-"

"Wala." sagot ko sabay punas ng luha.Buti nalang wala nang tumulo pa.

"Parehong-pareho kayo ni Al.Lagi nalang 'wala' sagot nyo pag tinatanong."

"Wala naman talaga.Sige,una na ako Ej.Salamat nalang."

saka ako umalis.Tinatawag nya ako pero hindi na ako lumingon.Magmomove on na talaga ako.Wala munang usap usap sa kanila.Kahit kanino.Magpapakabusy muna ako.

At kapag minamalas ka naman oh -_-

Bakit umuulan pa? Geez.

{Text message from Ate Em}

(Kaz,nasan ka? Hindi ako pwedeng umuwi pag wala ka.Nandito ako kila Aly.Nagtext si Ej kay Aly na kasama ka daw nya.Umuwi na kayo dito.)

Eh nilayasan ko na nga si Ej eh -_-

Osige,balikan ko na nga lang.

(Oo.Kasama ko Ate.Sunod na kami.)

Bumalik ako sa jollibee na pinagtambayan namin kanina.Thank god naman at nandun pa sya.

"Sabay daw tayong umuwi sabi ni Ate Em.Nasa inyo daw kasi sya." sabi ko agad sa kanya.

"Oo nagtext sakin.Tara na."

Ganito ba talaga ang eksena pag kasama si Ej? =____= Heller! Pilipino din po sya! Mukha lang talagang koreano.Wag kayong pampam dyan!

"Lumayo-layo ka nga sakin Ej."

"Hala?Bakit?"

"Hindi ka ba aware na laging kang pinagtitinginan?"

"Yun lang naman pala problema mo dami mo pang arte.Ayan na yung exit oh?Tss." Pag umiiyak lang pala ako,saka sya mabait -_-

"Yun lang pala problema mo nyenyenyenye." panggagaya ko sa kanya.

"May sinasabi ka?"

"Wala!" sigaw ko sa kanya.

Finally! Nakasakay na din kami ng jeep.

"Shet.Ang gwapo nya.Mukhang koreano.Hihihi."

"Oo nga girl.Kaso may girlfriend."

"Taob tayo.Hahahaha."

Hanggang jeep ba naman?

Jusmiyo st.joseph elementary school!

"Ej,layo ka nga sakin." bulong ko sa kanya.

"Bakit na naman? Alam mo,napapaisip ako kung bat ka nagustuhan ng kapatid ko.Ang dami mong arte alam mo yun?"

MemoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon