Epilogue

1.3K 22 1
                                    

Epilogue

7 years later.....

"Tyler hawakan mo nga muna tong anak mo!Hindi pa ako nakakapag ayos,anong oras na late na naman tayo!Baka hinihintay na nila tayong tatlo" natatarantang sabi ni Trinity kay Tyler na kakatapos lang mag ayos ng sarili niya "Kumalma ka nga,lagi naman tayong late.Sigurado akong maiintindihan nila tayo" sabi naman ni Tyler sabay lapit sa anak nila na wala pang suot na pang itaas na damit.Lumapit ulit sa kanila si Trinity at sinuutan narin ng kulay puting damit ang anak nila.Napag usapan nilang mag suot ng kulay puti,lagi nila itong ginagawa sa tuwing magkakasama sama ulit sila "Anak wag kang malikot,please" halos nag mamakaawang sabi ni Trinity sa anak niya

Inabot na noya ang lotion,polbo,pabango at suklay ng anak niya "Have you brushed your teeth already?" tanong ni Tyler sa anak niya habang inaayos na ang mga kakailanganing gamit ng anak nila sa pag alis "Yes po!Opo!" energetic na sabi ng anak nila na ikinangiti ng mag asawa

"Trinity hindi pa ba kayo tapos diyan?Hinihintay na kayo ni Hurricane at Ford" tanong ni Lola Clarissa sa mag asawa na abala parin sa paghahanda sa loob ng kwarto nila "Patapos narin po,susunod na po kami sa baba" sigaw naman pabalik ni Trinity habang inaayusan parin ang apat na taong gulang nilang anak ni Tyler "Lennox,behave.Mommy's having a hard time with you,diba miss mo na sila Tito Ford at Tita Hurricane?" pag suway ni Tyler sa kanyang anak na ikinatigil nito sa paglikot "Papa makikita rin po ba natin sila Ninong Jerveen and Ninang Leana?" nagniningning ang mga mata ng batang si Lennox nang nagtanong ito sa kanyang ama "Busy sila Ninong eh,but they promised you na next week we'll go to a theme park right?" pangungumbinsi naman ni Trinity na kakatapos lang na ayusan ang kanyang anak

"Yehey!Sasama po ba sila Tito Ford?" tanong pa ulit ng bata sa kanyang mga magulang.Tuluyan na siyang binuhat ni Tyler ang madaldal niyang anak pati narin ang bag na iniabot ni Trinity sa kanya "Sayo-" magsasalita na sana si Tyler nang pigilan siya ng kanyang asawa "Alam kong sakin nagmana yang anak mo ng kadaldalan kaya manahimik ka nalang" masungit na sabi ni Trinity kaya naman napatawa ang kanyang asawa.

Mahigit limang taon na ang lumipas nang ikinasal silang dalawa.It was grande and memorable for the two of them.Nakapag pagawa narin sila ng sarili nilang bahay at isinama nila dito ang maglola na sila Clarissa at Klarisse.Sa una ay ayaw pumayag ng dalawa na sumama sa mag asawa ngunit mas naisip nila na mas maalagaan at mababantayan si Lola Clarissa sa bahay nila Trinity.Habang si Klarisse naman ay makakapag tapos na ng kolehiyo.Hindi nga nagkamali si Hurricane dahil hindi sinayang ni Klarisse ang tulong na ibinigay ng pamilya Waters sa kanya.Kapag may libreng oras ang dalaga ay napunta siya sa bahay ampunan at natulong kila Hanna at Lola Louisse.

At dahil sa pagmamahalan nilang dalawa ay dumating sa mga buhay nila si Storm Lennox.Ang lalaki nilang anak na ngayon ay nasa ika apat na taong gulang na.Noong maikasal sila ay sobra na ang saya na naramdaman nila,ngunit wala na yatang mas hihigit pa sa sayang naramdaman nila nang marinig nila ang unang iyak ng kanilang panganay na anak nang ma i-panganak ito nang maayos ni Trinity

"Hija,ito na ang mga pagkain niyong dadalhin" sabi ni Lola Clarissa sabay turo sa picnic basket na naka patong sa lamesa "Maraming salamat po,siguradong magugustuhan ito ng alaga niyo" nakangiting pahayag ni Trinity napalingon sila sa dulo ng hagdanan nang makarinig ng tawanan.Napangiti na lamang sila nang makitang nagkukulitan ang mag ama "Totoo ngang naging at mas magiging mabuting Papa si Kuya Tyler sa kanyang magiging anak" singit naman ng dalagang si Klarisse na kakatapos lang magligpit ng mga pinag lutuan "Kaylan niyo bang balak sundan yang si Storm?" tanong ni Lola Clarissa sa mag asawa na ikinatigil ng dalawa "Mas maganda kung hindi malaki ang agwat ng edad ng mga anak niyo" dagdag pa ng matanda at ngumiti ang mag asawa sa kanya

Take Him To The Moon For Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon