"Sa tingin mo ba hindi rin ako nasaktan nung iniwasan mo ako ng hindi ko alam ang dahilan?"
"O-olwen...."
Nanginginig ang aking mga tuhod,ang bigat sa pakiramdam.
"Tapos na ako sayo",sabi niya.
Pinapanuod ko lang siya na umalis.Palayo sa akin,wala man lang akong magawa.
"Olwen!",tinawag ko siya pero di na siya lumingon sa akin.
Pero nagising ako dahil sa napakalakas na sigaw ng aking ina.
"Gising na,malelate ka na Lyrea!",sabi ni mommy.
"Opo!"
Umupo ako sa higaan at halatang basang-basa ang aking mukha kaya pinunasan ko bago pa nila mahalata.
Lintek na panaginip.
"Its just a bad dream Lyrea,dont worry."
20 minutes din bago ako natapos maligo at maguniform.
Wala na akong pake kung late ako o mapagalitan nung masungit na teacher ko.
Its been 1 month na rin pala simula nung first day of school.Parang ganun pa rin,walang something special na nangyayari.
Bumaba ako at nakitang kumakain na ng breakfast si mommy at daddy.
"Good morning po",sabi ko at nakipag- beso sa kanila.
"Good morning Lyrea."-daddy
"Kainin mo na yang breakfast mo."-mommy
"Oo nga pinaghirapan yan ng mom mo.May gayuma ehhh",sabi ni daddy sabay tawa ng malakas.
"Di ka lang marunong magluto Rey!Inggit ka sa akin ehh"
"Nainlove siguro ako sayo kasi yung mga luto mo may halong love potion nohhh?"
"Ewan ko sayo",sabi ni mommy sabay irap.
Ngumiti na lang ako sa kanila.Maswerte pa rin ako kasi may mga magulang ako na mahal na mahal ako.
Ang sarap panoorin ng lambingan nilang dalawa,parang tom and jerry lang ang peg kasi di rin nila kaya kung wala yung isa sa tabi niya.Ang cute lang hahahhaha kasing cute ko.
"May problema ka ba anak?",tanong ni mommy.
"Ahyy wala po,stress lang ako kasi may presentation po ako ngayon"
Napapikit na lang ako.Nagsinungaling nanaman ako eh,nahihirapan ako na magsinungaling sa mga magulang ko.Hindi kagaya yung mga iba na sanay na.Sanayan na lang ba?
"Goodluck Lyrea",sabi ni daddy.
"Kaya mo yan,fighting!"sabi naman ni mom.
Natawa na lang ako, parang mga teenagers palang sila ehh,parang barkada lang ang turingan.
Naganahan tuloy ako kumain.
Naalala ko tuloy yung mga kuwento nila sa akin,kung paano sila nagkakilala nung kabataan nila.College na sila nun at nililigawan na ni daddy si mom,nung sinagot na ni mommy si daddy dun na dumating yung mga struggles.Kasali kasi si daddy sa isang fraternity dati at parating napapahamak si mommy nun.Yun palang yung kuwento sa akin, every year yun eh.Pag nag 16 ako yun na yung last chapter ng love story daw nila nakakaexcite hahahahaha.
After 10 minutes
"Alis na po ako,masarap po yung breakfast thank you po",sabi ko.
Then umalis na ako at hinatid na ni manong sa school.
***
"Okay class igrugroup ko kayo by two's. Magbibigay ako ng topic at pag-uusapan niyo ni partner kung paano ididiscuss.Okay?",sabi ni teacher.
Parang lumalabas lang lahat ng sinasabi nitong teacher ko sa kabilang tenga ko.Ang laki ng impact nung panaginip sa akin.
Akala ko ba wala na?May natitira pa ba na katiting na feelings?Wala na diba?
Wala na dapat diba?"Olwen and Lyrea"
Omaygad.Tama ba yung narinig ko?Parang nagising ako nung marinig ko yung pangalan na yun.Yung pagkalutang ko nawala!
Nagwawala na yung mga butterflies dito sa tiyan ko!Bakit siya pa yung partner ko?!Owemjii!
Kanina nag-eemote ako diyan sa sulok tapos ngayon tumatalon sa saya ang puso ko.Grabeee!!!
"Babush na!Diskarte niyo na yan mga chaka!",sabi ni teacher.
Paano yan?!Partner kami!
Partner for life, ehe.Joke hahahahaha!
Sinong unang lalapit?Imbes na wala naman akong grade.Pride or grades?
Kailangan muna lunukin ang pride para sa grade.Hanep din siya ehh pachill chill lang.Alam niya na ako yung unang lalapit kasi grade conscious ako.
Lord,tulungan mo po ako.Kaya ko tohhh.Juskopo!
Ayan na naglakad na ako papunta sa kanya.Excited ako na ewan na kausapin siya.
"Uhmmm, Olwen.",sabi ko.
"Yes?",tanong niya.
Nung lumingon siya sa akin parang nag slow-mo siya tapos blurred na yung mga nakapaligid. Halla malala na tama ko sa kanya!Pero dapat hindi ko ipahalata kasi ayokong mahalata nila.Simple as that.
Ngayon ko lang nalaman na gusto ko pa rin siya.Yes,hanggang ngayon. Mag-aapat na taon na rin.Aba!Ang swerte nito.
Ang dami kong binasted na lalaki dahil faithful ako sa kanya.
"Paano natin gagawin yung topic sa history?"
"Hmmm.Lets go to the library tutal may 1 hour pa.",sabi niya.
"Sige."
Oha!Ang galing ko magtago nang nararamdaman.Im a strong independent cute!
Dun kami sa pinakadulo pumwesto para di makita nung librarian na nagcecell phone kami.Para-paraan din nohh!;)
"Anong topic?",
"History",sabi niya.
"As in history talaga?",
Kinukuha ko na yung notebook sa bag.Grabe naman,basic yung pinapagawa nung echoserang froglet na teacher namin!
"Oo yung nakaraan",sabi niya.
Bigla akong napalingon sa kanya.At ewan ko ba, kasi bumilis ang tibok ng puso ko.Bat ba kasi ganyan siya?
Assumera lang talaga ako eh.
Naka-earphones na siya at nag-iiscroll sa phone niya pero nakatingin pa rin ako sa kanya.Nakaka-intriga yung sinabi niya eh.
"Olwen we need to talk"
"Nag-uusap na tayo Eliz",sabi niya.
Omogosh!Yun yung tawag niya sa akin dati.Ang sarap ulit-ulitin nung sinabi niya!
"Eliz",ang ganda ng pagkakatawag hahhaha!
Hindi ko alam kung saan ko nakukuha yung lakas ng loob para sabihin sa kanya tohh.But it's now or never.
"Tungkol sa history natin"
"I'm taking the risk.Ayoko yung parang walang nangyari dati, na parang wala lang sa ating dalawa"
Bigla siyang napaayos ng upo sabay tanggal sa earphones at inoff ang phone niya.
"What do you want?",tanong niya.
BINABASA MO ANG
A Hundred Sixty-eight Hours With You
Teen Fiction[Slow Update] Akala ko siya na talaga ang gusto ko kahit paulit-ulit na akong nasasaktan ng hindi niya sinasadya. Akala ko one-sided love story lang talaga ang mangyayari pero may ibang plano pa pala ang tadhana para sa akin. Akala ko lang pala...