Chapter 5

199 22 3
                                    

Tanghali na ng magising si Cassie.

"La, goodmorning po" bati niya sa kaniyang lola.

"Aba'y mabuti naman at nagising ka na, kanina nandito si Steven hinahanap ka"

"Ah" hindi man lang siya nagpakita ng interest sa sinasabi ng matanda.

"Magkaaway nanaman ba kayo apo?"

"Hindi po"

"Pansin ko sa inyo palagi kayong aso't pusa. Baka isang araw kayo ang magkatuluyan niyan"

Nasamid naman si Cassie sa sinabi nito.

"Lola, imposible pong mangyari yun"

Nangingiti naman ang matanda at saka bumalik sa lababo at pinagppatuloy ang pag huhugas ng pinggan.

"Goodmorning po!" bati ng ina ni Steven na may dalang malaking mangkok.

"Ay tita! Pasok po kayo" saad ni Cassie at kinuha ang hawak nito.

"Aba'y maraming salamat Luzy at nag abala ka pa" sabi ng lola ni Cassie

"Ay, walang ano man po, pinagluto ko ho kasi si Steven ng sinigang eh siya po kasi nag request niyan, paborito daw po kasi ni Cassie"

Natigilan si Cassie sa ginagawa.

"Aba'y napakabait na bata naman talaga ni Steven, pakisabi nalang din sa anak mo salamat"

"O sige ho mauna na ko at may pasok pa ho kasi ako sa trabaho, uhmm Cassie anak, kung may problema kayong dalawa sana lang maayos niyo agad ah, wag niyo nang patagalin" ngumiti ang ginang at saka umalis.

Napaisip naman si Cassie sa sinabi nito.

*****

Nagdesisyon si Cassie na pansinin na si Steven. Hindi niya malaman sa sarili kung bakit napapadalas nalang ang pagkainis niya sa kaibigan.

Ilang minuto nalang ay mag uumpisa na ang klase wala pa rin si Steven. Naroon na ang kasintahan nito na si Sophie.

Ano kayang nangyari dun? Bakit wala pa siya?

Pumasok na ang kanilang teacher at nag umpisa ng mag check ng attendance. Sakto naman ang pagdating ni Steven. Naupo ito sa tabi niya ngunit hindi man lang siya nito binati kahit ngiti man lang ay wala.

Nanibago si Cassie sa kaibigan. Hanggang matapos ang klase ay tahimik lang ito. Ni hindi siya nito nilingon. At sa pag tayo nito sa upuan ay nalaglag ang ballpen niya. Pinulot ito ni Cassie at hinabol sa kaibigan.

"Steven! Yung ballpen mo" sambit niya.

"Thanks" pagkakuha nito ay umalis din agad. Nawala ang ngiti sa labi ni Cassie ng maramdaman ang panlalamig ng kaibigan. Pero di siya pumayag. Sinundan niya ito at pinigilan.

"Pwede ba tayong mag usap?"

"Tungkol ba kahapon? Don't worry Cassie, simula ngayon hindi na kita kukulitin o guguluhin. Sorry nga pala ah naging pabigat ako sayo" matatas ang pag kakasabi nito kaya naiwan siyang tulala.

*****

"Uy! Pare himala, nag aya ka? Ano meron?" Tanong ni Caloy sa kaibigan.

"Wala naman, namiss ko lang" sabi ni Steven sabay tungga sa bote ng beer.

"Let me guess, wala na kayo ni Sophie noh?"

Tinignan siya ni Steven sandali, "hindi yon"

"Eh ano? Kilala kita pare, iinom ka lang kung may problema ka, now spill!"

The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon