Chapter 5
SkirtAngel's POV
Ano bang ginawa kong mali?
Weird.
Iniwan lang ako mag isa ni Ethan sa cafetiria kahapon. Ang sama talaga nung lalaking yun! Hmp!
Nandito ako ngayon sa classroom. Hinihintay ko ang pag dating ng first subject teacher namin ngayong araw.
Sinarado ko ang librong binabasa ko kanina. Napatulala nalang ako at napasinghap. Ano na kayang gagawin ko?
Salamat naman hindi ako na late ngayon. Hay.
Hindi pa kami nag kakausap ni Ethan simula kahapon. Galit ba yun sa akin?
Pumasok si Mia sa classroom kasama ang isang lalaki. Rinig kong nag bubulungan yung mga kaklase ko. Di ko nalang pinansin.
Hmm.. gwapo, matangkad, may postura, ano paba? Ah tama! Bad boy, mukha siyang bad boy. Tsk tsk! Para namang linta itong si Mia makakapit sa balikan nung boyfriend niya. Kala mo naman may balak siyang putulin yung balikat niya.
Ay wag! Kawawa naman!
Napalongon nalang ako sa bintana nung biglang dumapo yung tingin nung lalaki sa akin.
Ba't ngayon lang pumasok yung lalaki? Tapos na kaya ang first semester.
Sabagay..
At paano siya naging boyfriend ni Mia na ganon nalang kadali?
Sabagay..
"Class, as you all know may bago kayong kaklase." Tumili lahat ng babae pero syempre ako tahimik lang.
Lumingon ako sa gawi nila Mia. Parang naka jackpot siya ah. Alam mo yung tipong nanalo siya sa lotto. Proud na proud eh.
"Mister Flinn, kindly introduce yourself." Utos ni ma'am Fara Saio. Yung teacher na nag dala sa akin sa detention room. Siya rin yung adviser namin.
Tumayo yung boyfriend ni Mia at hindi na nag abala pang pumunta sa harap.
"Art Lee Flinn. Be nice to me."
Wow! Just wow!
Nagsitilian yung mga babae kasama na doon si Mia. Syempre ako chill lang dito sa upuan ko para cool tignan, pero napapatili na din ako sa isip ko.
Okay, may dating siya.. ehem
Bumalik si Art sa pagka upo sa tabi ni Mia. Si ma'am Fara naman pinatahimik yung mga kaklase kong babae pati na rin yung mga ibang lalaki.
Nag discuss si ma'am tungkol sa biography ng tao. Malamang wala na namang nakinig. Naririnig ko pa ngang humihilik yung katabi kong lalaki.
Buti nalang natapos din agad yung klase sa umaga. Binangungot pa nga ata yung katabi ko. Namatay ba naman sa gitna ng gera. Tsk!
Pumunta akong mag isa sa garden ng School pagkatapos kong kumain ng lunch. Hindi ko rin naman kasi nakita si Ethan doon.
Umupo ako sa pinaka dulong bench kung saan may mga puno na naka paligid dito. Binuksan ko yung librong dala ko.
Malamig ang simoy ng hangin at tahimik ang paligid. Sumandal ako sa bench at pumikit. Damang dama ko yung bugso ng hangin na dumadampi sa mukha ko.
Sa wakas! Katahimikan.
Naramdaman ko na gumagalaw ang isa sa mga puno na nasa likuran ko. Sinilip ko kung anong mayron doon. Hindi ko masyadong makita kung anong mayron kaya napakitangala ako.
May tao palang natutulog sa taas.
Isang galaw nalang ata mahuhulog na siya. Tumayo ako at lumapit sa tapat ng puno.
"Hoy! kung sino ka man, gumising ka na bago pa maputol yang mga buto buto mo!" Naka tingala ako habang sumisigaw. Mukhang walang narinig.
Parang tanga lang.
Napatingin ako sa palda ko habang nag dadalawang isip. Sinubukan kong akyatin yung puno. Isa lang ang masasabi ko, hindi ako marunong umakyat ng puno isama mo pa itong sagabal na palda na toh.
"Nasaan ba kasi si Ethan?! Siya yung marunong dito eh." Singhal ko sa sarili ko.
Biglang gumalaw yung puno habang nakakapit ako dito. Parang nilindol yung puno, napabitaw ako at nahulog sa damuhan.
Aray naman!
Napapikit ako sa sakit ng katawan ko. Naramdaman ko ding may naka dagan sa akin. Buti nalang hindi simento ang pinag bagsakan ko.
Teka, sino ba itong naka dagan sa akin?
"Your skirt is too short. Gusto mo bang sinisilipan ka?" Imbes na manlaki ang mga mata ko, naningkit ito sa inis.
Ah talaga ba?
Sinipa ko siya ng malakas dahil sa inis. Ang awkard ng posisyon namin kanina, nakakahiya OMG! Tumayo ako at inayos yung sarili ko. Mainly my skirt.
"Ano naman sayo kung maikli itong palda ko? Imbes na ito ang suot ko, nagpapasilip na ako agad?! Kung gusto ko yung edi sana pumunta nalang ako sa bar at makipag sayawan doon sa mga manyak na lalaki-."
"A-aak!" Sigaw niya.
Naka upo si Art na parang namimilipit sa sakit.Hawak hawak niya yung parte ng katawan niya na sinipa ko kanina.
Lumuhod ako sa harapan niya. Nilapat ko ang kamay ko kung saan siya nasasaktan.
"Ayos ka lang?" Tanong ko.
Hindi siya tumingin sa akin. Naka tingin lang siya sa tiyan niya.
Dahan dahan niyang tinanggal yung kamay niya. May bahid ng dugo sa kamay at t-shirt niya.
"Fuck!" Bulong niya.
Humigpit yung pagkahawak ko sa kamay niya na may dugo. Napapikit ako ng sandali habang nag iisip.
"Ca-can you w-walk?" Nanginginig ang boses ko.
Tumingin siya sa akin na may pagtataka. Tinitigan ko lang siya hanggang sa tumango siya bilang pagsang-ayon.

BINABASA MO ANG
Life Imitates Art
Teen FictionLIFE IMITATES ART Paano mo malalaman kung kuntento kana sa kung anong mayroon ka? "You're a beautiful soul... but can't you see my knees... on the ground?" Realizing the beauty of life takes time and some people. Life is like art. It's so precious...