Chapter 8

224 15 4
                                    

Hindi mapakali si Sophie habang nasa backstage iniisip niya ang mangyayari mamaya sa kanilang play.

"Hay nako Sophie kung ako sayo habang maaga gawan mo na ng paraan para di matuloy yung scene na yun" dikta ni Danica sa kaibigan.

"Oo nga friend, baka mamaya kapag nangyari yun bigla nalang mawala sayo si Steven. Nako, alam mo naman yung babaeng yun" dagdag ni Chi.

"Eh anong gagawin ko?"

"Hmmm, alam ko na" nakaisip si Danica ng gagawin upang hindi ito matuloy.

Habang nakaupo si Cassie, kinausap siya ni Sophie.

"Uhmm, Cassie excuse me lang ah. Okay lang bang magpatulong sayo? Wala pa kasi yung nasa production e, okay lang bang kunin mo yung ibang props na gagamitin sa storage room?"

"Ha? O-o s-sige saan ba?"

"Ah tara, tulungan nalang kita"

Sinamahan ni Sophie si Cassie papuntang storage room. At habang naroon sila, nakapwesto sina Danica at Chi sa gilid at pinapanood ang nangyayari. Sinenyasan nila si Sophie. At nakuha naman nito ang ubig nilang sabihin.

"Uhmm, Cassie wait lang ah kuha ako ng flashlight" paalam ni Sophie at saka umalis.

Habang nag hahakot si Cassie sa loob, bigla namang sinara ni Danica ang pinto at saka kinandado ito.

Akala ni Cassie ay babalikan pa siya ni Sophie pero tumagal ng sampung minuto ay wala pa rin ito. Doon na siya kinabahan at natakot dahil madilim ang loob ng storage room. Sinubukan niyang katukin ang pinto baka sakaling may makarinig sa kaniya. Naiiyaj na siya sa takot at lalo na't kailangan niya nang magmadali dahil ilang minuto nalang ay mag sisimula na ang program.

Habang nasa backstage si Steven, hinahanap niya sa paligid ang kaibigan.

"Miko, si Cassie nasaan?" tanong niya sa kaklase.

"Ha? Hindi ko alam, pinag practice ko siya kanina ng lines niya. Ewan ko, teka Junior! Pakihanap naman si Cassie" utos nito sa kasama.

Nag aalala na sila lalo na't sila na ang susunod na sasalang. Problemado si Miko dahil wala pa yung gaganap na prinsesa.

"Ano ba naman to, nasan na ba yun?"

"Miko! Wala e, di ko mahanap" saad ni Junior.

"Ano?! Teka, hindi pwede to"

"Anong nangyayari?" singit ni Danica.

"Wala si Cassie, patay tayo nito e sino gaganap na prinsesa?"

"Hmmm, nako talaga yung babaeng yun, sabi ko na nga ba ilalaglag niya tayo. Kasi naman eh, bakit siya piniling prinsesa"

"Danica pwede ba, hindi ito ang oras para manisi ka" depensa ni Steven.

"Oh eh sino gusto mong sisihin ko? Siya yung nanlaglag, oh eh kung hindi totoo bakit wala siya dito ngayon? Nasan siya?" mataray na sabi nito.

"Okay fine, wag na kayong magtalo. Sasabihin ko nalang na mag ba-back out ang team--"

"No Miko! Wag mong gagawin yan, di pwedeng lahat tayo madamay sa ginawa ng isa, bakit hindi mo kunin si Sophie, tutal kabisado niya naman ang script, diba siya ang assistant director" sabi ni Chi sa kanila.

Nag panggap si Sophie na hindi niya alam ang nangyayari.

"Sophie, halika dito" tinawag siya ni Miko.

"Ano yun?"

"Kabisado mo ba ang lines ni Princess Leona?"

Nagkatinginan sina Chi, Danica at Sophie.

"Uhmm, medyo bakit?"

"Oh sige ikaw na gaganap na Prinsesa"

"Ha?"

"Sige na, bilis. Mag bihis ka na, tayo na ang susunod"

Hindi naman mapakali si Steven sa nangyayari, kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kaibigan ngunit cannot be reach ito. Napansin naman ni Sophie ang pag aalala ng nobyo.

"Babe, are you okay?"

"Uhmm~ ano kasi si C-cassie~"

"Ayaw mo ba na ako ang pumalit sa role niya?"

"Ah hindi naman, nag aalala kasi ako kasi hindi niya basta basta gagawin yun, kilala ko siya"

"Babe, hindi din ako makapaniwala na gagawin niya yun, pero sana mag focus ka muna sa play, kasi baka mamaya ma mental block ka, at masisi ka din kapag pumalpak tayo" saad niya sa nobyo.

Dumating ang oras kung saan nag simula na ang play nila.

Nagtaka naman si Wendy ng hindi makita si Cassie sa stage.

Teka? Bakit hindi si Cassie ang gumanap na Princess Leona?

Takang saad niya. Inikot niya ang mga mata para hanapin si Cassie kaso nabigo siya.

Hanggang sa dumating ang scene kung saan mag hahalikan dalawang bida.

Lahat ay nag hiyawan ng dampian ni Steven ng halik ang mga labi ni Sophie. At doon natapos ang kanilang presentation. Nag standing ovation pa ang mga manunuod dahil sa last part.

"Grabe ang intimate ng scene na yun ah galing mo pare! Ikaw ang nagdala ng play" saad ni Caloy kay Steven.

"Ah salamat"

Sunod sunod ang papuri sa kanilang dalawa nang bigla naman natigil ang lahat ng makita nila si Cassie na nakatayo.

"C-cass?" Agad nilapitan ni Steven ang kaibigan. Ngunit hindi siya pinansin nito bagamat agad itong dumeretso kay Sophie at binigyan ng malakas na sampal.

Sa gulat ng lahat walang nakapagsalita. Pwera nalang kay Danica.

"How dare you!" sigaw nito sa kaniya.

"Tsss! Alam ko! Kayo ang may gawa kung bakit nakulog ako sa kwartong yun! Lalo ka na Sophie! Akala ko matino ka, akala ko iba ka sa mga demonyo mong kaibigan pero hindi pala, katulad ka rin nila! And how dare you na gawin sakin yun? Para lang ikaw ang gumanap sa role ko? Ang baba naman ng lipad mo"

"Anong karapatan mong sabihan si Sophie ng ganyan! Ang lakas naman ng loob mo! Kung hindi dahil kay Soohie hindi magiging successful ang play!" saad ni Chi.

"Eh gago ka pala e!" Hindi na nakapagpigil si Cassie at sinabunutan niya ito. Doon na sila nagkarambolan. Inawat naman sila ng mga kasamahan pati sina Steven at Caloy ay naki awat din. Binuhat ni Steven si Cassie palayo sa mga ito. Dinala ni Steven ang kaibigan papuntang rooftop ng building at doob sila nag usap.

"Bik, anong nagyari sayo?"

"Alam mo bang kinulong ako ng girlfriend mo sa storage room, alam mo ba kung bakit? Kasi gusto niyang ma solo ka niya, at natatakot siyang maagaw kita sa kaniya kaya niya ginawa yun, obviously ganun na nga, naging successful siya sa ginawa niya sakin! Pero napaka babaw naman ng dahilan niya, hindi para agawin kita sa kaniya, alam mo yan. At hindi kita para patulan, bestfriend lang kita. Yun ang totoo!" galit na galit na saad nito.

Napahagod naman ng buhok si Steven at saka humarap sa kaibigan.

"Wala ka na ba talagang pagtingin sakin?"

Napatigil si Cassie sa tanong nito.

"Ha?"

"Tinatanong kita? Gusto mo pa ba ako?"

"Ano bang pinag sasa~"

"Cassie! I love you"

*****

The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon