Belle
Abala ako sa pagaayos ng sarili ko kailangan maging maganda ako sa pangin ng iba at ayokong makita nila na mukha akong may sakit.
Naglagay ako ng kaunting makeup tapos nagpahid ng lipstick saka sinuklay ang mahaba kong buhok nagulat ako pagkatapos ko magsuklay dahil may mga hibla ng buhok ko ang unti unti ng nalalagas marahil epekto ito ng sakit kong Cancer.
Humarap ako sa salamin at ngumiti ng sobrang tamis.
" Kaya mo yan Belle Cancer lang yan tao ka " sambit ko.
Kinuha ko yung mga hibla ng buhok na nalagas at itinago ko sa kahon na may susi tapos bumaba na ako ng kwarto ko.
Hindi ko muna sasabihin sa family ko yung nangyari sa akin ngayon dahil ayokong magalala sila sa akin lalo pa at hindi lang ako ang problema nila si ate stress sa work si kuya medyo may kaunting problema din sa girlfriend niya si mama stress sa gawaing bahay ganun din si papa stress sa office nila yung bunso masyadong pang bata para sa problema.
" Good morning nak " bati ni mama haba nagwawalis sa Sala.
" Good morning po sa inyo mama " bati ko ng naka smile.
" Magalmusal ka na Belle may pagkain diyan sa mesa ipinagtira ka namin "
" Mama si nasaan si kuya Chase Ate Marjorie papa at si Dave? " Tanong ko
" Ang papa ate Marjorie at si Dave nauna na ang kuya Chase mo naman nasa kwarto may kinuha lang " sagot ni mama.
Dumirecho na ako sa kusina para kumain ng almusal.
" Nak kumain ka ng marami at yung meds mo " paalala ni mama sa akin.
" Okay po ma noted! "
Ilang sandali pa bumaba na si kuya Chase galing sa kwarto niya.
" Kuya Chase aalis ka na? "
" Hindi pa hinihintay kita dahil ihahatid kita sa school ninyo "
" Commute lang ako kuya "
" No! Belle mahirap na isa pa may sakit ka baka mamaya mapaano ka pa sa daan "
" Okay kuya wait for me tatapusin ko lang ang pagkain ng almusal "
" Hintayin na lang kita sa terrace Belle "
Lumabas na si Kuya Chase habang ako pinagpatuloy ang pagkain ng almusal.
Pagkatapos ko kumain ng almusal kinuha ko na ang mga gamit ko saka lumabas ng bahay.
" Ma mauuna na kami ni Kuya Chase " sigaw ko.
" Sige nak magiingat kayo ni Kuya Chase mo "
" Ano Belle tara na? "
" Kuya Chase dahan dahan lang sa pagmaneho ng motor baka maaksidente tayo sa daan "
" Okay Belle "
Kinuha na ni Kuya Chase ang kulay pula niyang motor at dalawang helmet saka inistart ito sumakay na sa likod ni Kuya Chase saka niya pinaandar ang motor
Medyo kinakabahan ako habang nakasakay sa motor ni Kuya hindi kasi ako sanay na sumakay sa motor unt unti nawala yung takot ko hanggang sa nageenjoy na ako.
Mabilis kaming nakarating ni Kuya Chase sa school naroon na si Janella na nakatayo sa tapat ng gate bumaba na ako ng motor ni Kuya Chase.
" Hello Chase " bati ni Janella.
" Good morning Janella " bati ni Kuya kay Janella.
" Kuya mauuna na kami ni Janella sa loob "
" Magiingat kayo ni Janella at yung meds mo huwag mong kakalimutan " paalala ni Kuya.
BINABASA MO ANG
Destined With A Gangster
RomansBelle Mariano was diagnosed with Cancer, but she remained positive in life. Belle never thought she would meet Zeus Natividad the handsome but arrogant leader of the Black Scorpion Gang. Belle had just seen Zeus for the first time and was annoyed by...