Two

22 6 0
                                    

"Meng?" Tawag nung nasa labas.

Lumabas kase ako upang silipin si Nico kung tulog na ba sya. Saka uminom din ako ng tubig.

Baka si Nanay na yun. Binuksan ko naman na yung pinto at si Nanay nga.

"Nak! si Nico?" Tanong ni nanay ng pumasok na sya sa bahay.

"Tulog na po." Kinuha ko naman yung dala dala ni Nanay na bayong at inilagay sa mesa.

Kinuhaan ko rin sya ng tubig upang makapagpahinga ng saglit.

Umupo naman ako at magkaharap kami ni Nanay.

"Ah Nay? Si Tatay po di nyo kasama?"

"Wag mo ng intindihin yung Tatay mo. Malaki na yun." Biro ni Nanay ng makatapos sa pag iinom ng tubig.

"Haha. Nanay naman."

"Biro lang. Kumain na ba kayo? May dala akong ulam jan." Akmang tatayo si Nanay pero pinigilan ko sya.

"Opo Nay. Katatapos lang naming kumain."

"Kayo po ba? Kumain na po kayo? Gusto nyo po ipaghanda ko kayo ng pagkain?" Dugtong ko pa.

Umiling naman ito.

"Hindi na. Tapos na akong kumain. Pinakain kami dun birthday din kase ng kasama ko." tumayo si Nanay at sinarado ang bintana.

"Diba sinabihan ko kayo? Huwag na huwag nyong kaliligtaan na isarado ang bintana lalo na sa gabi?" May awtoridad sa boses ni Nanay.

Tumungo naman ako. "Pasensya na po. Nakalimutan lang po namin kanina."

"Oh siya sige na. Pumunta ka na sa kwarto mo at matulog ka na."

Tumayo naman na ako at lumapit sa kanya saka bineso sya.

"Good night po Nay." Tumingin naman ng masama si Nanay sakin.

"Magandang gabi. Ayoko ng magsasalita kayo ng english sa pamamahay na ito." Bakit sya nagagalit? Wala naman akong sinabing masama?

Siguro'y napansin ni Nanay ang pagbabago ng reaksyon ko.

Kumalma naman ang mukha nya at mahinahon na nagsalita "hindi ba't kabilin bilinan ko? Na dapat magtagalog tayo? Kase diba? Sabi ni Rizal, Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda!"

Tumango naman ako. "Sige po Nay." Dumiretso na ako sa kwarto ko ng may halong pagtataka pa rin.

Hindi ko naman tinapakan o dinungisan ang wika namin? Pero bakit ganun na lang magalit si Nanay?

Humiga na ako sa kama ko at nagkumot. Pilit na nagsisink in sa utak ko yung sinabi ni Nanay.

Hayst. Overthinking again.

Erased. Erased.

Lumuhod na lang ako upang magdasal.

"Lord, thank you for all the blessing that you gave to us every day. Thank you for this life that you gave. Lord sorry for all the mistakes that I've done to you. Lord, guide us tonight. Guide my Tatay. In Jesus name and pray Amen."

When Angel's Brought Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon