Sly Redentor's POV
I love her so much that's why I held her so tight. I don't plan on letting her go ever that's why I hugged her until I crushed and killed her myself.
Did I do this?
If...
"Sly, hey!" Boses iyon ni Elle. I grunted.
"Rhys, do your thing." Si Aric naman.
Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Let alone open my eyes.
Where am I?
Isang palad na kasing lamig ng yelo ang dumapo sa ulo ko. Ramdam na ramdam ko ang paglipat ng enerhiya ni Rhys sa katawan ko.
"Tinakot mo kami. Akala namin hindi ka na magigising?" nakangiting sabi ni Kankei nang buksan ko ang mga mata ko.
"Nandito ka sa loob ng palasyo ng Cedany," sabi agad ni Godwin bago pa ako makapagtanong. Umupo ako at hindi ko na naramdaman ang pangangalay ng katawan ko.
"Kamryn? Did you save her?" tanong ko. Namamaga ang lalamunan ko pero kailangan kong malaman kung panaginip lang ang lahat ng iyon. Lalo na 'yung parteng ako ang pumatay sakanya.
They just looked at each other. I licked my lips before speaking again. "Where is Kamryn?" matalim kong tiningnan si Aric.
"Sly, halos tatlong buwan ka nang nakaratay diyan sa kama. Malakas ang lason na kumalat sa katawan mo. At si Kamryn..." Elle's voice trailed.
"Namatay siya nang kalabanin ninyo si Drakan," diretsong sabi naman ni Rhys. Elle glared at Rhys.
Hindi ko na napigilan ang nagbabadyang mga luha ko. At the back of my mind, I knew that I was asking foolish questions. I saw her die. I killed her for fucks sake. It was the right thing to do, she said. It was just a wishful thinking.
"Lalabas na muna kami. Dadalhan nalang kita ng tubig mamaya. O gusto mo bang kumain?" tanong ni Elle. Umiling ako. Wala nang nagsalita ni isa sakanila. Diretso lang ang tingin ko sa bintana. The whole view is covered in snow. I was asleep that long huh? Why didn't I just die too so that—
"Kung namatay ka rin, mapupunta sa wala ang sakripisyo ni Kamryn, Sath at Halkyone." Naglakad si Aric sa harapan ko. He didn't leave.
"Yeah. You're not on my place," mahina pero madiin na sabi ko. Hinayaan ko lang na tumulo ang mga luha ko.
"We all lost her."
"Alam ko...at unfair na bakit...siya..." Hindi ko magawang matapos ang gusto kong sabihin. What the fuck, so I'll never really see her again?
"Kamryn has always been special to me, like family. You loved her since the beginning at nagpapasalamat ako sa lahat ng ginawa mo para maprotektahan siya. At kami narin. Dahil kay Kamryn, bumabalik na ang kapayapaan sa buong Rakkis," dire-diretsong sabi ni Aric. Hindi ko naman alam kung ano ang gusto niyang tumbukin.
BINABASA MO ANG
The LEGENDS
FantasyThis is a story of a teenage girl who turned out to be a part of a legendary tale from a different dimension.