Kamryn Lavina's POV
I wanted to stay and grieve more but it really wasn't an option—Sly Redentor made sure to point that out. Ilang oras na kami dito sa gumagalaw na tren. Gusto ko nang bumaba mula rito, maghanap ng isang sulok at mag-iiiyak. I know that I could've done something to save Sath. I can't help but blame Sly! I trusted his words kahit na alam ko na marami siyang itinatago sa akin. Why? Because Grampz said I should trust him—no other names mentioned.
And the fact that...he was hugging Elle earlier made me angrier.
"Nandito na tayo," bungad ni Sly sa amin ni Aric. Hindi ko napansin na huminto na pala ang tren at kami nalang ang naiwan dito sa loob.
"Let's go," tawag ni Aric sa akin. Tumango ako at tumayo para sundan siya palabas.
The moment I stepped out of the train, my mouth went dry. Nasusunog ang buong Dargis. Ihinanda ng mga kasama ko ang mga sandata nila. Maraming nagtakbuhan patungo sa direksyon ng binabahan naming tren. Naestatwa ako sa kinakatayuan ko kaya't halos makaladkad ako ng mga nagtatakbuhang mga tao. Buti nalang at may humila sa akin.
"Move." Malamig ang boses ni Sly. He teleported me to where the others are—near the town's huge gates. Ayon kay Aric, Dargis ang susunod na pinakamalaking town after Cedany.
"Mauuna kami ni Sly sa loob. Hintayin niyo nalang ang senyas namin," sabi ni Kankei sa buong grupo. Tumabi si Elle sa amin ni Aric at handa naman nang sumugod si Sly at Kankei sa loob.
We nodded in unison. I feel uneasy. My stomach is churning by the site. I can smell flesh...burning. I was a part of this before but somehow, everything I see and feel right now is new. It's as if na lahat ng ala-alang dala ko ngayon ay parte lamang ng imagination ko mula sa isang librong binasa ko na. There is something missing.
"Ok ka lang?" Humarap si Aric sa akin.
"Kung mas maaga tayong dumating, baka hindi ganito ang inabot ng Dargis," naiiyak na sabi ko. Umiling si Aric.
"Hindi naman natin alam ang nangyayari. We got here as fast as we could. Kahit na nag-teleport tayo, baka naubos ang lakas natin doon at baka kabilang na tayo sa mga biktima," maagap na sagot niya.
"He's right," narinig kong sambit ni Elle. Ni hindi ko rin magawang tingnan ng diretso si Elle. She's making me uneasy!
Habang naghihintay ay tinulungan naming tatlo nina Aric at Elle ang mga sumasakay na survivors para maiwasan ang panic at stampede. After few minutes, the train left. Ipupunta ulit ng tren ang mga survivor sa gubat na sa kung saan naiipon ang karamihan. I heard it was fortified since it was part of Cedanian army's training ground.
Si Sly ang bumalik para tawagin kaming tatlo. His aura is faint but I can still see it.
"Wala na bang survivors sa loob?" tanong ko agad kay Sly. Umiling siya.
BINABASA MO ANG
The LEGENDS
FantasyThis is a story of a teenage girl who turned out to be a part of a legendary tale from a different dimension.