LIA 2

6 2 0
                                        

Chapter 2
Late

Angel's POV

Boooooooom!

"What the-?!!" Napasigaw ako ng malakas dahil sa ingay.

Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko.

Nakita ko yung mga tao sa labas na nagkukumpulan. May nadisgrasya yata. Teka anong oras na ba?

Tumingin ako sa wall clock.

Bwisit! Late na ako!

Nag madali akong pumunta sa CR ng kwarto ko. Mamaya ko nalang aalahanin yang nabangga. Marami namang tumutulong eh.

Dali dali akong nag bihis at nag ayos. Buti nalang naayos ko na kagabi yung mga gamit ko. Si mama kasi ang kulit.

Tumakbo ako papuntang hagdan. Basang basa pa yung buhok ko. May tumutulo na tubig sa sahig.

Muntikan na akong mahulog sa sahig dahil sa kakamadali. Naabutan ko si Aldrin a mahinahong kumakain ng breakfast niya habang sinusundan ng tingin yung bawat galaw ko.

Kumuha ako ng dalawang pirasong tinapay tapos nagpalaman ng strawberry jam.

"Nasaan sila papa?" Tanong ko.

Nag salin ako ng gatas sa baso bago ito inumin ng isahan. Pinunasan ko yung bunganga ko na may bahid ng gatas gamit ang palad ko.

"Tinutulungan yung nasagasaan, mukha daw kasing napuruhan."

Kumagat ako sa tinapay na may strawberry jam. Kawawa naman pala yung nabangga.

"Eh ikaw ba't di ka pa nakabihis?"

Binilisan ko ng ubusin yung tinapay kaya mukhang diring diri yung kapatid ko habang nakatingin sa akin.

"Ano ba ate?! Tumatalsik!" Pinunasan niya yung sarili niya. Nung kumalma siya tsaka pa siya sumagot. "Wala akong pasok ngayon."

"Sige alis na ako."

Pinunas ko sa damit niya yung kamay ko bago kumaway habang tumatakbo palabas ng bahay.

Tumakbo na ako papunta sa sakayan ng jeep. Buti nalang wala na masyadong tao na nag hihintay sa jeep.

Suminghap ako habang nakatingin sa relo ko. Ilang minuto pa ako nag hintay bago ako makasakay.

Ba't ganun? Halos kalahati lang ng pwet ko ang nakaupo. Kumapit akong mabuti sa railings ng jeep.

Yung mga lalaking katabi ko naman grabe maka buka ng legs! Parang akala mo naman- psh! I don't wanna talk about it.

Napa English pa tuloy ako ng di oras.

Pilit kong inuusog yung hita nung lalaki para maka upo ako ng maayos nung biglang huminto yung jeep.

"Manong kasya pa po ba?" Tanong nung babae.

"Oo Miss kasya pa!" Sigaw ni manong.

Biglang uminit yung ulo ko.

"Manong! Wala nang kasya! Ni ako nga hindi maka upo ng maayos tapos mag papa-sakay pa kayo ng panibagong pasahero?! Hindi naman po ata tama yun. Nag babayad po kami ng tama sa inyo pero hindi naman nasusuklian ng tama yung mga bayad namin."

Sa inis ko bumaba ako agad sa jeep ni manong. Pina andar na agad ni manong yung luma niyang jeep. Hindi niya na pinasakay yung babae.

Nausukan tuloy kaming dalawa.

Nung naka alis na yung jeep saka ko nalang na realize na hindi pala ako naka pag bayad.

Oops! Wag tularan! Hehe.

Inayos ko muna yung sarili ko bago lumapit doon sa babae.

"Sorry hindi ka naka sakay."

Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Wala yun! Ako nga dapat yung mag sorry sayo eh." Luh. Ba't naman siya mag sosorry sa akin.

"Ahm.. saan mo ba balak pumunta?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto ko sanang tumakas sa School kaso wala eh."

Tsk tsk! Wag tularan!

"Huh? Bakit mo naman gagawin yun?" Tanong ko sa kanya.

"Ah eh basta basta! Haha! Sige una na ako ate Angel!" Sabi nung babae bago tumakbo paalis.

Teka tinawag niya ba akong ate Angel? Kilala niya ako? Hmm.. ang weird.

Tumingin ako sa paligid. Napa face palm nalang ako nung nakita ko yung logo ng School sa harapan ko.

Dali dali akong pumasok sa loob. Buti nalang wala yung guard sa may gate kaya naka pasok ako agad.

Hingal na hingal akong tumakbo hanggang sa makarating ako sa tapat ng pinto.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng classroom namin nung bigla akong nadatnan ni ma'am. Tinignan niya ako ng masama.

"Tutal tapos naman na kami sa discussion, Miss Langit please follow me to my office." Seryosong sabi ni ma'am Fara.

Napa buntong hininga nalang ako bago sumunod sa kanya. Hay papasukin niyo muna ako sa loob!

Life Imitates Art Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon