LIA 6

1 0 0
                                    

Chapter 6
Accident

Angel's POV

'Angel S. Langit, nasaan ka ngayon?! Kanina pa kita hinahanap. Tumawag ako kanina kay tita pero wala ka daw sa bahay niyo.'

Sumandal ako sa pader. Galit na naman siya.

"Ethan ayos lang ako pero nasa hospital ako ngayon." Sumilip ako kay Art na natutulog ngayon sa hospital bed.

'What happened to you?' Tanong niya agad.

"Walang nangyari sa akin. May nasaktan kasi ako kanina kaya kami nandito."

'Ikaw may nasaktan? Kailan pa nangyari yun? Sumobra na ata ang pagiging sadista mo.' Parang hindi niya makapaniwalang tanong.

"Kanina lang." Simple kong sagot.

Gumalaw si Art kaya napatingin ako sa kanya. Ang sarap ata ng tulog niya.

'I'm sorry Angel pero hindi kita mapupuntahan diyan ngayon. Nasa airport kasi kami ngayon para sunduin si tita Jane, biglaan.'

"Psh! Wala naman akong sinabi na pumunta ka dito. Oo nga pala, ba't wala ka kanina?"

Naglakad ako papunta sa upuan na nasa tabi ng kama ni Art. Tahimik akong umupo doon.

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

'I was just busy.'

Tinapik ni Art yung balikat ko. Sumenyas siya nang 'tubig'. Tumango ako bago tumayo.

"Ethan I need to go."

'Okay, text me when you're home.' Pinatay ko na yung tawag at bumuntong hininga.

Nagsalin ako ng tubig na galing sa water jug. Pinaupo ko muna siya sa kama bago pa inumin ng tubig. Narinig ko pa siyang umaray kaya napangiwi ako.

"Ayos kana ba?" Tanong ko sa kanya pagkatapos niyang uminom ng tubig. Hindi parin ako umaalis sa tabi niya.

Tumango lang siya bilang sagot.

"Ahm sabi ng doktor pwede kana daw lumabas pagkagising mo."

"Talaga ba?" Tanong niya.

"Oo, mag dahan dahan ka lang daw sa pag galaw dahil baka bumuka yang stitch sa may tiyan mo." Bigla siyang tumayo mula sa pagkahiga.

"Okay then I should go now."

Tumalikod na siya at naglakad palayo. Naiwan ako dito habang nakatunganga sa likod niya.






Walang gana akong naglakad papasok ng bahay. Pagka bukas ko palang ng pinto naka tikim na agad ako ng malakas na sigaw.

"Anak!!!!!!!" Sigaw ni mama habang tumatakbo papalapit sa akin. Napaatras ako dahil bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Ano ka bang bata ka!" Humiwalay siya sa pinalo palo ako sa balikat. "Bakit ngayon ka lang umuwi? Kanina pa kami nag aalala sa'yo."

"Ma, wala yun! May nangyari lang bigla kaya natagalan ako sa pag uwi." Ngumiti ako sa kanya.

"Kain nalang tayo, gutom na po kasi ako eh." Tapos nagpa cute ako sa kanya.

Pinalo niya ako ulit.

"Ikaw talagang bata ka! Akala mo madadaan mo ako sa pagpapa cute mo? Tawagin mo na si Aldrin at yung tatay mo at makakain na!" Kunwaring galit pa siya ah.

Napatawa nalang ako sa isip ko.

"Sige po! Love you ma!" Nag flying kiss ako sa kanya bago tumakbo papunta sa kwarto ni Aldrin.

Pagkatapos naming maghapunan, umakyat ako sa kwarto ko para maligo. Ilang minuto pa ay lumabas na ako sa banyo. Kinuha ko ang cellphono ko mula sa bag ko at tumayo sa may balkonahe ng kwarto ko.

Tumanaw ako sa labas ng bahay namin. Madilim na ang paligid at tanging makikita lang ay ang ilaw na nanggagaling sa mga poste ng ilaw sa daan.

Binuksan ko ang cellphone ko at sunod-sunod itong tumunog.

Nakalimutan ko palang mag text kay Ethan pagka uwi ko. Siguradong nag aalala na naman yung mokong na yun.

Angel nasaan kana?

Slr kanina pa ako naka uwi

Bat ngayon ka lang nag reply?

Nakalimutan ko sowiii
Papasok kana bukas?

Hindi ko pa alam

Ah ganun ba? Kbye.

Nakipag usap pa ako sa mga kaklase ko sa group chat namin para mag tanong kung may kailangan pa kaming ipasa bukas.

Ilang sandali pa ay binaba kona ang telepono ko. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at humiga sa kama.

Pumikit ako hanggang sa maka tulog.

Ring! Ring!*

Na alimpungatan ako sa tunog. Inangat ko ang cellphone ko na nag vavibrate sa kamay ko.

Hindi ko pa pala ito nabibitawan.

Kinusot ko ang mga mata ko at tinignan kung sinong tumatawag. Unknown number?

Ugh! Bakit naman may tatawag sa akin eh madaling araw palang. Pinatay ko yung tawag.

Peste! Bahala ka diyan kung sino ka man! Ayaw na ayaw ko na ginigising ako. Pumikit ulit ako.

Pero maya maya nag ring na naman ang cellphone ko.

Walang hiya. Pinindot ko ang telepono ko.

"Ano?!" Bungad ko.

'I just like to say na may atraso ka pa sa akin.' A husky man's voice said.

Ha? Halaman.

"Sino ka ba? A-at kailan pa ako nagka atraso sa'yo?"

'Hindi mo ba ako naaalala? Add this name to your contacts, Art Lee Flinn. Remember that name, babe, because that's gonna be the only guy who will make you cry from now on.'

Life Imitates Art Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon