Kamryn Lavina's POV
Nagsisihulugan na ang mga puting rosas habang ibinababa ang kabaong ni Grampz. Hindi ko mapigilang umiyak. Humigpit ang hawak ko sa puting rosas na dapat ay ihuhulog ko rin. Unti-unting bumabalik sa alaala ko ang mga oras na kasama ko si Grampz. Si Grampz ang nagpalaki sa akin. Bata palang ako nang mamatay ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente. Lalo akong nalungkot nang maisip ko na magiging alaala nalang si Grampz sa akin.
"Condolence, Kamryn iha," lapit ng isang matandang babaeng kaibigan ni Grampz. Yumakap ako pabalik sakanya at nagpasalamat. Unti-unti rin namang lumapit ang mga kapit bahay, classmates ko sa school at mga teachers sa akin para ipaabot ang mga condolences nila.Sa huli ay hindi ko naihulog ang hawak kong puting rosas. Ayaw ko pang magpaalam kay Grampz. I just can't... believe that I'm officially an orphan.
"Karmy, condolence," lapit sa akin ni Sath, classmate at best friend ko. Sa totoo lang, siya lang pinakamalapit sa akin sa buong lugar na ito. Maliit lang naman itong town. Halos lahat ng tao magkakakilala, halos lahat ng classmates namin magkakasundo. Siguro'y maliban sa akin. Hindi ko maintindihan pero parang takot na takot akong maging malapit sa ibang mga tao. Mas gugustuhin ko pang magbasa nalang ng libro kaysa sa lumabas.
"Salamat Sath," hinawakan ko ang kamay niya. Tinignan niya ang hawak kong puting rosas.
"Sasamahan na kita pabalik sa bahay ninyo. Okay?" nag-aalalang sabi niya sa akin.
"Sath, magpapaiwan muna ako dito saglit. Gusto ko lang munang mapag-isa," pinilit kong ngumiti.
"Sure ka ba?"
"Yes. Tatawagan kita pagkauwi ko," I assured. Niyakap niya ako bago siya nagpaalam sa akin.
Naiwan na talaga akong mag-isa sa tapat ng puntod ni Grampz. Dumating narin ang magtatabon ng lupa sa butas. Habang tinitignan ko na napupuno ng lupa ang butas ay lalo akong naiyak. Maybe staying here was a bad idea after all.
Grampz said that when I was around nine, my parents died. And it's weird that I can't remember a lot about them. I just have some faint memories of their voices, but not their faces. Good thing that I have a picture of my parents. Grampz is a librarian and according to him, we moved three times since my parents' accident. The doctors said that maybe it was too painful for me that's why I have parts of my memory that's blank. This right now, is painful, but I don't want to forget Grampz.
Hindi ko na alam kung gaano ako katagal nakatayo sa harap ng puntod ni Grampz. Inaayos na kasi nila ang lapida e.
"Grampz, if you see my parents in heaven, please hug them for me. Promise, Grampz, aalagaan ko ang sarili ko. Hinding hindi ko kakalimutan ang mga bilin mo," saad ko sa harap ng lapida. Yumuko ako para ilapag ang hawak kong rosas.
"Kamryn?" isang boses ng lalaki ang tumawag sa pangalan ko. Nagsitayuan ang mga balahibo ko at parang lumamig ang paligid ko.
"Kamryn?" ulit ng boses. Doon na ako tumayo ng husto para lingunin ang tumatawag sa akin.
BINABASA MO ANG
The LEGENDS
FantasyThis is a story of a teenage girl who turned out to be a part of a legendary tale from a different dimension.