Chapter 3
Detention RoomAngel's POV
"Pak!" Sinampal ni Mia yung isang babaeng kaaway niya.
Mukha siyang galit na galit.
"Pak you too! Hahahaha!" Hirit nung isang lalaki sa likod. Nagsitawanan pa sila nung mga kasama niya.
Binalik ko yung tingin ko sa dalawang babaeng nasa harapan ko. Hula ko, lalaki na naman yan.
"Bakit mo inakit si John mula sa akin?!" Pag pa patuloy ni Mia habang yung kaharap niyang babae mangiyak ngiyak na dahil sa lakas ng sampal.
"Hindi ko siya inakit! Siya yung unang lumapit sa akin!" Nag simula siyang humagulhol.
"You bitch! Sa tingin mo maniniwala ako sayo?! Inakit mo siya kaya nakipag break sa akin si John!"
Sinabunutan ni Mia yung babaeng kaaway niya. Yung babae naman nakipag sabunutan din.
Hindi ko alam gagawin ko. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.
"Mga pre sinong manok niyo?" Rinig ko mula sa likod.
"Akin si Mia."
"Mas gusto ko si Clara. Inosente."
Nagsitawanan na naman sila. Para silang nanunuod ng pilikula. Hay.
Tumayo ako at lumapit sa kanilang dalawa.
"Itigil niyo nga yan! Baka maabutan kayo ni ma'am." Pilit ko silang pinag layo sa isa't isa pero ayaw umawat.
Tumingin ako sa mga gangster na nasa likod.
"Hoy kayo diyan! Tulungan niyo nga ako dito!" Sigaw ko sa kanila.
Naririnig ko pa rin yung pag aaway nung dalawang babae habang nag sasabunutan.
Hindi gumalaw sa kinauupuan nila yung mga mukhang adik na gangsters. Amp! ang papanget.
"Hoy! Tulungan niyo ako sabi eh! Kayo kaya gawin ko lechon manok?! Hindi sabong pinapanood niyo!" Inis na inis na ako.
Buti nalang sumunod din yung mga manok bago ko pa sila lutuin ng buhay.
Inawat din nila si Mia at Clara. Walang ilang sigundo nagkahiwalay din yung dalawa pero hindi parin sila tumigil sa kaka sigaw.
Napa sabunot tuloy ako sa sarili ko. Nandito ako ngayon sa detention room. At nag kakagulo dito. Ano bang mayron sa araw na toh ha?!
"Tumigil na kayo kung ayaw niyong putulin ko ng tuluyan yang mga buhok niyo!" Gigil na gigil sabi ko.
Hay! Salamat naman at tumahimik agad. Tinignan ko sila ng masama.
"Umayos kayo. Gusto niyo bang ma expel dahil lang sa lalaking walang nang ginagawa na kundi gawing laruan yung nga babae?"
Hindi sila umimik. Kinalma ko ang sarili ko bago mag salita ulit.
"Hindi ba dapat tayo yung nag tutulungan? Kasi-." Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil may biglang pumasok sa detention room.
"Stop this stupid act and get out of this room." May otoridad niyang sabi.
Oh f-
Walang gumalaw. Naka tingin lang kaming lahat sa kanya. Ba't kasi siya sumisingit dito?!
"I said get out." Mahinahon niyang sabi.
Tumingin siya ng deretso sa mga mata ko kaya naalarma ako. Agad kong hinila sila Mia at Clara na hindi alam ang gagawin. Nag sisimula na ding umalis yung mga gangsters.
"Except you." Mahina niyang sabi habang nakatingin parin siya ng deretso sa akin.
Galit ata.
Tinignan ako ni Mia at Clara bago sila naunang umalis. Naiwan kaming dalawa ni Ethan.
"What do you want?" Tanong ko sa kanya.
"You.." bulong niya pero rinig na rinig ko naman. Binatukan ko tuloy.
"Ano ba kasi yun?! Para kang siga kanina ah." Pag iiba ko ng topic. Humalakhak siya.
"Ano kasing ginagawa mo dito? Kanina pa kita tinatawagan hindi ka naman sumasagot." Naka simangot niyang sabi.
"Eh kasi naman kanina pa ako minamalas." Singhal ko. Umakbay siya sa akin.
"Soulmates talaga tayo noh? Kanina pa din kasi ako minamalas pero ngayon inaakbayan ko na ang nag iisang swerte na nangyari sa akin." Sabay kindat na may kasamang ngisi.
Kinikilig ako! Pero charot lang haha!
"Alam mo ang corny mo! Kaya best friend kita eh."
Pagka sabi ko nun biglang bumalik yung dating expression niya. Naka simangot.
"Sana nga hindi eh.."
Bulong niya ulit kahit rinig na rinig ko naman kaya ayun nabatukan ko ulit.
BINABASA MO ANG
Life Imitates Art
Teen FictionLIFE IMITATES ART Paano mo malalaman kung kuntento kana sa kung anong mayroon ka? "You're a beautiful soul... but can't you see my knees... on the ground?" Realizing the beauty of life takes time and some people. Life is like art. It's so precious...