Chapter 4
BestfriendAngel's POV
Isang linggo simula noong araw na yun, wala nang nangyari sa ikinapahamak ko. Nasuspende si Mia at Clara sa ginawa nilang kaguluhan sa detention room.
"Angel, halika na!"
Hinila ako ni Ethan papuntang cafeteria. Pinagtitinginan kami ng mga madadaanan namin. Sa kamay naming dalawa.
Wala akong pake.
Sanay na kaming dalawa ni Ethan na pinagkakamalang mag jowa pero alam naman nilang lahat na mag best friends lang kami.
"Anong gusto mo?" Tanong niya sa akin nung nakahanap na kami ng mauupuhan.
Napangisi ako.
"Libre mo?"
"Sige ba! Anong gusto mo?" Tanong niya ulit. Natuwa naman ako sa sinabi niya.
Napatingin ako sa Menu ngayong araw. Medyo malayo kami pero kita ko naman.
"Carbonara, fries, burger at banana milk nalang."
"Yun lang? Ayaw mo mag rice?"
Para akong bata na umiling. Nag thumbs up lang siya bago mag oder ng pagkain namin.
Nakakabangot mag hintay mag isa dito kaya nilabas ko yung cellphone ko. Sinaksak ko yung earphone at sinuot ko sa kanang tainga ko. Yung kaliwa naman malayang nakikinig sa mga tao dito sa cafeteria.
Nag simula nang tumugtog ang kanta.
Stick, stick to your stones 'cause that's all you know
Napapikit ako nung nagsimula ang kanta. Narinig kong nag uusap yung mga babae sa tabi naming upuan.
Late at night you pour it out
Know that only brings you down"May bagong boyfriend na daw si Mia." Sabi nung isang tsismosa.
"Diba bukas na din daw ang balik niya sa School?"
That you'll go tell all of your friends
That I'm the one you wish you never met"Sino kaya yung boyfriend niya?"
"Balita ko hottie!" Sabi nung isa sa kanila na para bang kinikilig.
Pasimple ko silang tinignan. Ang landi naman. Mukha silang naubusan ng tela sa mga damit nila. Ang kapal din ng mga make up.
The story never ends, ends
Natapos yung kanta nang hindi pa bumabalik si Ethan kaya naka simangot ako habang nag hihintay sa kanya. Gutom na ako!
"Ito na po yung order niyo miss." Ngisi niya sa akin habang tinuturo yung mga pagkaing binili niya sa akin.
Tinanggal ko yung earphone sa tainga ko.
Ba't may kanin sa harapan ko?
"Kanino ito?" Turo ko sa chicken at rice.
"Sa akin." Simple niyang sagot.
Ngumiti lang siya bago nag simulang kumain ng pagkain niya.
Kumain nalang din ako. Ang sarap talaga ng pagkain kapag libre. Habang kumakain nag kwekwentuhan kami ng tungkol sa ano-ano.
Nag kwekwento siya tungkol nung bata pa kami. Tinulak ko siya sa may putikan. Una mukha niya. Yung mukha niya talaga yung nag dala.
Sumubo ako ng carbonara habang tumatawa. Hindi ko na namalayan na hindi na ako makahinga.
Yung tawa ko kanina napalitan ng malakas na pag ubo. Putek, ang bilis naman nang karma.
Lumapit sa akin si Ethan at binigyan ako ng tubig. Marahan niyang pinapalo yung likod ko para pakalmahin ako.
"Yan kasi. Sa susunod wag mong pagsabayin yung pag tawa sa pagkain." Yumuko siya sa harap ko.
Naiiyak ako. Ang sakit ng dibdib ko.
Kumuha siya ng tissue. Yumuko siya at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko pati na rin sa bunganga ko. Ilang sigundo siyang napatitig sa akin.
Yumuko nalang ako habang kinakalma ang sarili ko.
"Bakit ang ganda mo parin kahit umiiyak?" Tinignan ko siya ng masama at sinapak sa tagiliran.
Lumayo siya sa akin habang tumatawa. Balak ko siyang batukan pa pero pinigilan niya ako.
Hinawakan niya yung kamay ko at niyakap niya ako.
"Ano ba Ethan?!" Pinalo palo ko yung dibdib niya.
Tumingin lang siya sa mata ko at ngumiti.
"Why are you like this, Angel?" Binitawan niya ako mula sa pagka yakap.
"Mababaliw na ata ako." Napasabunot siya sa buhok niya.
Ano bang ginawa kong mali?

BINABASA MO ANG
Life Imitates Art
Teen FictionLIFE IMITATES ART Paano mo malalaman kung kuntento kana sa kung anong mayroon ka? "You're a beautiful soul... but can't you see my knees... on the ground?" Realizing the beauty of life takes time and some people. Life is like art. It's so precious...