Chapter 17

122K 4.6K 2.1K
                                    

Chapter 17


"Dominick, may tanong ako..."

"Ano yun, Stormie?"

"Bakla ka ba?"

Muntik nang maibuga ni Dominick ang iniinom niyang iced coffee. Nataranta ako at kaagad siyang inabutan ng panyo saka hinagod-hagod pa ang kaniyang likod. Pinanlakihan niya ako ng mga mata.

"Ano?!"

"Nagtatanong lang naman ako..." I said and then pouted a bit.

Palingon-lingon pa siya. Nasa student's lounge kaming dalawa ngayon, nag-aaral para sa quiz namin sa Philippine Governance mamaya nang bigla nalang pumasok sa isipan ko ang tanong na iyon.

"Bakit... halata ba?" biglang humina ang boses niya.

I grinned. Then shook my head. "Yeah... a bit? Bakit? Ayaw mo bang ipaalam sa iba?"

"Gaga. Kita mong Junior ako. Dominick Ventura Jr. Hindi ako puwedeng maging bading."

Tumawa ako at sumimsim sa sariling iced coffee. Nang ilapag ko ito ay bumagsak ang tingin ko sa nagkalat na mga papel sa aming harapan.

"Akala ko talaga lalaki ka..."

"Bakit? Kasi interesado ako sa iyo?" umirap pa siya. Ngumisi ako sa inakto niya.

I am so full of myself. Akala ko nga talaga ay interesado siya sa akin. I thought he's one of those timid good boys who gets a crush on someone from time to time.

"Siguro. Kasi maganda ka," patuloy niya nang hindi ako sumagot. "Pero hindi maganda ang hanap ko eh."

I laughed again. My heart stung when I suddenly remembered Zechariah. Ilang buwan na din simula nang makabalik ako dito sa Pilipinas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkikita ulit. Sinubukan ko namang hanapin siya sa dati nilang inuupahan apartment pero ang sabi ng landlady nila ay matagal na daw silang wala doon. I also texted her old number, hoping she'd reply but I'm still not successful in contacting her.

Nag-aasaran pa kaming dalawa ni Dominick nang makarinig ako ng mga yabag palapit sa amin. Mabilis na inayos ni Dominick ang sarili. Nagseryoso ang mukha niya. Someone lightly tapped my shoulder. Napalingon ako sa kaniya.

"Hi! Stormie, right?"

I stared at the girl. She seemed familiar to me but I couldn't point my finger as to where I saw her before. Mukha namang nabasa niya ang iniisip ko dahil ngumiti siya sa akin.

"Classmate tayo sa major subject." She offered. "Ako si Treena."

My face flushed. Bigla akong nahiya na hindi ko man lang naalala ang pangalan niya gayong nasa iisang classroom lang pala kami.

"I'm sorry, Treena. I'm not really good with names..." I lied.

"It's okay." Hinila niya ang isang plastic na upuan at naupo sa harapan naming dalawa ni Dominick. "Can I join you guys?"

"Of course." Came Dominick's reply in a deep voice. Napalingon tuloy ako sa kaniya. Klaro naman kasi na pinipilit lang niyang palalimin ang kaniyang boses, para tuloy kunwari lalaki siya. Humagikhik ako sa aking isipan.

"Gusto ko talaga kayong lapitan dalawa eh, kaso nahihiya ako..." she said again with an apologetic smile.

"Mahihiya? Bakit ka naman mahihiya sa amin?" I asked, a little confused.

"Uhm... pakiramdam ko kasi hindi ko kayo ka-level," awkward siyang humalakhak. "Almost all the boys in our department are talking about you, didn't you know that?"

Deceret Series #1: His Lips On My NeckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon