Chapter 4

218 21 4
                                    


Nagpunta si Cassie sa isang lugar kung saan marami ang street foods. Bago siya umuwi dumaan siya sa favorite tambayan niya kapag mag isa lang siya.

"Kuya, pwede po ba pa order ng tatlong fishballs samahan niyo na rin po ng kwek kwek, yung may special sauce po ah" naupo siya sa may tabi ng puno, habang hinihintay niya ang order ay natanaw niya ang dalawang bata na nag aaway. Nakita niya na binato ng lalaking bata ang babaeng bata ng hawak nitong laruan. Umiiyak ang babae. Bigla naman siyang may naalala.

[Flashback]

"Bakit mo ko sinusundan?!"

"Eh nakita ko na lumabas ka sa bahay namin e"

"Anong bahay?"

"Doon oh!"

"Ah, dun ka ba nakatira, kinuha ko lang yung bola ko"

"Ako nga pala si Steven, ikaw?"

"Ah, ako nga pala si~"

Kinuha ni Steven nag bolang hawak ni Cassie.

"Hoy! Ibalik mo yan sakin!" Hinabol niya ito hanggang sa nadapa siya at umiyak.

Nilapitan siya ni Steven para tulungan ngunit hinawi nya ang kamay nito at saka tinulak at tumakbo siya ng mabilis palayo

[End of Flashbak]

"Miss, okay lang bang tumabi?" bumalik lang siya sa wisyo ng may marinig siyang boses ng lalaki.

"H-ha? Ay! Oo sige"

Umupo ito sa tabi niya, gwapo ang lalaki. moreno, matangos ang ilong, mapungay ang mga mata, at maganda nag mga labi. Para itong isang modelo sa aura nito.

"Palagi ka ba nandito?" nagulat siya ng kausapin siya nito.

"H-ha? Uhmm, hindi naman"

"Ah I see, uhmm ako nga pala si Kobi"

"Cassie" nakipag kamay siya sa lalaki.

"Sir Kobi, heto na po order niyo" sabi ng waiter.

"Salamat Manong Jerry"

" Ah walang problema basta ikaw Sir nanginginig pa! Sige ho, maiwan ko po muna kayo medyo madaming costumers ngayon e"

"Sige ho, salamat ho"

Umalis na ang waiter.

"Gusto mo?" inalok niya si Cassie.

"Ah may inorder din ako"

Dumating na ang inorder niya at kumain na rin siya katulad ni Kobi.

Sa una ay naiilang siyang makisama sa lalaki, pero habang tumatagal gumagaan ang loob niya dito. Hanggang sa nakapalagayan niya na ito ng loob, naging komportable na siya kapag kausap ito. Nabuo agad ang friendship nila sa maikling panahon. Simula kasi ng mabawasan ng oras si Steven sa kaniya ay nabaling ang atensyon niya kay Kobi.

Ilang araw ang lumipas ng bigla nalang siya pinuntahan ni Steven.

"Bik! Kamusta?" Sumampa ito sa higaan niya.

"Okay lang! Masaya"

"Ay grabe, masaya ka talaga di mo ko nakikita ah"

"Eh bakit choice ko ba yun? Diba busy ka?"

"Tsss! Madalas kaya kitang hinihintay tuwing uwian, tapos palagi ka daw nag mamadali umuwi"

"Syempre iba na kasi ang buhay natin ngayon, lalo ka na may girlfriend ka na, syempre siya ang mas priority mo, and fyi okay lang sakin yun! Promise!"

The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon