*****
'Tok! tok! tok!'
malakas na kalabog ng pintuan sa kwarto ni Steven ang kaniyang narinig. Napabangon siya mula sa higaan. Bahagya niyang binuksan ang pintuan dahil naka boxer shorts lamang siya.
"Goodmorning bugoy!" nakangiting bungad ni Cassie.
"Bakit bikbik? Ang aga aga mo mangbulabog ah" napapakamot pa siya sa ulo.
"I have something to show you~ tadah!" pinakita nito ang hawak na dvd's at cd's na hawak.
"Oh ano nanaman yan?"
"Uhmm, nabili ko sa computer shop malapit sa simbahan, eh diba ito yung mga favorite mo? Merong Nirvana, Eraserheads, Eminem--"
Nahinto sa pagsasalita si Cassie ng biglang kinuha ni Steven ang mga hawak nito.
"Oy!!"
"Okay, bye" pinagsaraduhan niya nalang ng pinto ang kaibigan.
"Steven! Ano ba?! Buksan mo to!" saad nito habang kinakatok ang pinto.
"Oh, bakit?"
"Ibalik mo sakin yan!"
Hindi niya na pinansin ang dalaga kahit panay ang katok nito sa pinto, nilagay niya ang mga nakuha sa loob ng kaniyang closet at dumeretso ng banyo upang mag ayos papuntang eskwelahan.
Lumabas siya ng kwarto at bumaba ng hagdan natanaw niya ang nakasimangot na kaibigan. Masama ang titig nito sa kaniya. Pero binigyan niya lang ito ng mapang asar na ngiti. Kaya lalong nainis ito.
"Oh nandiyan ka na pala anak, halina't kumain na kayo. Kanina ka pa hinihintay ng bestfriend mo, para kang babae kumilos daig ka pa ni Cassie"
"Ma, syempre hindi naman po kasi babae yan, tignan niyo po kung umupo parang lalaki tapos nakasumbrero pa, at higit sa lahat naka rubber shoes pa suot ang school uniform ah" sabi nito at sabay hatak ng upuan sa dining table. Tumayo naman si Cassie ng masama pa rin ang tingin. Pero bigla niyang binago ang ekspresyon at pilit na ngumiti.
"Hay nako Tita, yung anak niyo kasi kaya napakabagal kumilos kasi po, nag papahid pa po yan ng kung ano ano sa mukha, baka nga pati feminine wash meron siya sa banyo niya" pang aasar niya sa kaibigan.
"Tsss!" naningkit ang mga mata ni Steven sa sinabi ng kaibigan. Akmang maghahampasan na sila pero naawat agad sila ng ginang.
"Oh oh, tama na yan at baka kayo eh magkasakitan nanaman, kumain na kayo at baka ma-late kayo sa klase niyo. Nga pala Cassie kailan uuwi ang parents mo?"
"Uhmm, hindi ko po alam e"
"Aba'y kinalimutan na ata nila na may anak sila dito sa Pilipinas ah? Ilang araw na silang wala?"
"Mag iisang buwan na po"
"Buti si Lola mo eh naaalagaan ka, iniwan ka nila sa matanda na dapat e responsibilidad nilang alagaan ka"
"Bikbik, hayaan mo aalagaan kita" may laman pa ang bibig na sabi ni Steven. habang taas baba naman ang mga kilay nito.
Aalagaan? Hmmmf! Parang totoo tsss!
"Ah talaga ba? Salamat"
"Joke lang, syempre naniwala ka naman agad? Sabi ko na nga ba e, may gusto ka sakin"
"Ang kapal mo ah! Feelingero mo!"
Natawa naman si Steven.
"Ma, bukas po pala baka late ako makauwi"
"Bakit? Ano nanaman yan?"
"Ah kasi po birthday po ng ka teammate ko"
"At saan naman?"