Chapter 7
DealAngel's POV
Gising na gising ang diwa ko pagkatapos niyang sabihin yun. Umupo ako sa kama at tinignan ang telepono.
"Art Lee Flinn... Do you think I'm scared?!" Sigaw ko sa nakapatay na cellphone.
"Anong tingin niya sa akin, matatakot nalang bigla sa mga salita niya? Huh?!!" Gigil kong bulyaw.
Nagulat ako nung bigla akong nakarinig ng hampas sa pinto ng kwarto ko.
"Hoy Angel!!! Magpatuloy ka naman! Sa umaga hinahayaan kitang mag ingay pero wag mo akong bwesitin sa gabi!!!!"
"Opo nay! Sorry, love you, muah muah!" Sabi ko bago tumawa.
Kinaumagahan maaga akong pumasok sa school. Syempre ayaw ko ma-late na naman noh! Tsaka gusto kong kausapin si Ethan para malaman ko ang nagawa kong kasalanan sa kanya.
Pagkarating ko sa school agad ko siyang hinanap sa kanyang upuan kaso wala siya eh.
Malas naman oh!
Padabog akong umupo sa upuan ko habang hinihintay na dumating si Ethan. Nakapalumbaba ako habang nakatingin sa orasan.
Mayron pang 30 minutes bago magsimula ang klase kaya tinulog ko nalang muna tutal kulang tulog ko dahil sa mokong na Art na yun.
Pinag overthink ba naman ako magdamag.
Speaking of Art, ang ganda ng upo niya sa upuan niya. Nakaupo siya sa likod ko. La lang napansin ko lang naman siya kanina bago ako umupo.
Parang hindi naaksidente eh.
Nagsimula na ang klase at wala parin si Ethan hanggan sa natapos ang buong morning class.
Saan kaya yung loko na yun?
I'm getting worried.
Ano na ang gagawin ko ngayon? Mag-isa na naman ako.
Punta nalang kaya ako doon ulit sa may puno? Ah, wag nalang pala baka makadisgrasya pa ako ulit.
Hmm...
Habang nag-iisip ako bigla nalang nasa harapan ko si Art. Ginagawa ng lalaking toh?
"Ano?" Masungit kong tanong sa kanya.
Ngumisi siya.
"Come with me, babe." Sabi niya sabay hawak sa pulsuhan ko.
"Hep! Hep! Teka lang muna! Hindi ko pa sinabing gusto kong sumama sayo, sino ka ba sa tingin mo ha?! At wag na wag mo nga akong matatawag na babe! Hindi tayo talo noh! Ang gusto ko ay tao hindi kagaya mo na mahilig sa hipon!" Sunod-sunod kong sigaw sa kanya. Tumalsik pa nga ata laway ko kakasigaw.
Ew! Pero ayaw ko nga sumama sa lalaking ito.
"Tama na ang dada. Sumama kana sa akin, may kasalanan ka pa diba?" Giit niya. Hinila niya na ako palabas ng classroom. Pinagtitingin kami ng lahat ng mga estudyante na nadadaanan namin lalo na ang mga kamay namin.
Aray naman! Hindi naman lang magdahan-dahan. Ang higpit pa ng paghawak niya sa akin.
Ilang sandali pa ay natagpuan ko ang sarili ko na nasa harapan ng puno kung saan siya nahulog sa akin. Ay! Este, nahulog pala sa lupa.
"Are you willing to compensate for what you did to me?" Tanong niya habang nakapamaywang.
Wow, ha?!
"Wala akong pera. Maglalakad na nga lang ako mamaya pauwi eh." Nakapamaywang ko ding sabi.
Aba! Papatalo ba ako sa kaartehan nitong lalaking toh.
"Wala naman akong sinasabi na babayaran mo ako sa pamamagitan ng pera eh." Umayos siya ng tayo. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa habang nakangisi ng nakakaloko.
Napahawak ako agad sa sarili ko.
"Hindi ako bayarang babae! Makaalis na nga!" Aalis na sana ako nung bigla niya akong ginuyod papalapit sa kanya.
Magkayakap kaming dalawa ngayon.
"Hindi katawan mo ang hanap ko, for now." Bulong niya sa tainga ko.
Ramdam ko ang hininga niya sa aking tainga. Tinulak ko siya nung natauhan na ako sa sinabi niya.
"Anong hindi pa sa ngayon?! So gagamitin mo din ang katawan ko para lang mabayaran kita?! No way! Over my dead body!" Dinuro-duro ko siya.
Napatawa siya ng malakas.
"You're so funny, babe!"
"Shut up! Ano ba talaga kailangan mo sa akin?" Medyo huminahon na ako.
Ayaw kong ma-high blood noh!
Huminto siya sa pagtawa.
"I want you to be my nurse hangga't hindi pa ako gumagaling." Kumindat siya sa akin.
Nurse?
"Mukhang magaling ka naman na. Baliwala lang naman sayo yung sakit."
Bigla siyang umaray kaya agad akong nag panic. Nakita kong dumudugo ang parte ng uniform niya kung saan may sugat siya.
"Kaya mo pa? Dalhin na kita sa clinic." Nagaalala kong sabi sa kanya.
"Hindi ko kailangan magpunta sa clinic. Ikaw lang ang kailangan ko. You're my nurse, remember?" Napatango ako sa kanya nang hindi nag-iisip. "Then, treat me, nurse babe." Ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
Life Imitates Art
Teen FictionLIFE IMITATES ART Paano mo malalaman kung kuntento kana sa kung anong mayroon ka? "You're a beautiful soul... but can't you see my knees... on the ground?" Realizing the beauty of life takes time and some people. Life is like art. It's so precious...