Chapter 11
I gasped softly when I felt his tongue piercing on my own tongue. He stroked it lightly, teasing me, and then pulling back again. Hindi na ako mapakali at pilit itong hinahabol ng sarili kong dila.
"Elton!"
Para akong napaso sa balat niya nang may biglang tumawag. I immediately pulled away from the kiss, earning a groan of protest from him. I tried to get up, but he was quick to grab my arms. Ipinirme niya ako at mariing hinawakan at hindi pinakawalan.
"Philodemus..." I protested, my cheeks turning crimsom from extreme embarrassment.
"Stay." He growled in a low voice. Tapos ay naiirita niyang nilingon ang tumawag sa kaniya. "What?"
The guy chuckled. May kasama siyang dalawang babae. Yung isa ay yung babaeng nakita kong naninigarilyo sa kaniyang couch kanina.
"Pasensiya na, pare. Nakakadisturbo ba kami?"
"Isn't it obvious?"
Nang tumama ang tingin ng dalawang babae sa akin ay inilubog ko ang sarili kay Philodemus at itinago ang mukha sa kaniyang dibdib. His hands possessively wrapped around my waist. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"O, ba't nagtatago yan?" tawa na naman ng lalaking kausap niya.
"Ano ba kasing kailangan mo, Alex? Go away if you have nothing to say, you dumbass."
He chuckled in amusement by Philodemu's irate attitude. "May kotse dun sa labas. Naalala mo yung anak ni governor?"
I froze. Unti-unting lumuwang ang kapit ko kay Philodemus.
"Eh ano ngayon?"
"Mukhang may hinahanap, pare. Puntahan mo muna. Tsaka, hindi na namin pinapasok. Baka may makita pa..."
Philodemus sighed irritably. I took it as a cue to finally pull myself away from him.
Tumayo siya at tinulungan din ako. Nakatingin pa rin ang dalawang babae sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at tumikim. They shared a knowing look before shrugging and walking away.
"Susunod na kami," ani Philodemus habang pinapagpagan ang mga buhanging dumikit sa kaniyang pantalon.
"Sige, pare." The guy whose name is Alex also walked away.
"Dito ka lang," aniya.
I shook my head. "Sasama na ako sa iyo. That must be Shantel. Alas dyez y media na. She must be here to fetch me."
Tumitig siya sa akin nang ilang segundo bago tumango na para bang labag ito sa kalooban niya. Iniabot sa akin ni Philodemus ang kamay niya at walang kahirap-hirap na tinulungan akong tumayo. Tahimik lang akong naglalakad nang maramdaman ko ang kamay niya sa akin.
I glanced at him when he had captured my hands, intertwining his fingers with mine. It's odd how I felt suddenly calm, when I should be freaking out right now that he's holding my hands.
Doon pa ako tinamaan ng kaba nang makita ko mula sa di kalayuan ang kakambal kong nakatayo sa harapan ng sasakyan namin. I tugged my hands gently, trying to break free from Philodemus' grasp but instead of letting me go, mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
Nang dumako ang tingin sa aming dalawa ni Shantel ay bumaba ito sa magkahawak naming mga kamay. Nanuot ang guilt sa aking dibdib nang makita ko ang walang ekspresiyong mukha niya. Doon pa lamang siya nagpaskil ng ngiti nang makarating na kami sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Deceret Series #1: His Lips On My Neck
Ficção Geraldeceret (n.) latin word for "body to body" When Philodemus Elton Treveron's parents were slayed, the only thing that brings him closer to finding the killer is the gold crucifix chain around his neck. Fueled with vengeance, Elton swore to himself th...