Sly Redentor's POV
Hinding-hindi ko makakalimutaan noong una kong makilala si Kamryn. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mata niyang puno ng determinasyon at katapangan. Kamuntikan niya akong mapatay pero napatunayan ko ang sarili ko sakanya nang ipakita ko ang parte ng Taigon na nakuha ko kay Drakan. Namukhaan agad iyon ni Halkyone kaya't naniwala si Kamryn sa akin.
Hinulma ni Halkyone ang kristal at inilagay iyon sa dalawang amulet. Isa kay Kamryn, at isa naman sa akin. Kamryn bounded it through her spells. She's the chosen what that's why I guess she knows a lot. She's capable of anything. She has the abilities of the different tribes. Ayon kay Halkyone, hangga't nasa mabuting kamay ito, hindi ito magdudulot ng kapahamakan. Nalaman ko rin na sibukang sirain ng mga anghel ang kristal pero nabigo sila kaya't ang nagawa lang nila ay itago iyon. Itago sa isang lugar na kung saan ay hinding-hindi makakaapak ang sino mang normal na nilalang. Pero hindi normal si Drakan. He was the first in a million years to earn the power he has now. He was a forsaken wizard engulfed by greed and ambition—dark ones.
"Sly! Magpahinga muna tayo!" sigaw ni Sath. Mukhang hindi na nila ako mahabol. Huminto ako. Wala paring malay si Karmy. Mukhang nasa may gitna na kami ng Khanduras. Puro puno ang nasa paligid namin. Mabundok ang Khanduras at iilang mga baryong wasak na ang nadaanan namin kanina.
"Venduka, kailan magigising si Karmy?" baling ni Sath sa hindi mapakaling si Venduka.
"Hindi ko alam," sambit lang nito. Inayos ko ang pagkakahawak ko kay Karmy.
"Sa tingin ko ay nangyayari ulit ang nangyari noon. Nawawala ang mga Legends at kailangan natin silang hanapin ulit," dagdag ni Venduka nang walang nagsalita sa amin ni Sath.
"How sure are you?" tanong ko. Inilabas ni Venduka ang isang libro. That's the Tome of fucking Secrets.
"Siya lang ang makakasagot nito." Itinuro ni Venduka si Karmy. Napabuntong hininga ako. Of course. Karmy needs to wake up. We need to figure this out.
"Shhhh." Sinaway ko ang dalawang kasama ko na nag-uusap. Sinenyasan ko si Sath na umupo.
"Protect her." Inilapag ko si Karmy sa tabi ni Sath bago dahan-dahang naglakad patungo sa pinanggagalingan ng ingay. Parang isang malaking bulto ang palapit sa amin ngayon.
Ihinanda ko ang mga espada ko.
"Nagbalik na sila," narinig kong anunsyo ni Venduka. Nilingon ko siya. Itinuro niya ang direkyson na tinutungo ko. Maya-maya ay may limang malalaking parang manyika na lumantad sa harapan ko. They're life size versions of Venduka's voodoo dolls.
Nilagpasan ako ng mga malalaking manyika. Siguro'y dalawang beses ang laki nila sa akin. Nilapitan nila si Venduka at parang nag-uusap sila kahit na wala naman akong marinig na kahit ano.
"Nakita nila si Kankei hindi kalayuan dito," baling ni Venduka sa amin ni Sath.
"I'll go," sambit ko. Tumango ang dalawa.
BINABASA MO ANG
The LEGENDS
FantasyThis is a story of a teenage girl who turned out to be a part of a legendary tale from a different dimension.