Chapter 7

248 18 3
                                    

"kailangan ko ba talaga gawin yun?" tanong ni Cassie sa kaibigan.

"Cassie, anong gusto mo? Nang dahil sayo hindi tayo pumasa lahat?" sabi ni Miko sa dalaga.

"Pero kasi~"

"Teka Miko, di ba pwede i-edit out nalang yang scene na ya" sabi ni Sophie.

"Sophie, alam ko boyfriend mo si Steven, pero sana naman pare pareho tayo maging professional dito, kasi hindi biro to. Hindi lang grades niyo ang nakasalalay dito. Kaya please lang, saka yun ang highlight ng story, tas tatanggalin mo?"

"Okay fine"

Simula ng mag start ang prcatice nila hindi na kailan man kinausap o pinansin ni Sophie si Cassie. Naging kaugali na rin nito ang mga kaibigan.

Kita sa mga mata nito ang pag se-selos kapag magkaeksena sina Steven at Cassie.

"Mahal na mahal kita, aking prinsesa" yumakap si Steven kay Cassie.

"Mahal din kita~"

"Okay cut! Very good! Next scene na tayo" saad ni Miko.

Lumapit naman agad si Sophie sa nobyo at agad itong hinila palayo kay Cassie.

Lahat ay binabati ang galing ni Steven sa pag arte habang tahimik lang si Cassie. Alam niyang napag kakaisahan siya ng mga ito. Ang iba naman ay may sariling mundo.

Nakaramdam siya ng pagkauhaw, pumunta siya sa gilid ng stage at kinuha ang walang laman na bote ng tubig. Pero nagulat siya ng biglang may mag alok sa kaniya.

"Here" nagulat siya sa lalaki na may dalang gitara.

"Huh?"

"You need water right?"

"U-uhmm, thanks"

"Jeffrey" saad nito at lumakad na ito palayo sa kaniya. Nag taka naman agad si Cassie.

Ang weird naman nun

Akmang iinumin niya na ng biglang may magsalita na ikinagulat niya.

"Don't drink that" kinuha ni Steven ang hawak niyang inumin.

Kumunot naman ang noo ni Cassie.

"Ano ba? Akina yan"

"No, basta ka nalang tumatanggap ng kung ano sa taong di mo pa kilala? Paano kung may nilagay siya diyan na pwedeng ikasama mo"

"And so? Ano bang pakielam mo? Wala naman di ba?"

"May pakielam ako kasi kaibigan kita"

"Ows talaga?"

Naglaban ang mga mata nila, tila ba nagbabatuhan ng linya sa kanilang isip.

Bigla naman ang pag dating ni Sophie kaya lalong nairita si Cassie at nag walk out.

Dumating ang araw ng muli silang magkausap ng masinsinan ng kaibigan. Nagkasalubong sila loob ng kanilang village. Sa simula ay nag mamatigas pa ang dalawa hanggang sa unang nag salita si Steven.

"Hoy!" Sigaw nito pero inirapan lang siya ng dalaga.

Aba'y talaga hindi ako pinapansin

"Hoy! Bikbik!"

"Don't call me that! We're not friends!"

"Ang arte mo talaga, kala mo ba maganda ka?"

"Huh! Ang kapal ng mukha mo talaga! Bakit?! Akala mo din ba gwapo ka ha?!" gigil na sabi ni Cassie sa kaibigan.

"Oo bakit? Eh may gusto ka nga sakin diba?"

"Dati yun! Hindi na ngayon!" prangkahan na sabi niya sa kaibigan. Agad naman lumapit si Steven sa kaniya.

"Ah ganun?" tila bang nag hahamon ang binata. Napaatras naman si Cassie.

"O-oo! Akala mo ba kawalan ka sakin? Wala akong pakielam kung ayaw mo ko pansinin! Mag sama kayo ng mga bago mong toxic na kaibigan"

"Wala ka na ba talagang gusto sakin huh?"

Lalong nakaramdam ng kaba si Cassie ng lumapit pa ito sa kaniya

"W-wala! Ahhh!!" sa kakaatras niya hindi niya napansin ang bato kaya naman na out of balance siya mabuti nalang at mabilis siyang naagapan ni Steven, halos 3 inches nalang ang pagitan ng kanilang mukha.

"Talaga?"

Naamoy niya ang mabangong hininga ng binata.

Oh lord help me

"O-Oo! Nandidiri nga ako kapag nakikita ki~"

Hindi na natuloy ni Cassie ang sasabihin ng bigla siyang dampian ng halik ni Steven sa kaniyang labi. Madiin ang pagkakahalik nito. Nanlalaki ang mata ni Cassie sa gulat. Tila sasabog ang kanyang dibdib sa nararamdaman.

Tumagal ng ilang segundo ito at saka inayos ni Steven ang dalaga. Sabay kinindatan at iniwan siyang gulat pa rin sa pangyayari.

Talaga bang hinalikan niya ako?

Hinawakan niya ang kanyang labi sabay talikod at kinilig. Tumakbo siya papunta sa kaniyang kwarto at doon binuhos ang kasiyahan. Ngunit napalitan din ito agad ng lungkot ng maisip nya ang...

*Teka, sa tingin ko ginagawa niya rin yun kay Sophie, hindi lang isa kundi paulit ulit! Argggh! Bwisit! Di dapat ako matuwa, tama na! Tama na!*

*****

Habang nagpapahinga si Steven sa kaniyang kwarto bigla niyang naalala ang ginawa sa kaibigan.

Bakit ko ba ginawa yun?

Saad niya sa isip habang nakaupo at nakalagay ang dalawang kamay sa kaniyang batok habang kumukuyakoy ang paa habang nakadekwatro.

Bigla naman natigil siya sa pag iisip ng biglang pumasok ang kaniyang ina na walang katok sa pinto.

"Ma!"

"Oh bakit? Pasok ako ah"

"Ma naman eh, di man lang kayo kumatok, paano po kung may ginagawa ako"

"Bakit? Ano bang gagawin mo na dapat hindi ko makita? Meron ba?"

"Eh~ w-wala po" napapakamot nalang siya sa ulo.

Pilyang tinitigan naman siya ng ina.

"Hay nako, binata na talaga ang anak ko. Hinay hinay lang nak ah, baka magka apo ako agad niyan" natatawang sabi ng ginang.

"Ma!?"

"Joke lang, pero nak matanong nga kita, seryoso to ah"

"Ano po yun?"

Naupo ang ginang malapit sa kaniya

"Uhmm, kasi ano kanina habang naglilinis ako nakita ko kayo ni Cassie sa labas"

"Po?!"

"Yes anak, nakita ko yung ginawa mo. Kaya medyo nabahala ako kasi diba girlfriend mo si Sophie? Tapos bestfriend mo naman si Cassie? Kasi anak, ayoko mangielam sana sa lovelife mo ah, pero as your mother gusto ko maging mabuti kang lalaki, kaya kung sa tingin mo anak eh naguguluhan ka kung sino gusto mo mas maiging mamili ka na sa kanila, mahirap kasi yan nak, baka makasakit ka ng damdamin ng babae at alam kong ayaw mo yun"

Hindi agad nakaimik ang binata, bagkus pinakinggan niya lang ang ina.

"Pero Ma, paano po yun? Naguguluhan po kasi ako, bestfriend ko lang po talaga si Cassie ang kaso lang po everytime na may nakakasama or nakakausap po siyang ibang tao o lalaki e nag seselos po ako pero hindi ko po dapat maramdaman yun pero naramdaman ko, and kanina po, hindi ko po sinasadya ang pag halik sa kaniya, nabigla po ako kasi po sabi niya sakin ayaw niya na po sakin"

"What do you mean ayaw niya na sayo?"

"Umamin po sakin si Cassie na may gusto siya sakin noon, pero binaliwala ko po yun kasi mag bestfriend po kami at ang alam ko po sa sarili ko si Sophie po ang gusto ko. Pero bakit po ganun nalang po nararamdaman ko? Ang big deal sa akin lahat pag dating sa kaniya"

"Alam mo nak, nasa iyo ang desisyon kasi ikaw ang nakakaramdam niyan, sundin mo ang puso mo, basta ang payo ko lang sayo, wag mong hayaan na may masasaktan kang babae, kahit sino sa kanila"

*****

The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon