Hindi maialis sa isip ni Cassie ang sinabi ng kaibigan.
Nag i love you siya sakin. Anong ibig sabihin nun? Mahal niya ko? Bilang ano? Syempre kaibigan. Yun lang yun Cassie. Yun lang yun.
Aligagang nag aayos ng gamit si Cassie sa kaniyang kwarto ng makarinig siya ng hiyawan sa labas ng kanilang bahay. Sinilip niya ito sa bintana at nakita niya ang kaniyang ina na nakikipagtalo sa isang babae. Minabuti niyang bumaba para malaman ang nangyayari.
"Ang kapal ng mukha mong pumunta ka pa dito? Ano bang kailangan mo sa akin ha? Diba nakuha mo na ang gusto mo? Ano pa ba ha!?"
"Mommy, sino siya?" tanong niya sa ina. Nagulat ang ginang nang makita ang anak.
"Cassie, pumasok ka sa loob"
"Siya na ba?" saad ng babae.
"Tumigil ka! Cassie pasok sa loob!"
Gulong gulo naman si Cassie sa pangyayari. Nakita niya rin kung paano sila pagmasdan ng mga kapitbahay nila. Lumapit din ang ina ni Steven na si Luzy.
"Isabel? Anong ginagawa mo dito?" At nagulat siya ng makilala ni Luzy ang babae.
"Wow, magkapitbahay rin pala kayo, parehong ahas" saad ni Isabel.
"Pwede ba, umalis ka na kung ayaw mo tumawag ako ng pulis!" saad ni Pia.
"Ako pa tinakot mo? Ako naman ang may karapatan na gawin yun sa inyo. Inagawa niyo ang lahat sa akin. Ngayon it's pay back time, gusto mo sabihin ko sa mga nandito kung ano ang mga baho niyong dalawa?"
"Isabel, please tama na" pakiusap ni Luzy sa babae.
"Ma? Ano pong nangyayari dito?" Nakisama na rin si Steven, sumulyap rin ito kag Cassie.
"Wow, anak mo Luzy? Kanino? Kay Fernando din? Oh, hindi na ko magtataka kasi yang Nanay mo makati din tulad nitong babaeng to. Pareho silang ginamit ni Fernando, ang saya diba?"
"Anong pinagsasabi niyo"
"Anak hijo, wag na" pinigilan siya ng ina na makielam sa usapan.
"O sige na, masyado na kong maraming nasabi. Pero hindi pa tayo tapos Pia. Babalikan pa kita" pagkatapos nito ay sumakay na ito sa magarang sasakyan at umalis.
Nag aalalang tumingin si Pia sa anak. Alam niya na ang susunod na mangyayari, nangingilid ang luha sa mga mata ni Cassie habang nagpapallit palit ang tingin niya sa kaniyang ina, kay Luzy at Steven. Hinawakan naman siya ng kaniyang lola pero ilang sandali pa'y lumapit ang kaniyang ina at niyakap siya nang mahigpit.
"I-I'm sorry anak" humagulgol ang ginang habang mahigpit na niyayapos ang anak.
"Sabihin niyo po na hindi po totoo yun"
Hindi siya sinagot ng ina bagkus yakap lamang ang ginawad nito sa kaniya.
Hinarap naman ni Luzy ang anak.
"Ma?"
Naghihintay siya sa sasabihin ng ina.
"Tara" inakay niya ang anak pabalik ng bahay. At doon isiniwalat ang katotohanan.
"Ma, ano po ang totoo? Kapatid ko po ba si Cassie?"
Huminga ng malalim si Luzy at saka tumingin sa anak.
"Hindi, hindi kayo magkapatid"
"Eh ano po yung sinasabi nung babae? Bakit yung Daddy ni Cassie yung sinasabi na tatay ko?"
"Yes, totoo na tatay mo si Fernando, pero hindi kayo magkapatid ni Cassie"
Hindi naman makapaniwala si Steven sa narinig. Napaupo siya at hinagod ang mukha gamit ang dalawang palad.
"Ma? Naguguluhan po ako"
"Anak, hindi totoong ina ni Cassie si Pia. Anak siya ni Isabel. Yung babaeng kanina na nandoon"
"Po? E-eh paano po n-nangyari yun?"
"Naanakan ako ni Fernando sa pagkadalaga. hindi kami kasal, pero sila ni Isabel ang kasal, habang si Pia ang naging kabit. kaibigan ko si Pia, alam niya ang nagyari sa amin ni Fernando pero hindi siya nakinig sa akin, nilaban niya si Fernando at yun na nga't nagtagumpay siya sa gusto niya. Nanganak si Isabel, at kinuha ni Fernando ang bata, si Cassie. Ang buong akala ni Pia ay wala nang pakielam si Isabel sa kanila, dahil matagal ng hindi nagparamdam sa amin si Isabel. At hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya ngayon"
"Pero Ma? Paano po si Cassie? Hindi niya po alam ang tungkol doon"
"Yun ay hindi na natin problema, trabaho na iyon ng kaniyang ina"
"Pero~"
"Anak please, wag mong sasabihin ito kahit kanino. Lalo na kay Cassie. Anak, maawa ka sa ninang Pia mo. Mahirap ito sa kaniya"
"Pero Ma, mas mahirap kay Cassie ang pangyayari"
"Hindi mo na yun problema anak, ang magandang gawin mo ay protektahan si Cassie. Hayaan mong si Pia ang magsabi sa kaniya ng buong katotohanan"
Hindi nalang umimik si Steven, gusto niyang puntahan ang kaibigan at sabihin ang totoo. Pero gaya nga sabi ng kaniyang ina, wala siya sa position para paghimasukan ang problema ng pamilya ni Cassie. Pero susundin niya ang payo ng ina , na aalalagaan at poprotektahan niya ang kaibigan lalo na't may namumuo ng pagtingin siya rito.
*****
Ilang araw ang lumipas, napansin niyang umiiwas si Cassie sa kaniya. Pero hinayaan niya na lamang ito, marahil masama pa rin ang loob nito sa mga pangyayari.
"Tol, bakit bakipagbreak ka kay Sophie?" Tanong ni Caloy.
"Bakit? May dahilan pa ba ako para mag stay sa kaniya matapos ang ginawa nila kay Cassie"
"Wow, kinikilig naman ako, totohanan na ata yan ah"
"Kailan ba ako nag sinungaling?"
"Yung sabihin mong kaibigan labg tingin mo kay Cassie"
Nahinto siya sa sinabi ng kaibigan.
"Oh diba? Tama ako? Ang tagal ko nang napapansin yan nuh, indenial ka lang bro. Paano, iba kasi ang sinasabi ng isip mo sa puso mo. Ramdam ko ang pagmamahal mo kay Cassie bro. Kaya natatawa nalang ako sayo kapag nagkakaaway kayo ni Cassie e"
"Hindi ko nga alam ang gagawin ko e, alam niya kasi magkapatid kami pero hindi"
"Eh di sabihin mo na yung totoo sa kaniya, kahit naman kasi anong tago pa niyan, malalaman niya rin yun, kaya kung ako sayo, sabihin mo na bago pa mahuli ang lahat"
Napagtanto niya na tama ang kaniyang kaibigan. Kaya naman nag decide siyang kausapin si Cassie ng masinsinan.
*****
"Cass wait!" Hinabol niya ang babae at pinigilan niya ito sa pagmamalakad.
"Bakit?"
"Kailangan kitang makausap"
"About saan?"
"About sa atin"
"Steven, tanggap ko na ang lahat kaya, wala na tayong dapat pag usapan pa, siguro matututunan ko din na tawagin kang kuya"
"Hindi, Cass~ pakinggan mo muna ako~ uhmm, hindi kita kapatid"
Kumunot naman biglang ang noo ni Cassie.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Hayaan mo kong gawin sayo to" mabilis na nasakop ng bibig ni Steven ang mga labi ni Cassie. Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga sa pagkabigla. Natigil lamang ito ng tapikin siya ni Caloy.
"Bradeeeer! Tama na yan, mapudpod mo yan, sana masyado ng madaming nakatingin sa inyo" ani ni Caloy. At binitawan na rin ni Steven ang dalaga.
Nagulat siya sa sumunod na aksyon ni Cassie. Isang malakas na sampal ang natamo niya sa dalaga at sabay ang pag alis nito.
Sapo sapo nya naman ang panga habang pinagtatawanan naman siya ni Caloy. Binatukan nya naman ang kaibigan at saka sinundan si Cassie.
*****