Chapter 2

251 19 3
                                    

Bumaba si Cassie ng motor ng hindi nag sasalita. Ibinigay niya sa kaibigan ang helmet ng padabog at sabay tumalikod.

"Huy!" natatawang tawag sa kaniya ni Steven.

Nagpatuloy lang sa paglalakad si Cassie hanggang marating ang pintuan ng bahay nila. Sumalubong sa kaniya ang kanyang Lola at nakapagmano siya rito.

"Akyat na po ako la" matamlay na sabi niya sa matanda.

"Aba'y kumain ka na ba?"

"Oho"

Taka namang pinagmasdan siya ng matanda habang nag lalakad sa hagdan.

"Hi lola, mano po" nagulat na lamang ang matanda ng magsalita sa likuran niya si Steven

"Oh! Hijo, nagulat naman ako sa iyo" saad nito habang sapo ang dibdib.

"Si Cassie po?"

"Ayun umakyat na sa kwarto, aba't mukhang hindi kayo okay ah? Nagkapikunan nanaman ba kayo?"

"Ah hindi ho, siguro ho meron lang si Cassie, pagpasensyahan niyo na po siya ganun talaga kapag nireregla"

"Pilyo ka talagang bata ka, kaya hindi kayo magkasundo e. Oh eh, sige na't maiwan na kita. Babalik lang ako sa kusina, dito ka na mag hapunan"

"Sige po, akyat lang po ako"

Dumeretso siya sa kwarto ni Cassie at kinatok ito.

"Bik! Heto na mga CD's mo, babalik ko na sayo"

Alam niyang hindi siya pag bubuksan ng kaibigan kaya nag sinungaling nalamang siya.

Ilang segundo pa ay bumukas ang pinto.

"Ano?"

"Sungit mo naman"

"Nasan na CD's ko?"

"Uhmmm. Nasa bahay" kahit di siya nito pinapapasok sa kwarto ay kusa siyang pumasok at humiga sa kama.

"Namiss ko dito ah~ oh! Buhay pa yung gitara na bigay ko, ayos ah" tinuro nito ang acoustic guitar na nakasabit sa pader.

"Pwede ba tanggalin mo naman yang sapatos mo, sinampa mo pa sa kama ko!" Inis n. Sabi niya sa kaibigan at sabay tapik sa paa nito.

Tumayo naman na si Steven at sabay hagis ng unan sa mukha ni Cassie.

"Ano ba?!" reklamo nito.

"Ang sungit sungit mo kasi, di bagay sayo oy! Nagmumukha ka lalong lalaki e, may regla ka ba?"

"Ano?!" Bahagyang napangiti siya sabay bato ng unan sa kaibigan.

"Ayiiieee! Happy na siya ulit oh"

"Ewan ko sayo, lumabas ka na nga!"

"Teka, bukas ah samahan mo ko sa birthday ni Caloy"

"Oo na, sige na alis na" tinutulak niya ang kaibigan palabas ng pinto.

"Promise?"

"Oo!"

Pagkasara ni Cassie ng pinto ay napasandal siya sabay hawak sa dibdib.

"Haaay"

*****

"Hep hep hep! San ka pupunta?" Sita sa kaniya ng ina.

"Ma, diba po pinayagan niyo ko ngayon? Birthday po ng ka-teammate ko" depensa nito. Nakasuot siya ng pulang hoodie at blue new york yankees cap, pants at basketball shoes na regalo ng kaniyang ama.

The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon