Chapter 3

282 30 7
                                    

Umaga ng papasok na si Cassie sa eskwelahan.

"Mag ingat ka ha, oh eto yung baon mo. Pasensya ka na apo ah"

"La, okay lang po wag niyo na po akong bigyan meron pa naman po akong natitirang pera eh sa inyo nalang po yan" saad niya sa kanyang lola.

"Pero--"

"Sige po la, ba-bye na po! Kita nalang po tayo mamaya!" Nakangiting naglakad palayo si Cassie dala dala ang kanyang bag pack. At habang naglalakad siya isang busina ang kaniyang narinig.

"Bikbik!"

Inirapan niya lamang ito at patuloy lang sa paglalakad

"Bik! kung meron man akong nagawang mali para di mo ko pansinin e sorry! Basta sorry!"

Huminto sa pag lalakad si Cassie at humarap sa kaibigan. Tinignan niya muna ito at saka unti unting gumuhit nag ngiti sa kaniyang labi.

Natuwa naman si Steven dahil sa wakas ay pinansin na siya nito.

"Bati na tayo?" Tanong ng binata.

Tumango tango nalang si Cassie at saka sumampa sa motor nito. Binigay naman agad ni Steven ang helmet. Madalas sa balikat kumakapit si Cassie pero nagulat siya ng biglang hatakin ni Steven ang mga kamay niya at pinulupot sa kanyang beywang.

"Baka malaglag ka" hindi man ito humarap sa kaniya pero ramdam niya ang saya na nadarama ng mga sandaling iyon.

Shocks! Ang bango bango niya!

Lihim naman kinikilig si Cassie.

*****

Nakatambay sa locker room ang buong team ng basketball players habg nga pe-prepare sa practice.

"Mahal mo ba talaga?" tanong ni Steven sa kaibigan na si Caloy.

"O-oo naman syempre, liligawan ko ba kung hindi?" sabi nito habang nakaupo sa bangko.

"Bahala ka sa buhay mo pag nabuko ka diyan, wag mo kami idadamay" sabi ni Steven habang nag susuot ng sapatos.

Sa gitna ng kanilang usapan may mga nag hihiyawan at pumipito ng tignan nila kung ano ito nagulat si Steven, bigla siyang napatayo. Nahawi niya bigla si Caloy.

Si Sophie.

"Hey, Steven can I talk to you for sec?"

"S-sure?" takang sagot niya at sumunod siya dito sa paglalakad palabas ng locker room. Pinaghahampas niya naman ang mga kasamahan na patuloy na namamangha sa nakikita. At sumilip pa ang mga ito para lang panoorin sila.

"Uhmm, gusto ko lang sana mag sorry sa ginawa nila Danica at Chi kay Cassie"

"Ah, okay na yun tapos na rin naman"

"Pakisabi nalang sa kaniya sorry talaga"

"N-no problem" nauutal na sabi niya, hindi naman niya matanggal ang ngiti sa mga labi habang kausap ang dalaga.

"Uhmm, s-sige I have to go" nailang naman si Sophie sa binata.

"S-sophie t-teka lang!" pahabol niya

"Bakit?"

"Uhmm, kakapalan ko na mukha ko~ is it okay if I invite you to have a dinner with me?"

"H-ha?" halatang hindi nito inaasahan ang sinabi ng binata.

"Woooaaaahh!!!" narinig nila ang mga lalaki na nakasilip sa nakaawang na pinto. Pinandilatan naman ni Steven ang mga ito.

Natatawa naman si Sophie.

The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon