Chapter 2

7.2K 189 61
                                    

Kamryn Lavina's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kamryn Lavina's POV

I had the weirdest dream. In my dream, there's this guy goes by Sly Redentor. He had a huge sword and a blue aura, a literally visible aura. There was a monster that looked like a huge bat, or more like a demonic creature.

Sapo-sapo ko ang ulo ko nang magising ako.

"Gabi na," sambit ko sa sarili ko nang wala akong makita pagbukas ko ng mga mata ko.

"Karmy, gising ka na ba?" boses ni Sath. Bigla akong napaupo. Lumiwanag ang paligid. Nakita ko si Sath na nakatayo sa may tabi ng pinto. Siya ang nagbukas sa ilaw ngayon lang.

"Sath! Kanina ka pa ba nandito? Wala namang ibang tao rito nang dumating ka?" tanong ko agad sakanya. I just said that it was the dream but here I am asking if she saw 'Sly Redentor'.

"Walang ibang tao rito kanina. Kaso pagdating ko bukas ang pinto mo at nakita kitang tulog sa kwarto," nakangiting sagot niya. Kuwarto? Last thing I remember is me laughing out loud! Maybe I was really dreaming. Maybe I was really really tired.

"Ah. Mukhang nakatulog nga ako pagkauwi ko," alanganing sagot ko. Pero paano nga ba ako nakauwi bukod sa eksena sa panaginip ko?

"Baka gutom ka na, nagluto ako ng soup kanina lang. Let's eat before it gets gold," aya ni Sath sa akin. Tumango ako at tumayo. Sabay kaming lumabas mula sa kwarto ko saka dumiretso sa kusina. Habang naglalakad nga lang ako ay parang may nanonood at nagmamasid sa akin.

"Here you go!" nagsalin si Sath ng sopas sa isang mangkok.

"Thanks, Sath," sambit ko sakanya bago nagsimula sa paghigop sa sopas. Oo nga, gutom na ako.

"Karmy, will you take some time off school?" tanong ni Sath habang kumakain ako. It hasn't been long since Grampz and I transferred here.

"Baka marami akong mamiss sa school. At ayaw ko ring maiwan ng mag-isa rito," sagot ko agad. Nilalaro ko na tuloy ang sopas sa harapan ko dahil naisip ko na 'mag-isa' nalang talaga ako. Doon ko lang napansin na iba na ang damit na suot ko. I was wearing a black sweatshirt during the funeral and now, I'm wearing a black shirt.

"Ah, pinalitan ko yung sweatshirt mo. Sinubukan kitang gisingin kanina para sabihang magpalit muna. Basa kasi iyong sweatshirt mo. Tinakbo mo ba ang ulan kanina?" tanong niya.

"Ulan? Ah oo, nga pala, umulan," sagot ko dahil ayaw ko namang mapansin niya na parang may mali sa akin.

"Nagpaalam nga pala ako sa dorm na dito ako matutulog ngayong gabi. Nag-aalala kasi ako kaya pumunta ako rito," sagot niya. Diretso ang tingin niya sa direksyon ko pero hindi sa akin ang tingin niya kundi ay ang bandang likuran ko. Automatic tuloy akong napalingon. Wala namang ibang tao sa likuran?

Magsasalita sana ako pero nakaramdam ako ng hilo. Sa sobrang hilo ko ay nahulog ko ang kutsara ko. Agad na tumayo si Sath para lapitan ako.

"Are you okay? Can you walk? Halika, humiga ka na muna sa kwarto mo," sabi niya habang inaalalayan niya akong tumayo. Tumango lang ako at sumunod sakanya. I'm so thankful that I have Sath. Actually, I've never had best friends before. Odd again, but seems like every time Grampz and I move, I immediately 'forget' the previous places we've been. Grampz and I moved every time he found one interesting thing (like historic items, books, places) in a place. I didn't argue because I actually like it. It was like our adventure.

The LEGENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon