TASTE FOUR

1.8K 33 4
                                    

Lumipas ang ilang linggo pero wala pa ring nagbago.Katulad ngayon ay naglalakad ako patungo sa bayan para maihatid itong  kakanin sa mga Vernadia.

At katulad nang nagdaang mga araw ay narinig ko na naman ang mga halinghing na nagpapainit ng aking ulo.

Iba na naman ang ka-anuhan niya ngayon.Isang babaeng morena naman ang aking natatanaw.Napapangiwi na lang ako sa nakikita.

Kawawang Ma'am Rochelle, mukang niloloko lang siya nang Vernadia na ito!

Nagulat tuloy ako ng nakita kong nakatanaw si Rigveda sa akin habang hinahalikan niya iyong babae.

Kinilabutan tuloy ako.Kaya't iniwas ko ang tingin rito. Alam niyang ako lang ang dumadaan rito kaya't malakas ang loob niyang gumawa ng milagro sa lugar na ito. Ilang beses ko na rin iyang nahuli na may kasamang ibat-ibang babae pero kahit kailan ay hindi naman niya ako pinagalitan.

Saka lang ulit ako na ginhawaan ng tuluyan na akong nakalayo mula sa mga ito.

"Pasensya ka na ulit ne. At hindi ito naisabay sa pagkuha ng mga paso kanina." Kinuha ni Manang Biday ang basket at inilapag sa kawayang mesa.

"Ay wala po iyon manang! Wala rin naman po akong ginagawa ngayon sa bahay atsaka balak ko rin pong tumulong sa pagpitas ng kape." Ngiting-ngiti ako rito.

Tuwing wala akong ginagawa ay narito ako sa taniman ng mga Vernadia upang mamitas o mag ani ng mga bunga.Nagkataong panahon ng kape ngayon kaya't mamaya ay baka may maiuwi akong bunga ng kape.Laking tipid din iyon sa amin ni mamang.

"Naku Magdalene at tignan mo iyang kutis mo.Baka mamula na naman iyan."

"Ay nako manang wala po iyon! Normal lang ho ito." Hindi ko na ito hinintay mag salita at tumakbo ako papuntang palayan patungo sa puno ng kape.

"Batang ito talaga! Halika at magpayong ka!" Tawa ako ng tawa hanggang sa hindi ko na marinig ang mga sinasabi nito.

Mas gusto kong narito ako sa napakalaking taniman ng Vernadia dahil dito ay walang taong tingin sa akin ay isang malas.

Tsaka halos lahat ng magsasaka at trabahador ay kaibigan ko na.Lahat sila mababait at masayang kasama.

Malayo pa lang ako naririnig ko na ang sigaw nila Edmar sa malayo lalo na ang tinig ni Merit.

"Magdalene! Narito kame!"  May kasama pang pagwagayway ng talong na hawak nila.

Tumakbo ako ng mabilis patungo sa kinaroroonan nila.

"Sabi ko na nga ba at ikaw iyan! Nagliliwanag ka sa gitna ng palayan lalo na't dilaw pa iyang blusa mo." Bungad ni Merit sa akin.

"Uy Magdalene tutulong ka ulit sa amin?" Mabilis akong tumango kay Edmar.

"Oo naman. Magtatagal ako rito. Diba pupuntahan natin iyong bukal na tinutukoy niyo?"

"Ayy! Oo nga! Maganda maligo roon at nakakapag- relax iyon dahil mainit talaga ang tubig! " tugon naman ni Merit.

"Mukang hindi ako makakasama. Mag dedeliver kami ni itang ng kamatis sa palengke mamaya." Kumamot pa ng ulo si Edmar.

" Sayang naman.Pero okay lang, alam naman ni Merit iyon."

"Ay hindi..Sige ihahatid ko kayo roon saka ako aalis.Ano okey ba?" Sabay kaming tumili ni Merit.

"Game ako diyan! " Sabay naming wika ni Merit.

Mabait itong si Merit at si Edmar. Mga kaibigan ko sila rito at tuwing dadalaw ako at pupunta rito ay sabay sabay kaming namimitas at nag-aani o kaya'y kumakain ng dala kong kakanin.

Taste HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon