Chapter XLI : Thick and Thin
Trinity's Point of View
Nakaupo ako dito sa single sofa habang yakap ang isang unan.Today's Sunday at nandito kami ngayon sa loob ng hospital room ni Hurricane at nanonood kami ng isang english movie.Its been two days already since the family reunion of the Martinez' was celebrated at dalawang araw na ang lumipas nang makita ulit ni Ford ang unang babaeng bumihag sa puso niya
After we left the venue,agad na nag usap ang dalawa at nagkalinawan silang wala na dapat pang problemahin.Ang pinaka nagustuhan ko sa relasyon nilang dalawa ay ang pagtitiwala nila sa isa't isa.They have been together for so long kaya naman di na nakakapag taka kung alam nila ang limitasyon ng bawat isa.Napangiti ako dahil sa kilig at mas hinigpitan ko pa ang yakap sa unan
"Hoy!" rinig kong sigaw ngunit huli na nang makaiwas ako sa unan na ibinato ni Ford patungo sakin "Ano ba?!Nanahimik ako dito tapos bigla kang mambabato?" inis kong sigaw at binato pabalik sa kanya yung unan "Bakit kasi bigla ka nalang nangiti diyan?" natatawang tanong niya kaya naman narinig kong natawa rin si Hurricane na nakahiga sa hospital bed niya "Mukha kang baliw,Trinity.Dadalhin ka na ba namin sa may pulang bubong?" pang aasar pa ni Hurricane
Sinamaan ko na sila ng tingin at nanood na ulit.Buti nga may taga kilig pa sila sa relasyon nila,tapos aawayin pa nila ako.Napailing nalang ako at biglang bumukas ang pinto ng kwaryo ni Hurricane at iniluwa nito si Tyler
"Tapos na yung duty ko,magpa deliver kayo ng pagkain dito padating sila Jerveen at Leana." sabi nito bago umupo na agad sa sofa at ipinikit sng mga mata.Kagabi pa kasi nagsimula yung duty niya at ngayong tanghali lang natapos."Buti naman kasama na ni Jerveen si Leana." sabi ko at nakita kong inabot na ni Ford ang cellphone niya at nag dial na "Ang tagal ko na pala silang hindi nakikita" singit ni Hurricane na nakahiga sa kama niya "Jerveen visited when you were still sleeping." singit ni Tyler na tumayo at naglakad patungo sa kusina para uminom ng tubig
"Its a good thing that you still have connection with them" dugtong pa ni Hurricane "Naging mabuting kaibigan natin sila kahit sandali lang tayong nagkasama sama" singit ko at nilapitan na si Hurricane dahil balak niyang bumaba mula sa higaan "Excited na akong makipag kwentuhan sa kanila" dagdag ko pa at napangiti lang si Hurricane
Bumalik na si Ford dito sa loob mula sa labas at tinulungan na akong umalalay kay Hurricane patungo sa sofa "I just ordered some foods" sabi niya pa "I want ice cream" saad ni Hurricane kaya naman napalingon ako kay Ford "Ako na,may convenient store naman diyan sa labas ng hospital" sabi ko pa,akmang kukuhanin ni Ford ang wallet niya kaya naman agad akong nagsalita "Libre ko na,may bibilhin din naman ako" kaya naman napangisi si Ford na parang nang aasar "Ano meron?Nauso na pala sayo yung salitang yan" pang aasar niya pa kaya naman napailing at napatawa nalang ako
Akmang kukuhanin ko na ang wallet ko nang may kumatok sa pinto "Nandito ba si Tyler?" tanong ni Jacob na bahagyang nakasilip sa pintuan "Im here" sabi ni Tyler na nakahiga sa mas mahabang sofa "Here,that's from my mother.Birthday ni Mama,pinapabigay sa inyo.Pakilagay nalang agad sa ref kasi may ice cream diyan" saad ni Jacob sabay abot ng paper bag sa akin.Pag sinuswerte nga naman "Salamat,paki sabi nalang sa Mama mo Happy Birthday" ngiting sabi ko at nag pasalamat narin sila Hurricane at Ford
BINABASA MO ANG
Take Him To The Moon For Me(Completed)
Teen FictionHurricane Gonzaga Waters,a lady who once lost her will to live but realized that she has to enjoy and spend her remaining months with the people she never expected to be with again.In order to bring back their old friendship,they created moments tha...