MEMO 13

8 0 0
                                    

AL'S POV

"Al,punta tayo ngayon kila Kaz?" aya sakin ni Ate Aly.Kakadalaw lang namin kahapon ah? Grabe,ang lakas talaga ng epekto ni Kaz sa pamilya ko hahaha.

"Kakapunta lang natin kahapon Ate ah?" sagot ko sa kanya.

"Bakit,ayaw mo ba syang makita?" bat ang seryoso ni Ate Aly ngayon?

"Hindi sa ganun Ate.Bat kasi ngayong gabi ka pa nag-aya?"

Gabing-gabi kasi saka mag-aaya.Baliktad talaga 'to si Ate -_-

"M-mas maganda kasi pag gabi.Saka nagpaalam na ko kay Mommy na dun tayo mag-oovernight."

Nagshrug lang ako sabay sabing okay.

Nagbihis na ako para makaalis na kami.

*dug dug* *dug dug* *dug dug*

Ano ba naman 'tong heartbeat ko? Kanina pa.Bat ako kinakabahan?

--

"Ate,dito pala bahay nila Kaz?" tanong ko habang naglalakad kami palapit sa bahay nila Kaz.Habang papalapit kami,palakas din nang palakas ang pagtibok ng puso ko.

"Ha? O-oo.D-dito n-nga."

"Okay ka lang ba Ate? Kanina ka pa sa bahay ganyan.Bat ang daming tao dito? Para namang may patay eh."

"M-meron nga." sagot ni Ate.

"Sino Ate?" tanong ko.

Malapit na kami.Natatanaw ko na yung tarpaulin na nakasabit sa tent.

Rest in peace

Kaz Marie Madrigal

March 10,2000-October 18,2014

Nung nabasa ko yun,tumakbo agad ako papasok sa bahay nila.Pero huminto din ako pagdating sa pinto.

I saw her picture on the coffin.

Ito pala yung dahilan ng pagkakaba ko kanina? Masakit.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

Nung nakita ko sya na nakahiga dun , tumulo na luha ko.

"K-kaz." tawag ko sa pangalan nya habang patuloy ang pag-agos ng luha ko.

Hindi ko na napigilan,kaya niyakap ko yung coffin nya.

"K-kaz naman *sobs* h-hindi pwede 'to.*sobs* bumangon ka dyan *sobs* hindi ko alam ang gagawin ko pag wala ka."

Naiyak na din yung mga tao sa loob dahil sa sinabi ko.

"K-kaz,please.Bumangon ka dyan.*sobs* m-magpapakasal pa tayo diba? Kaz naman.*sobs*"

Niyakap ako ni Ate Aly mula sa likod.

"Al, *sobs* tama na yan." saway nya sakin.

"Ate,kailangan ko lang ilabas 'to."

Pinabayaan lang ako ni Ate na umiyak.

After 5 minutes,dumiretso ako sa pwesto nila Ate Aly.

"Okay ka lang?" tanong sakin ni Em.

Umiling lang ako.

Alam nyo yung feeling na,magkasama kayo ng taong mahal mo kahapon lang pero ngayon iniwan ka na nya? Nakahiga na sya dun . Ang sakit sakit diba? Kung kailan kami nagkaayos,saka naman nangyari 'to.

"Uhm,Al.Cellphone 'to ni Kaz.Nakita ko kasi yung message nya dapat sayo.Pero hindi naman nagsend." inabot ko naman yung cellphone ni Kaz na binibigay sakin ni Em.

{Text message to G@go}

(Happy 4th monthsary BF.Iloveyou)Failed.

Tumulo na naman luha ko sa nabasa ko.Lagi nalang akong umiiyak sayo Kaz,tapos lalo mo pa akong pinaiyak ngayon.

"T-tapos pala,basahin mo yung mga nakasave sa memo nya.Puro tungkol sayo yun mula June 18 hanggang kahapon.0618 ang password,yun pala yung sinabi nya kahapon sakin.Para pala dito sa memo's nya." sinunod ko naman yung sinabi ni Em.

After ilang minutes,iyak-tawa ako dahil sa memo nya.Nabasa ko lahat lahat ng mga nararamdaman nya nung mga panahong yun.Ang insensitive ko pala masyado para hindi maramdaman yun no? Ang sama ko pala kung tutuusin.Kung buhay lang ngayon si Kaz,babawi ako sa kanya.Lahat gagawin ko para lang lagi syang masaya.Kaso wala eh,iniwan nya agad ako.Kung alam ko lang na huling pagsasama na namin kahapon edi sana hindi ko sya iniwanan,hindi ako umuwi.

Pero,madaya lang talaga si Kaz.Ang weird nya talaga magpaalam.

October 17 ,3:30 pm

Ang saklap lang ng LOVE no? Papasayahin ka tapos papaiyakin ka.Hahahaha.Alam mo yung samin ni Al? Puro IYAK.Wala eh,ganun siguro talaga.Pinagtagpo kami ni Lord sa isang dahilan.Playgirl ako,manloloko sya.Siguro pinagtagpo kami ni Lord para magbago.Kaso ang masakit dun,PINAGBAGO nya lang kami pero hindi kami talaga ang MEANT TO BE.Pero thankful pa din ako dahil,nakilala ko sya.Nakilala ko si Al.Minahal ko sya,minamahal ko sya,at mamahalin ko sya.

Al,siguro hanggang dito lang tayo.Hindi tayo pero mahal natin ang isa't isa.Hindi ako naniniwala sa FLAMES na ginawa ko hahahaha.Hindi tayo FRIENDS,pero EWAN ko kung anong tawag satin.Basta mahal kita,yun lang yun.

Al+Kaz=Alaz

HAHAHAHA! Kaya siguro tayo pinagtagpo sa patay dahil dyan.Ang corny corny hahaha.

Yun lang.Ingat kayong lahat dyan,always smile :) Masasanay din kayo na wala nang Kaz.

Napaiyak ako sa memo nyang 'to.Naiyak din sila Ate Em.Ang daya nya talaga kahit kailan,alam na pala nya na aalis na sya.

After ng iyakan namin,inaya nila akong maglaro ng pusoy dos.Medyo umokay na din ako kahit pano,pero hindi ko matatanggi na nalulungkot pa din ako.

"Oh,kaninong baba 'tong Alas?"

naaalala ko na naman 'tong eksenang 'to.Yung sinadya kong hawakan ang kamay ni Kaz.

Weird man pakinggan pero hinawakan ko yung alas na yun sa gitna at saka pumikit.

"Kaz,nabasa ko na yung memo mo.Namimiss na agad kita.Ingat ka dyan.

I love you."

The Video.. Atleast may mapapanood ako pag namimiss kita.

The End

-FIN-

[Vote,Comment&Godbless <3]

MemoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon